Chapter 3

0 0 0
                                    

Once

In a

Blue moon

*Chapter 3*

*****

Nagising ako nang nakaramdam ako ng mainit na likido sa bibig ko. At isang lalaki ang nakaharang sa mukha ko---mali hinahalikan niya ko!

*boogssh*

"Aray! Bakit mo tinulak?" Inis na tumayo siya habang pinapagpagan ang suot niya at tiningnan ako ng masama. Siya pa ang may karapatan magalit huh!

"Bakit mo ko hinalikan? Anung karapatan mo para halikan ako huh??" Inis na dinuro-duro ko siya.

"Alam mo miss dapat ka pa ngang magpasalamat sa akin. Iniligtas kita sa mga lalaking yun.."

Yung mga lalaki..tama! Kung di ako nagkakamali may tumulong sakin..at ang lalaking yun walang iba kundi--ang lalaking ito????

"Hoy mister barabas-hudas-hestas! Whoever you are..kung ikaw man ang nagligtas sakin doon sa mga lalaking baliw na yon eh di maraming salamat. Pero hindi kasama dun ang paghalik sakin!"

"Hindi ba pwedeng magpasalamat ka nalang?? Saka anung halik? Hindi kita hinalikan pwede ba. Pinainom lang kita ng dugo ko para maghilom agad ang mga sugat mo at mapabilis ang pagbalik ng lakas mo."

A-ano??? pinainom? Dugo? Sugat?

"HAHAHAHAHAHAHHAHAHAH!!!!!"

grabe! Nakakatawa naman ang isang to! Ako? Pinainom daw niya ng dugo niya? Ano ko bampira?? Hahaha grabe ang tama sa ulo ng isang to.


"Anung tinatawa mo?" Inis na tanong niya sakin..habang ako walang tigil pa rin sa pag tawa.

"Eh kasi naman hahaha!" Ibang klase! Di ko talaga mapigilan ang tawa ko.

"Tumahimik ka na nga!!"

Pagkasigaw niya na yun biglang humangin ng malakas at nagsilaglagan ang mga frame na nakasabit sa wall..pati ang mga salamin ng bintana nabasag.

"A-nong--ikaw??" Halos di ko alam ang sasabihin ko.

Natigilan kami pareho nang bumukas ang pintuan..

"Anung nangyari dito???"

"Oh gising kana? Mabuti naman..Eros!"

Halos magitla yung lalaking tinawag niya na Eros..bakit namumutla siya??

"Magpapaliwanag ako ok wag ka muna magalit--"

"Eros Dein Moore! Linisin mo ang lahat ng ito..pagbalik ko kailangan malinis na ang clinic." Utos sa kanya ng nurse na halos magkasalubong na ang kilay.


"Tsk!" Yan kasi..ang yabang eh buti nga sayo bleh!


"Ikaw miss--"

"Erniah Della Cruz po, Era for short po."


Nginitian niya ako saka ginaya palabas ng clinic..naiwan yung lalaki na kasama ko kanina.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Once in a Blue moonWhere stories live. Discover now