Chapter 3

4 0 0
                                    

-balloon

Zyna's POV

Nag Indian sit ako sa harap ng puntod ni kuya, saka nilapag ang basket ng bulaklak at sinindihan ang dalawang puting kandila.

"Pasensya na kuya ha. Nakalimutan ko kasi na ngayon pala ang death anniversary mo. Andami ko kasing iniisip eh." Napatingin ako sa langit at pinikit ang aking mga mata.

Kuya kamusta ka na? Ayos ka lang ba dyan sa langit? Miss na miss na kita kuya, pasensya at namatay ka ng dahil sa tigas ng ulo ko.

"Sana ako nalang ang nandyan sa loob niyan at hindi ikaw. Sana ako nalang ang namatay." Pinunas ko ang luhang dumaloy saking pisnge. "Kuya mag-ingat ka lagi, kung asan ka man alam kong binabantayan mo ako lagi. I love you kuya." Tumayo ako at inayos ang nalukot kong damit.

"Sa tingin mo makakarating sa Kuya mo ang mga sinabi mo?" Napalingon ako at nakita ko nanaman siya.

"Bat ba lagi nalang kitang nakikita?!" Naiinis kong sabi.

"Kasi sinusundan mo ako." Natawa naman ako sa sinabi nito. At ang kapal din naman ng mukha niya.

"At bakit naman kita susundan? Wag kang mag illusion sa harap ko." Ani ko.

"Binibiro lang naman kita. Ito oh, lobo." Napatingin ako sa hawak niyang lobo.

"Anong gagawin ko dyan?" Tanong ko rito.

"Ibulong mo sa lobo ang gusto mong iparating sa Kuya mo. Sabi kasi ng lola ko mas effective daw kapag sa lobo mo ibinulong." Napailing-iling nalang ako sa sinabi niya.

"Eh, puputok din naman yan." Natatawa kong sabi. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. Binuka niya ito at pinahawak ang puting lobo.

"Ibulong mo na. Wag ka ngang maarte, pasalamat ka pa nga dapat eh." Hinila ko ang lobo palapit sa mukha ko at bumulong.

Kuya mahal na mahal kita. Mag-ingat ka dyan. Wag ka ng mag-alala samin ni mama. Masaya na kaming dalawa, at si papa napatawad mo na kaya siya?

"Ayan bitawan mo na." Binitiwan niya ang kamay ko, kasabay ng pagbitiw ko sa lobo. Sinundan ko ng tingin ang paglipad nito, hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa paningin ko.

Hinarap ko si Ymax at pinakatitigan. Ano kayang nasa isip nitong taong to?

"Like what you see?" Natauhan naman ako sa sinabi nito.

"Salamat dun sa lobo. Mauna na ako, at wag ka na ulit magpapakita sakin." Pagtataray ko at inirapan siya.

"Sumabay ka na lang kaya sakin." Pag-aalok nito.

"I'm not interested." Ani ko at binilisan ang paglalakad. May nakasalubong akong tatlong lalake, at nakakatakot sila. Grabe kung titigan ako.

"Mga pre mukhang may balak kayo sa girlfriend ko ah." Napatingin ako sa taas at nakitang kinindatan ako ni Ymax.  Hinila ako nito papalapit sa kanya at may binulong.

"Mukhang trouble ka ata ngayon, hmmm?"

Tinignan ko siya at pinandilatan

"Sorry pre akala kasi namin wala siyang kasama eh." Kinilabotan naman ako sa sinabi ng tatlo. So pag walang dumating may mangyayari sakin?

"Kaya ko naman sila, eh bat dumating ka pa?!" Pagtataray ko ng umalis ang tatlong lalake.

"Sigurado ka? Mukha kasing nanginginig yang kamay mo eh." Tinignan ko ang kamay ko, at tama nga siya nanginginig ito.

"Sumabay ka na kasi sakin, baka mamaya pag marape ka ako pa sisihin, eh." Peke akong ngumite at tinapakan ang paa nito.

