━━━━━━━━━━━━━━━━
"Let's kill this love!"
Huling kanta namin bago mag-bow sa audience. Ramdam na ramdam ko 'yung breathlessness, idagdag mo pa 'yung malalakas na sigaw at cheers ng BLINKS.
Bilang appreciation sa kanila, nginitian ko sila at kinawayan na dahilan ng mas lalong pag-lakas ng sigaw nila. Hays, ganda ko talaga.
Dumiretso na kami sa waiting room kung saan inunahan ko ang iba kong mga kagrupo sa tapat ng electric fan. Sinigurado kong matulak si Lisa palayo para maangkin ang pinakamamahal kong fan.
"Tabi diyan. Mas karapat-dapat ang pinakamaganda sa tapat ng electric fan." Sambit ko kaya nama'y napatingin silang tatlo sa akin. "Sorry unnies. Sorry Lisa. I'm just stating facts hehe."
"Chaeng, tabi. Gusto ko rin magpalamig." Rinig kong sabi ni Lisa. Nilingon ko siya at inilahad ang palad ko. "Money down, Lalisa." Dahil d'un, tumayo siya at pilit akong hinila palayo sa electric fan. "BITIWAN MO AKO! NAGMAMAHALAN KAMI NG ELECTRIC FAN KO! LET GO OF ME! JICHU UNNIE, JENNIE UNNIE, HELP!"
"Bahala ka na diyan, Chaeng. May sarili na akong electric fan."
"Sorry Chaeyoung-ah, 'di ka matutulungan ni unnie ngayon."
Sabi nilang pareho bago bumalik sa kanya-kanya nilang mga gawain. Mga traydor.
"AKO NA ANG MAHAL NIYA KAYA UMUPO KA NA LANG DIYAN AT MAG-LARO. Oh, laruin mo 'to." Inabot niya sa akin 'yung phone niyang may larong naka-bukas.
━━━━━━━━━━━━━━━━
━━━━━━━━━━━━━━━━
'ZODIACUS BETA GAMING UNIVERSE,' Basa ko sa pangalan nung laro. "Ano 'to, bago?" Tanong ko naman sa kanya pero she just shrugged it off.