#RAC3
Hindi kami mayaman. Oo. Student Assistant ako sa Saint. Matthew Academy at Personal Assistant ni Sandra Postrano. Si mama ay kasambahay sa mansiyon nila. Mabait si Mrs. Postrano at binigyan niya pa ako ng scholarship, ako ang nagprisinta na maging PA ni Sandra bilang kapalit narin.
Mabait si Sandra, sabi niya magkaibigan daw kami pero ayaw ko. Hindi naman sa pag-iinarte pero, ayaw ko ng kaibigan hangga't maaari dahil hindi sila laging andiyan, kalokohan nalang ang mananatili sila. Nakipagkaibigan dahil may kailangan.
Ano naman ang kailangan ni Sandra sa akin?
Grade 7 hanggang grade 9 nag-aral ako sa Doña Felicidad, feeling mayayaman ang mga nag-aaral doon. May kaibigan ako, si Thria, siya lang ang kaibigan ko. Maganda siya at mabait.
"Step, pauwi kana?", si Julius, bukod kay Thria, kaibigan ko rin. Pauwi na ako nang makita ko siya.
"Ha? Ah, oo eh.", may bitbit akong libro na kailangan kong aralin.
"Hatid na kita.", sabay kuha sa mga bitbit kong libro.
"Ahh, sige."
Simula noon, naging madalas na ang paghatid niya sa 'kin at naging madalang na ang pagkikita namin ni Thria.
"May itatanong ako saiyo, Step.", si Thria nang muli kaming nagkasama mananghalian.
"Ano 'yon?"
"May gusto ka ba kay Julius?"
"Ha? Wala naman, lagi lang kami magkasama kasi tinutulungan niya ako."
"Ahh, ganoon ba."
Sa pagkakatanda ko, iyon ang huli naming pag-uusap na magkaibigan pa kami. Pagkatapos noon binubully na ako. Hindi ko gustong isipin na si Thria ang nasa likod nito ngunit napatunayan ng minsang nabuhusan ako ng colored water pagbukas ko ng pintuan sa CR.
"Kumusta buhay mo?"
"T-Thria"
"Ang landi mo kasi eh, kaya ganyan dinanas mo."
"A-Ano ba 'to."
"M-May gusto ako kay Julius, nagseselos ako sa tuwing magkasama kayo."
"Thria!", napalakas ang sigaw ko. "Itatapon mo ang tatlong taon nating pagkakaibigan? P-Para lang sa isang lalake? Sana naman sinabi mo para layuan ko siya!"
"Pasensya na. Huwag mo na akong kaibiganin."
Kaya simula nun, may trust issue na ako, hindi madali sa akin ang magkaroon ng pakikipagkaibigan.
"May pupuntahan ako, sama ka dali.", inaya ako ni Sandra.
"Mag-aaral pa ako, Sandra eh."
"Ngayon lang naman eh."
Andito kami ngayon sa Grill Park, inaya siya ni Jim at sinama ako. Nandito rin pala si Tonio. Mag-aaral pa ako eh.
"Kailan ka pa may PA, Sandra?", tanong ni Jim.
"This quarter lang, pero not as in yaya talaga. Para may kasama lang, ganoon.", paliwanag ni Sandra.
"Ahh. Sa Doña Felicidad ka nga pala nag-aaral Shen.", bumaling si Jim sa akin, ngumiti lang ako.
Shen? Kailan pa naging nickname ko ang Shen?
"Tahimik ka ata dre.", tanong ni Jim kay Tonio. "Huwag mong sabihing nahihiya ka kay Shen?"
"Pinagsasabi mo?"
Tahimik pala 'tong si Tonio? Ang daldal kaya niyan sa lib.
"Babae iyan no?"
"Tss. May iniisip lang ako."
"Comfort room lang ako.", namawis mga kamay ko bigla.
Humarap ako sa salamin. Makatapos ng Senior High, okey na. Hindi na muna ako mag-aaral. Magtatrabaho muna ako, mag-iipon. Para naman makatulong na ako kay mama. Kaming dalawa nalang ang magkasama. Wala akong kapatid, tatay ko? Hindi ko kilala. Ni pangalan niya hindi ko rin alam. Tanging litrato niya lang mayroon ako. Mga abo niyang mata.
Hinilamos ko ng tubig ang mukha ko at lumabas na.
"Hindi ito ang cr ng mga lalake", nagulat ako nang nasa labas si Tonio.
"Alam ko."
"Ahh okey.", nagsimula na akong maglakad pabalik sa mesa namin.
"Sandali lang Stepshen.", lumapit sa akin si Tonio. May ibinigay si Tonio sa akin.
Napkin?
YOU ARE READING
Running Around Circles
FanficKamay ng orasan, tumatakbo. Pakpak ng ceiling fan, lumalakas. Nagsasayang Ng oras sa katututok sa maduming yero.