"Anak nang!" Sigaw nito at ininda ang sakit ng pag-apak ko. Hindi naman talaga yun masakit, nakarubber shoes kaya sya. Sadyang ang arte niya lang.

"Ang arte mo, eh parang yun lang." Ani ko at tinawanan ito.

"Stop laughing." Seryosong sabi nito at naglakad palayo.

"Hey, akala ko ba isasabay mo ako." Lumingon ito sakin, at nang-aasar na ngumite.

"Well, I change my mind." Aniya at sumakay sa kotse niya, bago ito pinaharorot. Tss.

"E, di wag. Kala mo naman gusto ko sumabay sayo. Tse!" Naglakad ako paalis ng sementeryo, para mag-abang ng masasakyan.

Medyo nagdidilim nadin, at nakakatakot pala dito sa lugar na to. Sobrang nakakatakot...

"Bat ba walang dumadaang Taxi dito?" Tanong ko saking sarili, at niyapos ang aking katawan. Malamig din rito. Bat nakalimutan ko pa kasing magdala ng Jacket.

Biglang nagring ang cellphone ko, kaya kinuha ko to saking bulsa. Agad kong sinagot ang tawag ng malamang si mama yun.

"Hello ma." Sagot ko sa tawag.

Gabi na anak ah, bat hindi ka pa umuuwi? Nag-aalalang tanong nito.

"Wala pa po kasing dumadaang sasakyan dito, wag po kayong mag-alala. Maglalakad nalang po ako sa malapit na estasyon ng bus dito."  Sagot ko rito, para hindi na siya mag-alala.

O, sige mag-iingat ka ha. I love you anak. Anito at pinatay ang tawag.

"Hays..." napabuntong hininga nalang ako at nagsimulang maglakad.

Inabutan din ako ng 20 minutos bago nakarating sa malapit na estasyon ng bus. Nag-abang pako ng ilang minutos bago nakasakay.

After 1hour

"Buti naman at dumating ka na."  Sabi ni mama, at niyakap ako.

"Ma, kumain ka na ba?" Agarang tanong ko, umiling naman ito.

"Hmmm, ipagluluto kita. Umupo ka nalang dyan." Ani ko at pumunta sa kusina. Binuksan ko ang ref at kinuha ang mga gagamiting sangkap.

Naglagay ako ng apron, at nagluto ng ulam. Matapos ko magluto ay inihain ko sa mesa ang mga plato.

"Ako na." Ani ni Mama at kinuha ang kutsara't tinidor saking kamay. Habang nagsasalin siya ng tubig sa pitsel, ako ay naghahain ng makakain.

"Umupo na tayo." Aniya at umupo. Ako naman ay umupo sa tabi niya.

"Magdasal muna ako." Ani ko at pinikit ang mata saka sinimulan ang maikling dasal.

"Lord thank you for the blessings you gave us. And, thank you for guiding us for our everyday life." Matapos magdasal ay pinagkuha ko siya ng kanin.

"Ano na nak." Aniya.

"Ako na po. Gusto ko kasing pagsilbiban kayo." Ani ko, na ikinangite niya.

"Ang swerte ko talaga sa anak ko." Sabay pisil sa tungki ng ilong ko.

"Mas swerte ako, dahil ikaw ang naging nanay ko." Tumigil naman ito sa pagpisil ng ilong ko, at ibinuka ang kanyang braso.

"Halika nga dito." Inilapit ko ang upuan sa kanya at gumanti sa yakap niya.

"I love you ma. More than anything."

"I love you too Zyna. Sana makahanap ka na ng lalakeng magpapaligaya sayo." Aniya, at bumitiw sa pagkakayakap.

"Wag muna sa ngayon. Kusa yang darating ma." Ani ko rito.

"Pag na-inlove ka, ako dapat ang unang makakaalam kung sino siya. At ipapakilala mo siya sakin." Aniya at pinisil ang aking mukha.

A/N: Sa wakas may chapter na 3 din<3

Sana nagustuhan niyo...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Is This Love? (ON GOING)Where stories live. Discover now