Four

28 1 0
                                    

Dumaan ang mga araw at palagi na akong binibisita ni Vincent.

Okay naman kami- i mean yung pagiging magkaibigan namin. Wala narin yung malamig na pakikitungo nya sakin. Honestly, thankful akong dumating si Vincent sa buhay ko. Meron na akong nakakausap. Hindi naman sa ayokong kausap si daddy pero mas maganda pag yung kausap mo ay yung kaedad mo.

Pero habang patagal ng patagal. Parang may kakaiba na akong nararamdaman. Hindi yung pakiramdam na nanghihina na ako pero yung pakiramdam na bumibilis yung tibok ng puso mo sa taong yun. Ganun ang nararamdaman ko kay Vincent. Shiizzz weird!

"Knock Knock?"

Dug dug dug dug dug

Eto na naman tong pusong to. Bumibilis na naman ang tibok. At iisang tao lang ang dahilan kung bakit nagwawala ang puso ko..

"Uy Vincent"

Oo sya nga. Weird no? Ewan ko ba kung bakit ko to nararamdan sa kanya. Magpatingin kaya ako sa albularyo?

"Kumusta?" he smiled. Showing his perfect white teeth.

"Ok naman. Ikaw? Kumustang pag-aaral mo?"

"Ok naman"

"Sya nga pala may k-kwento ako sayo" dagdag niya.

"Talaga? Ano yun?" umayos ako nang upo at humarap sa kanya.

"Alam mo ba, kinausap ako ni Camille kanina! Haha ambait nya pala talaga. Tapos mas lalo syang gumaganda sa malapitan. Sana mag usap ulit kami" nakangiti niyang sabi.

Kung masayang masaya siya dahil nag usap sila ni camille. Baliktad naman yung naramdaman ko. Parang may kung anong tumutusok sa puso ko. Ito naba yung tinatawag nilang selos? Tsk. Mali talagang maramdaman ko to para kay Vincent. Ano ba naman kasing laban ko kay Camille? Maganda, mabait, matalino, mayaman at higit sa lahat. Siya yung mahal ni Vincent. Eh ako? Isang may sakit na babae na halos nakatira na sa hospital. Dapat ko nang ihinto tong nararamdaman ko kay Vincent. Dahil kung ipagpatuloy ko pa to, masasaktan lang ako. Alam ko naman kasing hanggang kaibigan lang ang tingin sa akin ni Vincent at wala nang mas hihigit pa doon.

"Oh natahimik ka yata. Ok ka lang?"

"O-oo ok lang ako. Uhh Vincent sa ibang araw ka nalang dumalaw. Hindi kasi mabuti yung pakiramdam ko ngayon"

"Hindi mabuti yung pakiramdam mo? Edi dapat palang mag stay ako dito para maalagaan kita"

"No! Wag na. Kaya ko naman sarili ko eh. Kaylangan ko lang magpahinga" yumuko ako dahil nagbabadya nang tumulo ang mga luha ko.

"Sigurado ka?"

Tumango nalang ako. Baka kung ano pang masabi ko

"Tawagan mo ako kung kailangan mo nang tulong ah?"

Tumango ulit ako

Lumabas na siya ng kwarto at pagka sarado nya ng pinto parang waterfalls na bumagsak yung mga luha ko. Ansakit. Parang dinudurog yung puso mo.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kakaiyak..

---

"Good Morning" nakangiting sabi ng gwapong nilalang nat-

"What are you doing here?" I hissed.

"Bakit bawal naba akong dumalaw? At sabi mo kahapon sa ibang araw na lang ako dumalaw kasi masama ang pakiramdam mo. Okay kana ba?" Mahabang litanya niya.

Gusto ko sanang sabihing oo wag kanang dumalaw dito dahil nagiging abnormal ang puso ko pag andyan ka.

"Oo okay na ako"

"Siya nga pala. Pinagluto kita ng paborito mo"

Binuksan niya yung supot at iniabot sakin.

Tinikman ko ang adobo. Hmm masarap ah

"Ikaw talaga nagluto nito?" Sabi ko habang patuloy parin sa pagkain. Ansarap talaga!

"Oo naman! Ginawa ko pa yan with love haha" masayang sabi niya.

Napatigil ako.

With love? What does he mean by that? Mahal niya rin kaya ako? Ayokong umasa. Baka masaktan lang ako

-

Sorry sabaw! Hehe thankies for reading. Kung merong nagbabasa hahaha labyu guys 😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon