Chapter 2: Babe

2 1 0
                                    


Gumising na ako dahil pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Nang iangat ko ang ulo ko na nakapatong sa gilid ng kama na hinihigaan ni Jash, nakita kong nakatingin siya sa akin.

"F*ck" tumawa siya ng tumawa dahil sa itsura kong nagulat sa kanya.

Habang tumatawa siya, pinagmamasdan ko lang siya. Tumigil naman siya ng makita niya ako, "nagagandahan ka na naman sakin" nagpacute pa siya.

Inalis ko yung tingin ko at tumayo, "uy biro lang" hindi ko siya pinansin at naglakad lang ako palabas.

Malapit na sana ako sa pintuan pero humarang siya, "where are you going?"

"Edi lalabas" tinignan niya ako at ngumiti siya.

"Nagtatampo ka sakin ano?"

"Bat naman ako magtatampo? Eh iniwan mo lang naman ako ng walang paalam. Anong nakakatampo dun?"

"Hoy lalaki obvious ka."

"Umalis ka nga jan."

"No" dumila pa siya sa harapan ko.

Inirapan ko lang siya.

"Aba aba" susuntukin niya sana ako pero tumigil siya, "sorry na" nagpapacute na naman siya.

Wag kang titingin, mapapahamak ka-- sabi ko sa sarili ko.

"Hey" hinawakan niya yung baba ko at pinisil niya yung pisngi ko.

"Tss ang kulit mo" hinila ko siya pabalik sa kama at umupo kami, "explain."

"Okay ganto kasi yun, di ako nagpaalam sayo kasi madaling araw pa lang umalis na kami. Eh nong hapon na yun hindi bat naglaro tayo? Pagod na pagod tayong dalawa. Alam naman natin na tulog mantika ka kaya hindi na kita ginising."

"Bakit hindi ka man lang nag iwan ng sulat?"

"Parang di mo naman ako kilala. Alam mo naman na tamad ako magsulat nung bata pa tayo."

"Alam mo ba na nawalan ako ng gana nung nawala ka? Hindi na din ako naglalaro sa labas nun. Lagi na lang akong nasa bahay, nagpapakabait."

"Ayieee. Ibig sabihin namiss mo ako?"

"Oo naman" napatigil ako at tumingin na sa kanya, "syempre parang kapatid na kita noon."

"Namiss din naman kita eh."

"Bakit ba kayo umalis?"

"Yung lolo ko kasi sa ibang bansa, kritikal nong panahon na yun. Kinailangan si daddy. In case na mawala di lolo, at least nakasama niya kami diba" tumango lang ako. Kaya pala.

"Kaya pala pumuti ka ha. Nagpakabait ka lang sa bahay niyo. Gumwapo ka tuloy lalo."

"Sus."

"Ang sungit mo. Sorry na nga."

"Oo na."

"Yehey!" isip bata pa rin siya hanggang ngayon.

Tinignan ko yung relo ko at mas nagulat ako kesa kanina, "sh*t."

"Bakit na naman?"

"2:34 na ng umaga."

"Ano naman?"

"Anong ano naman? Hindi ka pa ba uuwi? Wala kang kasama diba? Ako na lang maghahatid sayo."

"Ang oa mo josh. Edi mags-stay ako ngayon dito kanila tita."

"Kilala mo si tita?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Will Always Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon