Part 5

7 0 0
                                    

Lumipas ang mga araw at ito na ang araw ng flight ni mama, Hinatid ko siya sa airport at doon na ako nagpaalam sa kanya. Umuwi akong mag-isa at tiningnan ang bawat sulok ng bahay. Nakikita ko ang magagandang ala-ala naming tatlo,nila mama,papa at ako. Nalungkot ako at kinuha ang cell phone ko sa bulsa ko. “ Dahil na naman sayo. Bakit kailangan niya pang umalis ng ibang bansa?” maluha-luha kong dinampot ang cell phone ko at pinatay ito upang itago sa isang cabinet.
Tumunog ang aking cell phone at ako’y nagising, nagising sa isang mapait na katotohanan. Tandang-tanda ko pa pala ang mga ala-alang iyon. Bumangon na ako para maglinis ng bahay. Sabado naman ngayon kaya walang pasok.
Una kong inayos ang aking kwarto. Sa aking pagwawalis ay nasangga ko ang isang vase, nahulog ito at nabasag. Bigla akong nagtaka dahil may papel na nasa ilalim ng vase. Kinuha ko ito at binasa.
“Hi anak. Happy Graduation day! Congrats anak dahil sa wakas ay graduate ka na sa elementary. Alam mo ba na marami kaming balak ng mama mo para sa iyo? Gusto sana naming pag-aralin ka sa isang malaking University at tanda mo pa ba yung regalo namin sa iyong cell phone? Hindi ba’t sinabi ko sa iyo na papalitan ko iyon ng mas malaki pa doon? Natanggap ako sa isang trabaho anak at may posibilidad na makapag-aral ka sa isang University dahil malaki ang makukuha kong suweldo dito. Anak aaminin ko ito sa iyo, parang nararamdaman ko na may hindi magandang mangyayari ngayon pero anak ipangako mo sa amin ng mama mo na magtatapos ka ng pag-aaral kahit ano man ang mangyari. Hanggang dito na lang anak. Mahal na mahal ka namin ng mama mo.”
Naiyak ako dahil ito marahil ang dahilan kung bakit pumasok si papa sa kwarto ko noon at aksidenteng nabasa ang text ni Ryan.
Lumabas ako ng bahay upang magtapon ng basura at nagulat ako sa aking nakita.
“Ryan? Mama?” agad akong tumakbo palapit sa kanila at binigyan sila ng malaking yakap. Naguguluhan man ay pinapasok ko sila sa bahay at doon kami nagkuwentuhan. Nalaman ko na kaya pala umalis si Ryan papuntang America dahil magpapa-opera siya. May sakit pala siya sa puso, hindi ko  man lang nalaman agad. Sinabi naman ni mama na nagpapadala daw siya sa akin ng pera ngunit hindi ko iyon alam dahil nga hindi ko na ginagamit noon ang aking cell phone. Lubos ang kasiyahan ko ngayon. Nawala man si papa ngunit bumalik naman ang mga taong mahahalaga sa akin.
May biglang kumatok sa pintuan at aking binuksan. “Hi Kim!”
“Marlon?”
“Kim di ba sabi ko sa iyo ayaw na kitang ka-chat kasi nga gusto na kitang makilala sa personal.” Napangiti ako  sa kanyang sinabi at agad ko siyang niyakap.
“Salamat Marlon.” Ito na ata ang pinaka masayang araw ko. Hindi nila ako iniwan at bumalik silang lahat para sa akin,ang mga taong nagmamahal sa akin at mga taong minamahal ko.

Cell phoneWhere stories live. Discover now