Chapter 1 " New House, New Life "

4 0 0
                                    

" Ma, Pa!!! Please wag nyo po akong iwan......Ma, Pa!!! " Bigla akong nagising sa masakit at madilim na bangungot na iyon...sumisikip ang dibdib ko na para bang hindi na ako makahinga sa sakit. Palagi kong tinatanong sa sarili ko kung BAKIT? " BAKIT AKO PA ANG NAWALAN? BAKIT AKO PA YUNG BINIGYAN NG GANITONG KAKAYAHAN? Kakahayang makakita ng mga walang kwentang nilalang! Ang gusto ko lang namang makita yung mga magulang ko... ano pang kwenta nitong Third eye nato kung di ko din sila nakikita!" Patuloy sa pag tulo ang mga luha ko na para bang wala nang bukas... bat paba ako magtataka e ganito naman ako araw-araw, nagdurusa mag-isa. Sa kakaiyak, diko namalayang tumunog na pala yung alarm.. " Late na ko aish! " dali dali kong pinunasan ang aking mga luha at nagmadali nang pumasok sa C.R para maligo...pagkatapos kung maligo ay nagmadali na akong nagbihis dahil late nako sa job interview ko. Paglabas ko ng Apartment ay bumungad sakin ang napakaingay na mundo, napabugtong hininga ako habang nakapikit at dinadama ang sinag ng araw. " Kaya ko to, apat na taon na rin akong mag-isa... ngayon pa ba ako susuko? Kaya kaya ko to. "

Naglalakad ako ngayon papunta sa Bus Stop habang may nakapaslak sa earphone sa magkabila kong tenga... music nalang kasi ang nagpapakalma sakin sa tuwing naglalakad ako sa maingay na mundong ito. Music na lang kasi ang natitira sakin, ito ang lagi kong kasama sa tuwing ako ay nalulungkot, masaya, nakakaramdam ng galit, sa lahat music ang kasama ko... music din ang nagiisang paraan ko upang makatakas sa lahat ng problema. Habang ako ay naghihintay ng BUS, nandito nanaman yung batang babae na laging nakaupo at nakatungo sa sulok ng upuan ng Bus Stop." Ate tulungan moko please... alam kung naririnig moko ate kaya please. Gusto ko lang naman pong makita ko ang magulang ko... ayoko na po dito, ayoko na pong mag-isa " Umiiyak sya palagi at laging nanghihingi ng tulong, ito rin ang dahilan kung bakit lagi akong nakikinig sa music kasi ayoko nang ma-involve sa kahit sinong multo. Ayoko nang mangyare ang di dapat, kaya kahit gustuhin ko man syang tulungan upang gumaan ang loob nya eh mas mabuting wag nalang dahil hindi naman dapat nagko cross ang mundo ng mga tao at ng mga multo hindi ba?...

