-Encounter with Ymax
Zyna's POV
Beep-beep. Tunog ng aking alarm clock. Umupo ako at humikab sabay ng pag-unat saking mga braso. New life, new day, new beauty.
Agad akong tumayo, at dumiretso sa banyo para mag mumog, pagkatapos ay inihanda ang damit na susuotin saking pagpasok. Pumasok ulit ako sa banyo bitbit ang towel, at naligo na.
Kailangan kong mag-attend ng summer class. Hindi naman dahil sa mababa ang grades ko, actually mataas nga sila eh. Kaylangan ko kasing tumulong sa pagtuturo.
I accepted the job that Teacher Neil offered me. Kaylangan ko din magtrabaho ngayong summer, para naman hindi ako aasa sa mga gastusin kay Mama.
"Mom alis nako." Pagpapaalam ko rito, matapos kong kumain.
"Take care, umuwi ka agad pagkatapos ng klase mo." Sabi nito at niyakap ako ng mahigpit. Well hindi kasi siya sanay na umaalis ako tuwing summer. Noong mga nakaraang taon kasi sumasama ako sa kanya mag manage ng flower shop, pero dahil malaki na ako ngayon panahon na, na matulungan ko siya
"Uuwi po ako agad." Sabay halik sa pisnge nito, saka nako lumabas.
Mabagal lamang ang patakbo ng Taxi na sinasakyan ko. As in super bagal na talaga.
"Manong wala na po bang ibibilis tong sasakyan niyo?" Tanong ko rito.
"Sorry po Miss ganto talaga ako magpatakbo eh. Mabagal." Anito. Kinuha ko nalang ang earphone ko at nakinig sa mga paborito kong tugtugin.
Ipinikit ko ang aking mata at ihinilig ang aking ulo sa malambot na upuan. Yes, dapat ganto lang. Relax.
Nasira ang relaxation ko, nang maramdamang bumangga ang sinasakyan kong Taxi. Napamulat ako at napatingin sa harapan namin, kung saan may puting kotse.
"Manong ano pong nangyari?" Naguguluhang tanong ko rito.
"Bigla-bigla nalang po kasing huminto yang sa harapan nating kotse. Kaya ayan ho nabangga tayo." Tinanggal ko ang seatbelt at lumabas ng kotse.
"Ma'am sira ho ata tong sasakyan ko, eh." Napatingin ako sa sasakyan niyang tumitirik.
Pinuntahan ko ang ngayo'y nakahinto pading puting kotse. Hindi ako war freak, pero dapat magbayad ang kung sino man ang tangang driver ng puting kotse na to.
"Hoy kung sino ka man buksan mo to!" Sabay hambas sa pinto ng kotse nito. Mahina lang naman, ayoko kasing makasira. Bumukas ang bintana ng kotse at iniluwa ang mukha ng isang sikat na model.
"Wag mo namang hampasin, ang mahal mahal ng pagpapaayos ko dito, eh." Anito.
"Eh sinira mo nga yong sinasakyan kong Taxi, eh!" Galit kong sigaw rito.
"Babayaran ko nalang, eto oh." Sabay abot ng 10,000 sakin.
"Manong ito ipampaayos mo ng sasakyan mo. At bayad ko nga po pala." Nag-abot ako ng pera dito, na di din naman neto tinanggap.
"Wag na ho Miss. Hindi nga kita naihatid, eh. Saka ambagal pa ng patakbo ko!" Pilit kong iniabot ang pera reto.
"Ok lang po. Ako na pong bahala sa sasakyan ko." Tinanggap naman na nito ang pera.
Pumunta ulit ako sa sasakyan ni Ymax at binuksan ang front seat.
"Sa Skyward University nga ho manong." Ani ko rito. Napatingin naman ito sakin na parang di makapaniwala.
"Nagbayad na ako, bat andito ka pa?" Taas kilay na tanong nito.
"Saan ako sasakay? Sinira mo nga diba yong taxing sinasakyan ko." Sabay irap rito.
YOU ARE READING
Is This Love? (ON GOING)
Novela JuvenilYmax Loathe Sebastian isang sikat na model, at sikat rin sa paaralan nito dahil sa dami ng babaeng napaiyak niya. He loves playing hearts, pero magbabago ang lahat ng makilala niya ang isang babaeng tatapat sa laro-laro nyang pag-ibig. ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ Fi...