Part 3

9 0 0
                                    

“Alam kong lubos na nagtataka ka dahil hindi naman tayo close. Maaring sabihin mo na feeling close ako sapagkat hindi mo ako kilala ngunit kilala kita. Gusto ko lang naman na makipagkaibigan sa iyo.”
“Muli akong nagpapsalamat sapagkat may isang tao pa rin ang nais na makipag-kaibigan sa akin.”

           Sa simpleng “Hi” at “Hello” dito nagsimula ang pagkakaibigan namin. Inaamin ko na hindi ko inaasahan na bigla na lamang siyang makikipag-kaibigan sa akin sa hindi ko malamang dahilan o rason.Lumipas ang mga araw at unti-unti na akong napapansin ng iba kong mga kaklase. Marunong na din akong gumamit ng cell phone at nang dahil sa cell phone na ito marami na akong nakilalang mga kaibigan sa loob at labas ng school namin. Araw-araw na din kaming magka-chat ni Marlon. Napapangiti na lamang ako dahil sa mga pinag-uusapan namin. Dati ko pala siyang classmate noong elementary at hanggang ngayong high school ngunit lubos akong nahihiwagaan dahil hindi ko siya kilala at hindi ko siya napapansin sa loob ng classroom. Sa bawat araw na lumilipas ay lalong lumalapit ang loob ko sa kaniya at nagiging mas malapit kaming magkaibigan.
         Masaya ako ngayong araw na ito dahil isa ako sa mga estudyante na ikinatuwa ng aming guro. Ito ay dahil sa nakapagpasa ako ng project namin na kinakailangan ang cell phone. Gusto ko itong ikuwento kay Marlon. Ngunit noong ako ay magta-type na sa aking cell phone ay bigla siyang nag-chat at sinabing.
“Sorry Kim pero habu ko nang makipag-chat sa imo.”
Nagulantang ako sa kaniyang sinabi. Sinabi niya na ayaw na raw niyang makipag-chat sa akin.
“Nata?” halos nanghihina akong nag-type ng salitang bakit.
“Aram ko na dae mo ako ma sasabutan kaya habu kong iagi ini sa chat.”
Alam niya daw na hindi ko siya maiintindihan kaya ayaw niyang idaan ito sa chat.
Hindi na ako muling nag-reply sa kanya.Inaamin kong nalungkot ako dahil sa naging close na din kami. Mas mabuti sigurong tanggapin ko na ang katotohanang lahat sila ay iniiwan ako. In-off ko ang cell phone ko at inilagay ito sa ilalim ng unan. Inihiga ko ang aking katawan sa kama at agad na nagbalik ang aking memoriya kung bakit nga ba ayaw kong gumamit ng cell phone.
Apat na taon, tama.
Apat na taon na ang nakalilipas mula nang gamitin ko ang cell phone ko. Naalala ko pa na ibinigay ito sa akin ng aking mga magulang. Elementary pa lamang ako noon,Grade six,ibinigay ito sa akin. Isang malaking kulay itim na cell phone ito.
“Happy Birthday Kim! Ito ang regalo namin sayo.” Tuwang –tuwa si mama habang inaabot sa akin ang cell phone na tinutukoy niya.
“Pasensiya ka na, anak kung yan lang ang maibibigay namin ha?Sadit man sana kaya an sahod ko pero sa masunod ta bakalan taka ki mas dakula pa jan.” Naiyak ako sa sinabi ni papa. Maliit lang daw ang suweldo niya pero sa susunod ay bibilihan niya na raw ako ng mas malaki pa dito.

Cell phoneWhere stories live. Discover now