Part 1

8 0 0
                                    


          Sa loob ng apat na kanto ng madilim na kwartong ito ako nagtatago. Mayroong maliit na espasyo ang kwartong ito na sapat lamang para sa isang tao. Malimit na mapuntahan ng mga bisita ang bahagi ng bahay na ito. Sa silid na ito ay makikita mo ang isang maliit na higaan na nakalagay sa harap ng pintuan kung saan katabi nito ang nagiisang mesang pinaglalagyan ng aking kagamitan at kung iyong mapapansin mayroong nakasabit na salamin rito. Hindi lingid sa aking kaalaman na umaga na sapagkat wala sa bokabularyo ko ang pag-gising ng maaga upang pumasok sa eskwela. Naglakad ako patungo sa kinalalagyan ng salamin, hinarap ang aking sarili at binanggit ang mga katagang, “Marhay na aga!”, isang magandang umaga ang mga salitang lumabas sa aking bibig ng makita ko ang repleksyon ko sa salamin. Inilipat ko ang aking paningin sa malaking orasan.
“Aba! Alas sais na pala ng umaga?” agad kong naibulalas at kumarimpas ako ng takbo patungong banyo upang maligo at mag ayos.
          Ilang minuto ang itinagal ko sa pag-aayos at ilang sandali pa’y lumakad na ako patungong paaralan. Nasa huling baitang na ako ng sekondarya, 4th year high school. Mag-isa na lamang akong namumuhay sapagkat wala na akong mga magulang at walang nais na kumupkop sa akin. Kaya simula ng araw na iyon mag-isa ko nang tinaguyod ang aking sarili. Nag-apply ako ng trabaho sa isang karinderya, laking pasasalamat ko at ako’y tumagal ng dalawang taon sa trabahong ito. Dito ko kinukuha ang pang araw-araw kong gastusin sa bahay at paaralan. Matapos ang ilang minutong paglalakad, sa wakas ay nakarating na rin ako sa aming paaralan. Pumasok ako sa class room at agad na umupo sa aking upuan.
           Habang nakatingin ako sa kawalan, isang tanong ng aming guro ang umagaw ng aking atensiyon.
“Kailangan ninyong gumamit ng cellphone para sa proyektong ibibigay ko sa inyo. Bago ang lahat, maaari ko bang malaman kung sino ang walang cell phone dito?”
Tumayo ako sa aking kinauupuan at saka itinaas ang aking kanang kamay. Isang malakas na tawanan ang narinig ko sa loob ng class room na sinundan pa ng dalwa,tatlo,apat,lima at hanggang sa hindi ko na mabilang ang mga taong nakikisabay sa pagtawa. Wala namang mali sa sagot ko ngunit sigurado akong, ako mismo ang pinagtatawanan ng mga kaklase ko.
“Maari mo bang sabihin kung bakit hindi ka marunong gumamit ng cellphone?” tanong ng aking guro. Sasagot na sana ako kaya lang biglang nagsalita ang isa kong kaklase.
“Ma’am siguro taga-bundok yan. Kaya hindi alam kung paano gamitin ang cellphone.” Muli kong narinig ang mga boses nilang nagtatawanan sa hindi ko malamang dahilan.
“ Kasi po Ma’am…” , hindi na ako muling nabigyan ng tsansa upang mag salita at ipaliwanag ang panig ko dahil may sumingit na namang kaklase ko.

Cell phoneWhere stories live. Discover now