Chapter:2 "YOU CAN SEE ME?!"

4 0 0
                                    

Noah's POV

"Panibagong araw nanaman na mag-isa, Bakit? Bakit ako namatay? Pano ako namatay? Malusog naman ako ah... wala naman akong sakit! Kaya bakit?!" Galit kong sumbat habang humahangolngol sa iyak... oo inaamin ko hanggang ngayon, hindi ko padin matanggap ang pagkamatay ko, hindi ko kayang iwan ang bahay na ito dahil ito ay regalo sakin ng mga magulang ko pagka tapos kung maka graduate. Kaya mahalaga sakin tong bahay nato. Pinunasan ko ang luha ko at tumayo sa tabi ng bintana para sumilip sa labas... umaasang may bumisitang kamag-anak ko o mga kaibigan ko sa bahay na ito, para narin kahit saglit may makasama ako dito. Mahirap ang mag-isa, SOBRANG HIRAP... kaya naman ganun nalang ako ka desperado na makakita at may makasamang tao kahit sa maikling panahon lang. Habang nakaupo ako sa may bintana ng bahay ay may padating na Van at mukhang sa tapat ng bahay ko hihinto. Napatayo ako sa tuwa nang may lumabas na isang babae at binubuksan ang pinto ng bahay ko, agad agad akong tumakbo pababa upang salubungin sya. Alam kung di nya ako makikita kasi multo nako pero masaya padin ako dahil sa wakas! May makakasama narin ako. " Hi! Ako si Noah, masaya akong nandito ka sana di ka na umalis... sana dito kana habang buhay... sana samahan moko sa loob ng maikling panahon. Maraming salamat at dumating ka! Ang tagal kung naghintay..." bungad ko sa kanya habang lumulutang sa tuwa...pero sa tingin ko, di nya ako naririnig..." hmm ano kaya ang pangalan nya? Ang ganda nya naman... sana nakilala ko na sya nung buhay pako edi sana niligawan ko sya." Bigkas ng mga labi ko habang may ngiti....

" Ma'am ayan na po lahat ng gamit nyo, Thank you po sa pagtangkilik sa aming serbisyo. " Banggit nung tumulong sakanya sa paglilipat ng mga gamit... " Salamat din ng marami. " sagot naman nung babae..
" Sana ito na ang simula ng magandang pangyayare sa buhay ko. " hmm? Bakit nya kaya nasabi yun? May masamang nangyare ba sakanya sa dating tirahan nya kaya sya lumipat? O marami lang syang pinoprpblema? Tsaka ano kaya ang pangalan nya? Malalaman ko din iyun, pero sa ngayon pagmamasdan ko nalang muna sya...

Millie's POV

" Hi! Ako si Noah, masaya akong nandito ka sana di ka na umalis... sana dito kana habang buhay... sana samahan moko sa loob ng maikling panahon. Maraming salamat at dumating ka! Ang tagal kung nag hintay..." Sabi nung lalaking nasa likod ko... hayst di ko alam na may multo pala dito, dapat pala talaga tinignan ko muna yung loob ng bahay kung may multo ba o wala... ayan tuloy aish pano to? Magpapanggap nalang ako na wala akong naririnig at hindi ko sya nakikita para kahit papano hindi nya ko kulitin. Pero kakayanin ko ba? *wag ka munang lumingon Millie, hintayin mo munang makaalis yung van para di halatang narinig mo syang magsalita.* umalis na ang van at ngumiti akong humarap sa bahay upang tingnan ang kabuuan nito... /sigh; " Sana ito na ang simula ng magagandang pangyayare sa buhay ko. " banggit ko habang umiiwas ng tingin sa lalaking multong ito... pumasok nako sa loob at hindi ako makampante kasi ang likot likot ng multong ito... lagi nyang tinatanong ang pangalan ko at-at sinasabing ang ganda ko daw, na liligawan nya daw ako kung hindi lang sya multo... *aish! Ano ba to? Focus Millie wala kang nakikita o naririnig ok? Focus. Maglinis ka nalang...* bulong ko sa utak ko. " hmm maglilinis na muna siguro ako,at medyo maalikabok ang bahay na ito. Sisimulan ko nalang siguro dito sa sala." Nagsimula na akong maglinis sa buong bahay, siguro mga apat na oras narin ang nagugol ko sa paglilinis medyo malaki kasi ang bahay sa sakin e ako lang naman mag-isa kaya matagal linisin at nakakapagod.... maliligo na muna ako bago matulog at anong oras narin, *Hala nakalimutan kong kumain... di ko namalayang alas nuwebe na pala ng gabi* bulong ko sa sarili ko...
Tapos na akong maligo at medyo nakakailang kasi yung Multong lalake, sino nga ba yun? Ah! Noah... si noah kasi nandun sa C.R habang naliligo ako... pero di naman sya sumilip sa katawan ko, nakaupo lang sya sa likod ng shower curtain hmm? Bakit kaya di nya ako binusohan? Hindi ba ako sexually attractive? O baka matino syang lalaki...ah ewan.

My BooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon