Prologue

7 1 1
                                    

"Tifa!"
Malakas na pagtawag ng kung sino ang nagpalingon sa kanya. Nang makita kung sinong tumatawag, binilisan niya ang paglalakad na halos tumakbo na siya.

"Tifa babe!". Palapit nang palapit ang boses kaya hinawakan niya nang mabuti ang gamit at tatakbo na sana nang mabilis ngunit mas mabilis ang kamay ni Stevenson na hinuli ang kanyang braso.

"Ano?!". Hindi niya mapigilang sigawan ito nang makalapit. Hingal na hingal siya sa tangkang pag-iwas sa binatang nakangisi ngayon sa harapan niya. "Bitiwan mo ako Stevenson please".

"Eh kung ayoko?". Sagot ng binata na nakangisi pa rin ng nakakaloko sa harap niya. Natigilan naman siya at saglit na napagmasdan ito. Hindi maipagkakailang nagmistula itong Greek God kahit nakasuot lamang ito ng simpleng basketball uniform. Bagay na bagay dito ang unipormeng yun, lalo na sa tuwing tumatakbo ito sa loob ng court at pumupuntos para sa Westridge Flaming Phoenix- ang opisyal na koponan ng basketball ng kanilang paaralan.

Mas lalo naman itong ngumisi nang mapansin na pinagmamasdan niya ito."So, did I pass?". Mas lalo pa itong ngumisi ng mapansing natigilan niya at namula."I must look really great huh? Really, I'm flattered na titigan mo ng ganyan."

Umiwas muna siya ng tingin at hinaklit ang braso niya. "Tigilan mo na ako please. Tigilan mo na kung ano man 'tong ginagawa mo. Wala akong panahong makipaglaro sa'yo".

Seryoso niyang saad. Nilingon niya ito at nakitang natigilan ito at natahimik. Sinamantala niya ang pagkakataon na umalis sa harap nito. Pero hindi pa man siya nakakalayo ay natigilan siya ng bumulong ito pero dinig na dinig niya.

"Who says I'm playing huh?"

Brainy Gets the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon