Chapter Three: Prince and Muse

158 8 1
                                    

***

Stop waiting for a prince charming. Get up and find him.

" Ate Sei! "

Tawag sa akin ni Keila habang nagtotoothbrush ako.

" Bat ang aga niyo ngayon? "

Ha? Napatingin ako sa relo ko. 5:45 AM. Nakabihis na ako't lahat lahat. Oo nga nu? Ang aga ko?

" Ok nga yun e. Ako una sa room :) "

" Baka naman may inspirasyon na ang prinsesa ko kaya maaga na sa school .. "

Nagulat naman ako nung sumabat si dad. Nagmumumog na ako at tapos ng magbrush.

" Dad, maaga lang ako nagising no. -.- "

Ngumiti lang si dad at binalik niya ang atensyon sa pagbabasa ng dyaryo. Wala naman si mom. Kaya nag babye na lang ako kay dad at nag kiss kay Keila saka umalis.

Ang aga ko ngayon dahil ... Oo, inspired ako. :)

***

Bawat paghakbang ko papuntang room, ang bilis ng pintig ng puso ko.

Nandoon kaya siya?

OHGHAD Nandito na siya. Natutulog naman yata. Nakatago naman kasi ang mukha niya habang nakapatong ang ulo niya sa arm chair na sinusuportahan ng mga braso niya.

Grabe. Siya ang nauna sa room. Gadd. Ok lang kahit makulangan ako sa tulog basta ang kasama ko bawat umaga ay si Prinze.

HAHAHAHAHHA ghad flirty mhiee!

Umupo na ako tumititig pa rin sa kanya.

At sa gulat ko, bigla nyang inangat ang ulo niya at ako naman, na stuck up na parang tanga na nakatingin sa kanya.

Hoooy Sei! Tanggalin mo ang tingin mo sa kanya. Pero .. Sabi ng mata ko, ayaw ko.

At out of the blue, nagsalita siya.

" Ang ganda ng panaginip ko seatmate :) "

Seatmate. Nasasanay na ang tenga ko na marinig ang boses niya habang sinasabi nya yun. Teka, kinakausap niya ako. Parang, ayaw gumalaw ng bunganga ko pero nakakahiya naman. Nahuli niya nga akong nakatingin sa kanya tapos ganun? Di ko sasagutin?

" A-ano yun? "

Basag. Kinakabahan ako. Ahh hindi, ang bilis ng tibok ng puso ko.

" Yung prinsesa ko, malapit ko na raw makilala. "

Pero kilala mo na ako Prinze. Shet. Anlandi. Teka, prinsesa? Princess? Naniniwala rin siya dun?

" Naniniwala ka rin sa fairy-tale like love story?"

For a guy, haha cute!

" Haha. Oo naman. Ikaw, mahahanap mo rin yung prince charming mo. Di man nakasakay sa puting kabayo o may kastilyo man siya o wala, yun pa rin ang magiging prince charming mo. Yung mala-knight in shinning armor mo!"

At yun ang pinakamahaba niyang sinabi sa akin. At hulaaan nyo sinagot ko.

" Ah ok "

Feeling ko friendly siya pero bakit ganun? Gusto kong maging close kami pero ayoko. Shet. Ano ba 'to nerve-wrecking veins please stop! HUHU

Tumayo siya sa upuan nya at umalis. Iniwan nya ako na may ngiti sa mukha niya. I smiled back. Tapos biglang naglaho ang lahat nung umalis siya.

Naniniwala rin siya. Naniniwala rin ako. Sign ba to? Sign ba ito na ako ay nag-dedelusyonal? -__-

***

" Ok, the table is now open for nomination of our Prince Charming. "

Nagnonominate na kami ng Classroom Officers. Nakakalungkot dahil di man lang ako nanominate na Classroom Officer. Hopeless na ako dahil ang vacant na lang ay Prince Charming at Muse. As if naman kasi -.- Siguro yung katabi ko pwede pa. :3

" I respectfully nominate Prinze as our Prince Charming. "

Sabi ni Sandra. Campus princess. Maganda kasi. Kahiya. Sa sinabi nyang yun, wala nang nag nominate. Sino ba naman tututol? :3 Tapos yun, nagclose na nga talaga ang nomination para sa Prince Charming. Siya na talaga. Muse naman ngayon.

" Any nomination for our class muse ? "

Sa gilid ng mata ko, tumatawa si Prinze. Sino naman ang tinatawanan niya?

" Ma'am! "

" Yes Cindy? "

" I nominate Sandra for our class muse. "

Cindy. Bestfriend ni Sandra. Syempre maganda rin. Bagay talaga si Sandra kay Prinze. Deserving na mag muse. Pero bakit ganun? There's a part of me na nagsasabing .. Ako na lang sana. Pero I feel hopeless lalo na nung sinabi ni ma'am na ...

" So I think, close na ang nomination? "

Nagngitian sina Sandra. Tapos napatingin kay Prinze. May gusto siya kay Prinze? Omoooo. Wag please T-T Si Sandra ang tipo ng babae na lahat ng gustong lalaki ay nakukuha.

Isusulat na sana ni ma'am ang name ni Sandra sa board ng biglang ...

" Wait ma'am! May nominee pa ako! "

Sabi ni seat-------.

Prinze?

" Ohhh sorry Prinze, sino nman yun? "

" I myself nominate my seatmate, Sei. "

He nominated me? Cupid? Pinaglalaruan mo ba ako? Si Prinze na crush ko, inonominate ako? Pero ... Totoo ba to? Dug. Dug. Dug. Dug. Pinapaikot nya ang utak ko at puso ko ng nakakahilo.

At ang mga mukha ng mga classmate ko? BOOM! Shock.

May nagtaas ng kamay. Iclinoclose na nya ang nomination. Nag second the motion naman kami. Di ako makapagsalita. Una dahil alam kong wala akong ibubuga kumpara kay Sandra. Pangalawa, ninominate ako ng taong di ko inaasahan.

" Who is in favor with Sandra? "

Tinignan ko yung mga nagtaas ng kamay. At in my shock, akala ko lahat magtataas nang kamay pero, halos kalahati lang ng klase ang nagtaas ng kamay. Some are smiling on me. Waaaaaahhhh. >.<

" Who is in favor with Seila? "

Dug.dug.dug.dug. Ayokong itaas ang kamay ko pero nakaramdam na lang ako ng isang kamay na nagtaas sa kanang kamay ko. Si seatmate. And suddenly, gusto kong tumigil ang oras. Tinignan ko lang yung kamay na humahawak sa kamay ko ngayon.

" Believe in yourself Sei. You're pretty. *smiles* "

Parang may sumabog sa puso ko.

At huling narinig ko na lang ay ang hiyawan ng mga kaklase ko at yung sinabi ni ma'am na ako na ang muse.

He is my prince. And I'm her muse. Ano pa ba ang hihilingin ko ngayong araw?

And lastly, he congratulated me and smiled.

Shet nakangiti na naman akong maghuhugas ng plato neto!

***

Searching for Real PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon