"Good morning Ms. Jennilyn.""Wow, ang saya niyo ata ngayon ah. Good morning class," nakangiting kong bati sa grade 3 students ko.
Umupo na sila, "syempre Ms. hindi ka magtuturo ngayon eh" nagtawanan sila.
"Hindi nga pero may matututunan naman kayo" tuwing wednesday hindi ako nagle-lesson. Nagk-kwento lang ako sa kanila.
"Yehey! May panibagong kwento na naman si Ms. Jenni" masayang sabi ng isa sa mga babae kong studyante.
"Balita namin Ms. kakaiba daw yung kwento niyo ngayon."
Ngumiti ako, "yes class kakaiba talaga to. Hindi to princess and prince story, hindi din fairy tail at hindi action."
"Eh tungkol saan po yung ike-kwento mo?"
(Hindi isasama ni Jennilyn yung mga bad words at yung mga hindi dapat malaman ng mga bata sa ike-kwento niya)
•~•~•~•~•
"Dude buti naman nakapunta ka" sabi ng kaibigan ko, si Renz.
"Oo naman dude. Kailan ba ako di pumunta sa mga yaya niyo?"
"Pumupunta ka nga, late ka naman palagi. Dude 1:00 pm nagsimula tong party ng kapatid ko tapos 8:00 pm ka pumunta?" Sabi ni Carlo.
"Parang di naman kayo nasanay."
Si Carlo at Renz ay matalik kong kaibigan simula nong 11 years old kami. Simula nun, lagi na kaming magkasama sa mga katarantaduhan namin.
"Hi kuya" lumapit sa akin si Cindy at kumandong sa binti ko. Iniabot ko naman yung birthday gift ko sa kanya, "eto o. Happy birthday."
Masaya niya naman itong tinanggap, "wow. Thank you kuya."
"Sige na pumasok ka na sa loob."
"Sige po" pinagmasdan ko siyang tumakbo paalis sa amin. Nakita ko na may kumausap sa kanyang lalaki at sa tingin pa lang nila, halatang crush nila yung isa't isa hahaha.
"Ngumingiti magisa si gag*" binatukan ko agad si Carlo dahil sa sinabi niya.
"Naaalala niya ata si--"
Di niya na natuloy yung gusto niyang banggitin dahil nagsalita na ako, "tarantad*" nagtawanan naman sila.
Kanina pa namin naririnig yung mga babaeng nasa kabilang table kaya nagbilang kami "1, 2, 3."
"Hi po" napatingin kami sa nagsalita. Hmm mas bata sila sa amin.
"Hi babygirls" sabi ni Renz. Gag* talaga to.
Di naman nila napigilan ngumiti, "pwede po magpapicture?"
Di ko naman sila pinapansin at umiinom lang ako.
"Yes of course" puwesto na si Renz na handa sa picture pero inabot sa kanya nung babae yung camera at lumapit sila sa akin.
Pinilit naman namin ni Carlo na hindi tumawa kasi halata namang napahiya si gag*.
Nagpasalamat yung mga babae at nang makaalis na sila, saka kami ni Carlo tumawa.
"Yan buti nga hahahahaha."
"Pahiya hahahahaha."
"Sige tawa pa" inirapan niya kami ni Carlo.
"Mas may itsura talaga sa atin si Josh no?" tanong ni Carlo kay Renz.

BINABASA MO ANG
I Will Always Love You
Teen FictionAng mundong paikot-ikot at ang tadhanang mapaglaro. Si Joshua ay nakatagpo ng babaeng akala niya magiging una at huli niyang pagibig. Pero maraming namamatay sa maling akala.