"Hi, My name is Selena Lee. I'm here to introduce the story that I wrote..."
Nakatayo si Selena sa harap nang limang interviewees na nakaupo sa kanyang unahan. Subalit bigla siyang napahinto sapagkat napansin niyang walang nakikinig sakanya. Ngunit pursigido parin si Selena na makuha at mapansin nang mga publisher ang kwentong kanyang sinulat. Kaya lakas loob niyang linakasan ang kanyang boses para mapansin siya nang panel.
"This story is about two people ..."
Hindi na natapos ni Selena ang kanyang pagpapaliwang tungkol sa buod nang kanyang kwento bagkus biglang sumabat ang isang babae na nasa gawing dulo na miyembro nang panel.
"--two people.. who fell in love with each other and they lived happily ever after..."
Pag sumpay nang babae kay Selena. Kaya napayuko nalang ito sa sobrang lungkot at pagka dismaya sapagkat sa ika pitong pagkakataon ay hindi nanaman siya pinakinggan nang publisher na kanyang pinag applayan.
"We heard a lot of this Miss Elena... What's you last name again?"
Pagtatanong nang babae kay Selena na halata mong hindi nakinig sa pag papakilala ni Selena bago siya nag simula.
"Selena Lee ma'am"
Pag correct ni Selana sa babae na punong puno nang kalungkutan at pagkadismaya.
"Oh yes, Selena Lee. We heard a lot of this Miss Lee and if you have really plans to succeed in this kind of profession. Make your introduction more enticing."
Lumabas si Selena nang pintuan na punong puno nang pagka dismaya sapagkat sa huling pagkakataon muli nanaman siyang hindi pinansin at pinakinggan. Kaya tulala siyang naglakad pauwi habang iniisip kung ano bang mali sa kanya sapagkat sa tuwing papasok pa lamang siya ay halata mo nang nandidiri sakanyang itsura ang mga nag iinterview na tila ba hinusgahan na agad ang storya na kanyan sinulat.
"Oh andito na pala ang asawa mo"
Sabat nang kaibigan nang kanyang kinakasama pag pasok nito sa pinto. Subalit bumuntong hininga lamang si Joseph sabay tingin palayo kay Selena na tila ba sinasabi na wala itong pakialam.
"Hindi kami kasal kaya hindi ko siya asawa. Naanakan ko lang siya"
Sabay sabi nito. Hindi nalang ito pinansin ni Selena at nag bigay galang nalang ito sa pamamagitan nang pagyuko nang bahagya sa mga bisita. Sanay na si Selena sa ganitong sitwayson malimit kasing ipagkaila nang kanyang kinakasama ang kanilang koneksyon. Iniisip na lamang nito na may punto nga naman si Joseph. Hindi pa sila kasal kaya hindi niya pa ito matatawag na asawa at ina lamang siya nang kanilang anak. Hindi kasi inaasahan ang kanyang pag bubuntis ni hindi sila dumaan sa estado nang mag nobyo at nobya at disgrasya lamang na nabuntis ni Joseph si Selena. Kaya napilitan si Joseph na pakisamahan ang isang babae na ni minsan ay hindi niya minahal sa kagustuhan narin nang kanyang mga magulang. Maliwanag pa sa sikat nang araw ang kanilang estado. Masakit man isipin na lubusan niyang minahal si Joseph subalit ni minsan ay hindi nito masusuklian ang pagmamahal nang dalaga.
Hindi kagandahan si Selena isa lamang itong morena na may mahabang itim at kulot na buhok, pangong ilong, hindi pantay pantay na mga ngipin at bibiluging mga mata. Subalit hindi mo maitatanggi ang ganda nang katawan nito. Malapad na bewang, balingkinitang katawan at katamtamang laki nang maselan na parte nang katawan. Hindi rin maitatago ang angking talino nito sa pag susulat at ang kagalingan nito sa pag awit at pag sayaw.
"Mommyyyyy."
Pagtawag nang bata kay Selena sabay yakap nito. Kaya kinarga ni Selena ang kanyang tatlong taong gulang na anak na puno nang tuwa.
BINABASA MO ANG
I Found You
RomanceIsang simpleng dalagang ina na pinagkaitan nang tadhana ang mapapasok sa magulong industriya nang showbiz. Kayanin kaya nito ang mga pagsubok sa malaking pagbabago nang kanyang buhay? Matutunan kaya siyang mahalin nang mga tao sa kabali nang magulo...