"Oh Panya nandito ka na pala". Natigil siya sa pagbabasa ng pumasok sa pinto ang kanyang ina.
Nagmano muna siya saka kinuha ang mga bitbit nitong pinamili. Napangiti na lang siya ng marinig ang tawag sa kanya ng kanyang ina. Kahit mistulang minurder nito ang pangalan niyang Tiffania, pipiliin pa din niyang marinig ang malambing nitong boses.
"Kanina pa ho ako nang. Pasensiya na at di ako nakasunod sa palengke. May tinapos pa kasi ako". Pagpapaliwanag niya habang sinasalansan ang kaunting de lata na binili ng kanyang Nanang sa palengke. Isa itong tindera ng gulay sa palengke na malapit sa kanila. Kahit maliit ang pwesto ay pinagtatyagaan iyon ng Nanang niya para mabuhay lamang silang dalawa.
Silang dalawa na lang sa buhay. Sabi ng Nanang niya, iniwan sila ng Amerikano niyang ama ng malamang buntis ang kanyang ina. Dahil sa kahihiyan ay tinakwil ito ng pamilya at mga kamag-anak. Mabuti na lang at pinili nitong buhayin siya sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nito.
Sixteen years old pa lamang siya at nasa huling yugto ng high school sa Westridge International. Maituturing niya na ang pagpasok sa prestihiyosong eskwelahang ito ang pinakamalaking biyaya na natanggap niya. Nagbibigay kasi ng isang slot na scholarship ang Westridge taun-taon at sinubukan niya lamang magtake ng exam at maswerte namang nakapasa siya. Mayayaman ang mga kaklase niya. Siya nga lamang siguro ang salat sa buhay sa mga ito. Mabuti na lang at sagot ng eskwelahan ang lahat ng school expenses niya. Problema lamang niya ang allowance.
Ayaw niya man sanang abalahin ang Nanang niya ay hindi naman ito nagpapaawat na maghanapbuhay upang makatulong sa allowance niya.
"Ay ikaw na bata ka. Kaya ko naman eh. Masyado ka lang nag-aalala", kunwaring ismid ni Nanang.
"Nang alam mo naman na ayaw ko na nagpapagod kayo diba. Tsaka tinitipid niyo yang sarili niyo. Hindi man lang kayo nag traysikel papunta dito".
"Anak kaya ko na. Sige maghahanda lang ako ng hapunan at ng makakain ka. Kanina ka pa ata nag-aaral eh".
Ngumiti na lang siya dito. Ayaw niya na problemahin ng Nanang niya ang allowance niya kaya nga nagpapart time siya sa isang maliit na burger stand pagkatapos ng klase. Mabait ang may-ari at sapat lang ang kanyang kita sa kanyang allowance kung kaya't pinagsisipagan niya talaga ang pag-aaral at pagtatrabaho kahit minsan pagod na pagod na siya.
Nagpatuloy lamang siya sa pagbabasa. Hindi kasi siya pinapasok ngayon sa Jayrac's dahil umuwi muna ng probinsya si Mang Kaloy.
Binuklat niya ang pahina nang may nahulog na papel mula dito.
"Tiffania, why do I have this feeling that you'll gonna be a big part of my life?"
S.G."
"Sino naman 'tong SG na to? Singapore?", natawa na lang siya at nailing. Siguro pinagtitripan lang siya ng walang magawa sa buhay ng kung sinuman. Niligpit niya ang sulat at pinagpatuloy ang pagbabasa sa kanyang Physics book. Pero natigilan siya kapagkuwan nang may naalala siyang naganap kanina lamang na maaring may kaugnayan dito.
Naglalakad siya sa hallway habang nagbabasa ng Physics book. May quiz kasi sila ngayon. Sigurado naman siya sa sarili niya pero di niya mapigilang magreview dahil paborito niya ang subject na ito. Naiisip nga niya na magiging Physicist siya o di kaya'y Physics teacher pagkagraduate niya. Hindi niya alintana ang ingay ng nagtatawanan sa dinaraanan niya at engrossed na engrossed siya sa pagbabasa. Memoryado ng mga paa niya ang dinaraanan kaya kayang-kaya niya maglakad ng hindi tumitingin sa dinaraanan niya. Pakiramdam niya malapit na siya sa classroom nila kaya mas binilisan pa niya ang paglalakad.
Nang biglang tumigil lahat ng ingay at mistulang may dumaang anghel na natahimik ang lahat. Mula sa aklat ay nag-angat siya ng tingin sa paligid at napansin niyang nanlalaki ang mga matang nakatingin ang mga ito sa kung ano-or rather SINO ang nasa harap niya.
BINABASA MO ANG
Brainy Gets the Badboy
Historia CortaMiss Straight As and angel personified Tiffania Cortez got entangled with the campus hearthrob Stevenson Griffin. Nawala ng parang bula ang plano niyang makapagtapos nang payapa sa unibersidad na kanyang pinapasukan. Paano na ngayon 'yan? Paano niya...