Dumating na yung Bus at pasakay nako, lagi akong nagpapanggap na walang nakikita dahil mahirap na baka kasi di ako tantanan ng mga multo sa pangungulit nilang tulungan ko sila. Pero di ko maiwasang maawa sa bata kaya tinignan ko sya pero nagkasalubong kami ng tingin kaya naman umiwas agad ako, alam kung nagulat sya at malamang sa malamang kukulitin na nya ako ng paulit ulit sa mga susunod na araw kapag mag aabang ako ng Bus. Habang naka upo ako dito ang dami kong nakikitang mga ligaw na multo sa daan umiiwas nalang ako ng tingin kasi ayoko nang maging parte ng buhay nila. Maya - maya lang ay nakarating na ako sa Yumyeong Company building, bumaba na ako at pumasok sa building... sa entrance palang naramdaman ko na na may nakatingin sakin at alam ko na multo sya diko nalang pinansin kasi late nako sa interview ko... pumunta ako sa lounge para i confirm sa information na may appoinment ako para sa Job Interview. " Excuse me, Good Morning ako po si Millie Torres may interview po ako ngayon kay Mr. Lee. " sabi ko sa clerk " Good Morning ma'am, yes you can now proceed to Mr. Lee's office for your interview." Marahang sambit nya habang nakangiti. " Thank you " responde ko naman na may kasamang ngiti rin. So ayun naghihintay nako ng elevator kasi 13th floor pa daw kasi yung office ni Mr. Lee, aish medyo mainit sa labas tapos malamig naman dito sobra kaya nananakit ang ulo ko... habang hinihintay kong magbukas ang elevator ay minamasahe ko naman ang aking ulo para kahit papano mabawasan yung pagkahilo ko. Oh andito na pala yung elevator, pumasok nako at diko alam may kasabay pala ako pero diko na pinansin baka empleyado lang sya dito... " 13th floor please." Request ko sa attendant, di ko narinig na nagsabi yung kasabay ko sa elevator..hmmm baka dun din sya pupunta. Napatingin ako sa sapatos nyang pula, babae pala sya... " Miss ang ganda ng high heels mo " sabi ko sa babaeng kasabay kong pumasok sa elevator, napalingon sakin yung attendant ng elevator at nagsabi sya sakin ng Thank you, nagtaka ako kasi hindi naman sya yung kausap ko pero di nako kumibo medyo awkward kasi. Bumukas na yung pinto ng elevator at lumabas nako, paglabas ko hindi lumabas yung babaeng naka pulang high heels. Lumingon ako pabalik sa elevator at nagulat ako dahil mag-isa nalang yung attendant sa loob ng elevator. Napagtanto ko na multo pala yung babae, hindi ako nakakaramdam ng takot sa tuwing may nakakasalamuha akong multo pero bakit nagtatayuan lahat ng balahibo ko sa katawan? At tila ba hindi ako makahinga sa sobrang pagkagulat. Iba ang aura nya...may bumabalot sa hinanakit at pagdurusa. Masama ito hindi ko dapat sya pinansin! " Aish sana lang maging maayos ang buhay ko sa companyang ito. Mama , Papa please gabayan nyo po ako. " nagpatuloy ako sa paglalakad dahil hinahanap ko rin ang opisina ni Mr. Lee, *ayun! Nakita ko na* bulong ko sa isip ko. Kumatok ako at pumasok... " Good Morning Sir, Ako po si Millie torres. Ako po ang magiging bagong secretary ninyo sir. " magalang na bungad ko sa kanya....
" Yes, please sit down Ms. Torres, to start the interview, introduce yourself first."
" My name is Millie Torres sir, I am a College Graduate with a degree sir. I am 20 years old and living alone... renting a small apartment at Myeongdong Sir. " Nakangiti kong banggit sa kanya...
" Hmm, 20 years old? Maaga ka palang nag aral? " tanong nya sakin habang nakatingin sa resume ko.
" Yes sir " kalmado kong sagot habang nakatingin sa kanya.
" I'm impressed with your resume. I think you can handle the job well so you can start tomorrow right away. Congrats you passed the interview. " nagulat ako sa sinabi nya dahil diko inaasahang matatanggap agad ako sa trabaho.
" Thank you very much sir. I will pour the best of me to do this job Sir. Thank you again. " tuwang-tuwa kong sambit sakanya... nagkamay kami at doon natatapos ang interview, lumabas ako ng building ng mga malaking ngiti sa labi ko....

* toot toot *

" Huh? Tumutunog ang alarm ng notes ko hmm may nakalimutan bakong gawin? " tiningnan ko ang phone ko at nagmadaling makasakay ng Bus dahil ngayon pala ako lilipat sa bagong bahay na nabili ko last week lang. Kaya ako nag apply ulit dahil tapos na ang kontrata ko sa pagiging secretary dati at dahil malaki-laki din ang naipon kong pera ay nakabili rin ako kahit papano ng bahay na matatawag kong bunga ng aking paghihirap. Nakauwi nako at tamang tama lang ang dating ng mga taong tutulong sakin para mag lipat-bahay...

"Ma'am all set napo ang lahat, paki pirmahan nalang po dito at isulat ang pangalan at address nyo para po maipadala na doon ng mga tao ko ang mga gamit nyo ma'am" sabi nya habang inaabot sakin ang contract. Pagka-abit ko sakanya ay umalis na sila... sumakay naman ako sa van na kasama nung maglilipat ng mga gamit ko kaya nakatipid na rin ako sa pamasahe. Medyo traffic pero mabuti nalang nakarating kami sa bahay ng may araw pa, ang hirap kasi mag lipat ng gamit kapag madilim na e. Makalipas ang tatlong oras na paglilipat ng gamit... " Ma'am ayan napo lahat ng gamit nyo, thankyou po sa pagtangkilik ng aming serbisyo. Tuloy napo kami. " magalang na sambit nya sa akin... " Salamat din ng marami. " ngumiti din ako at tumalikod upang tingnan mula sa labas ang kabuuan ng bahay......
/sigh; " Sana ito na ang simula ng magandang pangyayare sa buhay ko. "

My BooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon