Once
In a
Blue moon
*Chapter 2*
*****
*kring~kring~kring~~*
Sorry alarm clock ko po yan heheh..
"Era nak! Bumangon ka diyan enrollement mo ngayon diba?"
Sus! Enrollement lang naman eh---
"Enrollement na??? Anung oras na ba??"
Wahhhh malelate ako! Agad ako bumangon sa higaan ko inayos ito. Syempre baka mahampas ako ng walis tambo ni mama kapag di ko inayos hinigaan ko,ang bait ko yatang bata hahaha! Okay enough for chitchat. Agad ako'ng naligo at nagbihis at inayos ang mga requirements ko na dadalhin.
"Oh nak kumain kana muna.."
"Ma late na ko, magdadala nalang po ko nito'ng sandwich."
"Puyat ka kasi ng puyat..luh sige umalis kana."
Hindi naman ako nagpuyat ah..sadyang napasarap lang ang tulog ko. Bakit kasi di ako ginising eh..
*after minutes*
Nakasakay na ko ng jeep sakto at iilan lang ang sakay nito.
"Manong bayad po, sa may Dreamore Academy po."
Ilang minuto matapos kung magbayad napapnsin ko na kanina pa tingin ng tingin sakin yung lalaki sa harapan ko. Hindi naman sa nag aasume ako na tinitingnan niya talaga ko ah..pero kasi tinitingnan niya talaga ko! Alam niyo yun ang creepy lang kasi ng tingin niya..di kaya--wahhh! Wag naman po naging mabait naman po ko diba di naman po ko naging pasaway sa mama ko although minsan pero di ko na uilitin promise. Hanggang sa natanaw ko na yung school na bababaan ko.
"Manong para!" Bakit hindi huminto?
"Manong lagpas na po ko!" Anu ba naman!
"Manong di mo ba ko nariring bababa na po ko..
Tumayo na ko sa kinauupuan ko kahit naandar pa ang jeep para bumaba pero bigla-biglang pumero si manong kaya ang ending natumba ako at napaupo sa sahig ng jeep. Nakita ko na tumayo yung lalaki na kanina pa nakatingin sa akin.
"Hep! Kuya sinasabi ko sayo nananapak ako!" Tinawanan lang niya ako at tinuloy ang pag lapit sakin.
"Manong tulong! May rapist!" Pero imbes na tulungan ako ipaandar ulit ni manong ang jeep nang mabilis..
"Sinabing wag ka'ng lumapit eh!" Walang tigil ang pag sipa ko at paghampas sa lalaking pilit na hinahawakan ang magkabila kung kamay.
"Ang ingay mo babae ka!" Sinampal niya ko at sinuntok sa sikmura dahilan para manghina ako at mawalan ng malay..
"Bilisan mo diyan baka magising pa yan.."
"Ang usapn kukuhanan lang natin ng pera.."
"Wag kana magreklamo saglit lamg naman ako magbantay ka nalang diyan."
YOU ARE READING
Once in a Blue moon
General FictionIsang bihara'ng pagkakataon lang ang dumadating sa buhay ng isang tao..isang bihira'ng pagkakataon na pwede na makapagpabago ng buhay mo. Kung ang bihira'ng pagkakataon na ito o once in a blue moon ay ang paraan para mabago mo ang past mo o future m...