Ang mga ibong humihimig
Tumutono sa ating pagibig
Ang mga kamay na magkahawak
Mga ngiti'y lalong pinalalawakIhip ng hangin sa atin ay yumayakap
Sa buhangin tayo'y yumayapak
Pagsilay sa paglubog ng araw
Tila gabi ay nagsisimula ng sumapawAng iyong mga ngiti sakin di ko malimot
Habang puso ko ay sumasabay na kumirot
Hinihintay na oras ay gumigipit na
Upang ikay mapalaya ko naTakipsilim na napakasakit
Kung maramdaman ko'y napakalimit
Suot mong puting baro
Ay tagumapay mo na upang puso'y makapaglaroSa paraiso na kung sino man
Magpapakasaya ng walang hanggan
Narito ako sa iyong harapan
Isisigaw ang aking huling nararamdamanSa paglipas nitong oras
Humiling ang aking puso na tuluyan na sanang makatakas
Ang paghihintay ko'y hanggang makita ko ng lubos
Sa ilalim ng puno'y naruon ako hanggang mga dahon ay makamtan ang tagsibol na nais matubos
YOU ARE READING
Recciel's Poetry
PoesiaThese are self composed of poems Please no copy writing Open for suggestion