"Malalate nako nito..." ani ko habang tumatakbo palabas
Banaman 5:30 nako nagising tapos ang usapan namin 6:30 First day ko panaman malalate ako?!Ng makarating sa Building ay tumakbo nako sa Opisina niya at andun siya nakaupo habang may pinipirmahan na papeles tiningnan ko ang oras at 6:29 palang nakahinga ako ng malalim.
"Goodmorning Sir." Bati ko at dinaman siya nag abalang sumagot o lumingon man lang.
"Bring this to the 6th floor. Tapos ito Ipass mo sa Financial Incharge nanasa 3rd floor si Ms.lagutan hah.Eto naman ang mga lay outs ng mga project e file mo mamaya diyan sa cabinet Alphabetical order. Orderan mo ko ng Coffee sa starbucks at ihatid mo sa conference room take note americcano." Ani niya at nag lapag ng pera sa lamesa at nakatulala naman ako sa sinabi niya dahil dipa nag sisink in sa utak ko shete? First to hah.
"Go" Calmado at wala niyang emosyong sabi attumayo siya agad ko namang kinuha ung pinapadala niya.
"Ito sa 6th floor..."ani ko habang kinukuha ang tambak na papeles. " Ito sa 3rd floor Ms.lagutan..Eto i fifile ko mamaya then Americcano"
"Coppied" sabi ko at nag umpisa ng humakbang palabas.
fvck! Kung alam kolang san damakmak na papel tung ipapabuhat sakin araw araw abay nag dala nalang sana ako ng kariton ng di ako mahirapan.
Ginawa ko lahat nung sinabi niya at ng matapos mag hatid ng mga papeles ay bumili na ako ng kape sa starbucks americcano kuno..tapos hinatid sakanya sa Conference room.
Ng makarating sa Conference room di nako nag abalang kumatok dirediretso nako."Sir eto po yung Kape niy-" Agad akong naputol dahil sa madaming matang nakatingin sakin natila nagulat sa pagpasok ko feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi ko.
Lupa Eat me."Put it here." Ani niya at nilagay ko naman sa tinuro niya.
"Sorry." Paghihingi ko ng tawad. At agad ng lumabas ng conference room. Naglakad na ko pabalik opisina.
"Tanga kaa! Tangaa moo! Dapat kinatok momuna nakakahiya ka my gosh!" Inis na inis kong saway sa sarili habang naglalakad kinuyom ko yung kamay ko sakahihiyan. Damn! Nakakahiya talaga promise.
Ng makarating sa Opisina nung boss ko ay sinunod ko naung utos niya na i file daw yung lay out.
Tiningna ko ang mga lay out."Ang ganda naman nung mga design nung damit may mga jacket na ang gaganda rin ito yung mga damit na umuuso ngayon eh sila pala may gawa nun.?" Bulong ko sa hangin nagulat ako ng biglang may bumukas ng pinto kaya sinirado ko agad yung lay out na binabasa ko.
Si Sir. Napalunok ako ng laway. At
Inayos ko na ang mga pinapafile niyang Lay out.
Tangina! Baka sesantihin ako nito sa kawalang hiyaan ko kanina wala akong manners!
Lumapit ako sakanya."Sir I Apologiz-" Umpisa ko na bigla niyang siningitan.
"Can you get my phone In the conference room nakalimutan kong dalhin then pumunta ka doon kay Manong Sem na nasa stock room papuntahin mo dito." Utos ulit niya. Habang pinag mamasdan ko ang mukhs niya. Pero di naman siya nasulyap sakin.
"Ok po sir." Sinunod ko naman utos niya. Ng makalabas ng office isang lalake ang sumalubong sakin. Siguro mga ka age ko lang siya.
"Newbie? Pansin ko langkase kanina kapa lakad ng lakad eh." Sabi niya at umiling sabay ngisi ng mapang asar na ngisi. "Mukhang nakajakpot si gago." Ani niya at tumingin ulit sakin.
"Po?" Nagtataka kong tanong at ngumisi lang siya sabay abot ng kamay niya.
"Im Mike Martine nga pala Vice presedent of this company and you are?" Tanong nito sakin at inabot ko naman ang kamay nito.
"Zephaniah Salazar Sir." Ani ko at nagkipag kamayan.
So siya ang vice president nakakapagtatataka lang kase Napansin nkya ang Bagong katulad ko o siguro nasanay siyang parehas na mga mukha ang nakikita niya."Isang malaking pagkakamali na makilala ka binibini. *Chuckle* kung alam mo lang anong klaseng trabaho ang pinasukan mo nakuh.! May oras kapa para tumakas." Sabi niya ng may pananakot sa boses at ngumisi ng nakakaloko.
"Huh? What do you mean po?" Tanong ko habang nakatingin sa maamo nitong mukha.
"Hays.. Nevermind. Goodluck na lang sa Pinsan ko." Ani niya at ngimisi ulit habang nag lalakad papalayo.
Wierd? Pero pinsan pala sila ni Mr.zone.
Ng matapos ko ang trabaho ay bumalik nako sa office niya at don tinadtad ng utos.
***
"Andito nako." Pagod na pagod kong bati sabay hilata sa sofa."Oh? Zhep. Mukhang pagod na pagpagod ka na ah. Kumain kana ba?" Tanong ni tita sakin.
"Ok lang ako tita nakakapagod lang talaga kase puro siya utos diba siya na uubusan ng utos halos ako na gumawa ng trabaho niya eh makautos dinaig ko pa personal yaya niya dapat nga doble sahod kosa pinag gagawa ko eh." Sagot ko na tamad na tamad na.
"Zhepy masanay kana. Ilang weeks kana sa trabaho nayan dapat nga sanay kana eh." Pag kakalma niya sakin.
"Di ko na alam. Ang hirap pala maging secretary ng isang bigating negosyante halos araw araw wala siya sa office pero yung utos niya laging present . May meeting kami sa Alaska bukas sa Japan may appointmentsi Mr. Kaori sa next week." Ani ko na parang bagotna bagotna sa pinag gagagawa ng boss ko.
Ilangweeks palang ako hah. Pero halos sumuko nako."Kaya mo pa ba?" Seryosong tanong ni tita. At natahimik ako saglit ng maalala ko sila mama.
"Kaya pa." May tatag sa boses ko kahit medyo pagod na kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito.
"I thought tumigil kana sa paninigarilyo." Ani niya at umiling ako habang tinataktak ang upos sa tray.
"Feels good when I take it." Sabi ko sabay higop sa sigarilyo.
"Basta sinabihan na kita zhepy." Sabi niya at tumango tango naman ako.
Tumayo ako at umakyat sa taas."Tita Matutulog nako." Paalam ko
"Di ka man lang kakain?" Tanong niya at umiling ako.
"Busog pa ko." Ani ko at tumuloy na sa taas.
Nag shower ako ng matapos ay humilata sa kama.
"Zhep!" Nilingon ko ang isang matinis na boses ng babae pero wala akong makita ang dilim! At di ko maramdaman ang katawan ko.
"Zhep! " Boses naman ng isang lalake batang lalake.
"Nasan kayo? Sino kayo?" Tanong ko nakadilat ako pero dilim lang ang nakikita ko ng biglang may humawak sa likod ko at ng pag harap ko sa kanya ay nakita ko ang isang kakilakilabot na lalake.
"Magandang babae!" Nakakakilabot nitong sabi na ikina tili ko.
"Zhep!"
"Zhepy!"
"Zhep!"