One

30 2 0
                                    

Nararamdaman ko ang marahang pagtama ng hangin sa aking mukha. Napakasarap sa pakiramdam. Sana ganito nalang palagi. Sana hindi nato matapos. Sana...

"Ms. balik napo tayo sa loob." sabi nung nurse na nagbabantay sakin.

Nakakainis naman. Gusto ko pang damhin ang simoy ng hangin eh! Panira naman neto.

Bumalik nalang ako sa loob kasi baka mapagalitan na naman ako ni daddy. Pinapagod ko daw ang sarili ko. Hayy.. Gusto ko lang naman i-enjoy ang nalalabing araw ko sa mundo.

Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Nagbasa nalang ako ng libro. Nakakainggit talaga yung mga nasa librong binabasa ko. Sana magkaroon din ako ng lovelife bago man lang ako mamatay. Pero baka masaktan lang yung maiiwan ko dito sa mundo kaya mas mabuti naring wala akong lovelife.

Sana naging normal nalang ako. Yung tipong malaya ka. Yung malaya kang gawin kung ano ang gusto mong gawin. Sana katulad nalang rin ako ng mga normal na kabataan ngayon.

Inilagay ko ang libro at naidlip sandali..

nagising ako dahil sa gutom.
"makahanap nga ng makakain." bumangon ako sa aking kama at naghanap ng pagkain. Pumunta ako sa ref ko at hinalughog kung anong pwedeng makain dito. At yun may nakita akong cheese cake. Hmm pwede narin to..
Kinain ko ang cheese cake at bumalik na sa kama pagkatapos kong kumain.

Nakakabore naman dito. Wala akong magawa. Nasaan ako? Nasa hospital. Hmm kung tumakas kaya ako dito? Magandang idea nga yun!

Dumaan ako sa bintana para di nila ako makita. Hindi naman masyadong mataas ang kinalalagyan ng kwarto ko. Pwede lang syang talunin. Kaya ayun tinalon ko ang bintana at lumabas ng hospital.

Brrr~ anlamig naman sa labas. Nakalimutan kong magdala ng jacket. Pumunta ako sa park at nag lakad-lakad doon. Anong oras na kaya? Late na siguro.

Habang akoy naglalakad, may nahagip ang aking magandang mata. Oo maganda. Bakit may angal ka?! So ayun nga may nakita akong lalake. Bakit nandito pa sya eh anlalim na ng gabi ah. Teka nga lang. Bakit ko ba pinoproblema ang lalakeng to? Makaalis na nga.

Naghanap ako ng mauupuan dahil medyo pagod na kong mag lakad-lakad. Ano ba naman yan, ba't iisa lang ang upuan dito? Hay bahala na. Umupo ako sa tabi nung lalakeng nakita ko kanina.

Lumipas ang ilang minuto at tahimik parin siya. Makausap nga to.

"Kuya."

"..."

"Oy kuya sumagot ka naman."

"..."

ayganun? dedma ang peg! hmp bahala nga siya diyan.

Biglang tumayo yung lalake. Huh? San kaya to pupunta? Masundan nga.

Sinundan ko siya pero medyo nakaramdam na siyang may sumusunod sa kanya kaya't huminto sya. Magtatago na sana ako pero..

"Wag kanang magtago. Alam kong kanina mo pa ako sinusundan."

Ay nagsalita si kuya. Akala ko kasi pipi to eh.

Lumingon ako sa kanya ng dahan dahan at may awkward na smile. "uhh.. eh.. hi?" sabi ko.

ngayon ko lang napansin na ang gwapo pala niya. "bakit mo ko sinusundan." ay anlamig naman nang boses niya. Mas malamig pa sa simoy ng hangin brrr kinikilabutan tuloy ako. OHMAYGASH! baka multo si kuya O.O

"Hindi ako multo." sabi niya. Woooh! buti nalang hindi. "Ganito lang talaga yung boses ko. So bakit mo nga ako sinusundan." pahabol na tanong niya.

"h-huh? h-hindi kaya kita sinusundan. Nagkataon lang na pareho tayo ng dadaanan no." palusot ko. Ghad, sana umepek ang palusot ko sa kanya!

Pero tinalikuran lang niya ako at iniwan dun. Aba't bastos to ah! Sinubukan ko siyang habulin ngunit di ko na siya mahagilap. San na kaya yun? Naku! di ko pa naman alam kung nasan na ako. Sana hindi ko nalang sinundan ang lalaking yun. Urgh! nakakainis.

Sinubukan kong hanapin ang daan pabalik ngunit di ko talaga alam. Naliligaw na yata ako. Gosh! baka may mga killer dito. Ay wag naman sana ayoko pang mamatay.

Hinanap ko ulit ang daan pabalik. Ugh! ayoko na. Kanina pa ko pabalik balik dito. Waaaah! gusto ko nang umuwi. Baka mapagalitan ako ni daddy nito! Nanlulumong umupo ako sa daan. Baka hindi ang sakit ko ang dahilan ng pagkamatay ko, baka sa gutom. Naiiyak na ako. Nakakatakot kasi dito. Puro mga puno. Hindi ko na napigilan ang luha ko't naiyak nalang ako. Sana hindi ko nalang sinundan ang lalaking yun. Ugh! nakakainis!

Iyak lang ako ng iyak sa gitna ng daan. Oo gitna. Wala naman kasing dumadaang sasakyan eh. Hindi ko namalayan na meron na palang papalapit na sasakyan. Bago paman ako masagasaan, may humigit na sakin papalayo sa daan.



-artemis

without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon