20

250 8 6
                                    

narration
(jella's)

nasa kwarto na ako ngayon habang inaalala ang mga nangyari kanina. (kwento ko ah?)

flashback

"seryoso ako."

nasa tapat na kami ng bahay at bigla kong iniba yung topic.

"oh nandito na pala tayo, tara pasok na tayo." sabi ko at naunang pumasok.

pumasok nadin siya at nakita siya ni mama.

"oh minho napadaan ka?" sabi ni mama.

"ah opo, may pinuntahan lang po talaga ako dito." sabi niya at ngumiti.

"ahh, si jeongin ba? teka umupo ka muna at tatawagin ko." sabi ni mama, tatawagin na sana niya si jeongin pero pinangunahan ko na siya.

"ay ma, ako nalang po tatawag sa kanya." sabi ko.

"oh siya sige ikaw na tumawag at sabihin mong nandito ang kaibigan niya." sabi ni mama.

"tita may itatanong po sana ako." sabi ni minho.

"ano ba iyon?" tanong ni mama.

umakyat naman ako para tawagin si jeongin pero napatigil ako sa sinabi ni minho.

"tita, pwede ko po bang ligawan ang anak ninyo?" tanong ni minho.

"huy anong ginagawa mo diyan?" nagulat naman ako kay jeongin

"shh may pinapakinggan ako dito." sabi ko at nakinig sa pinaguusapan nila mama.

naramdaman ko din na tumabi sa akin si jeongin at nakinig din.

"ah eh, sino ba sa mga anak ko ang liligawan mo?" birong sabi ni mama.

"huh? may liligawan ka hyung?" sabi ni jeongin at bumaba.

sumunod na din ako sa kanya.

napatingin naman sa akin si minho.

"tita naman, syempre si jella liligawan ko. Hindi naman po ako bakla eh." sabi niya at napakamot sa batok.

"ANO HYUNG?! LILIGAWAN MO SI JELLA?!" gulat na tanong ni jeongin.

naiintindihan ko si jeongin kasi kahit ako magugulat. JUSKO ANG GWAPONG NILALANG NI MINHO TAPOS LILIGAWAN AKO? aba pre ang ganda ko naman ata.

"naku minho payag ako diyan, pero tanungin natin si jella kung payag." sabi ni mama at tumingin sa akin ng nakangiti.

mayaman din kasi 'tong si minho kaya jackpot kung magiging jowa ko. pero nako naman kawawa siya kung hindi ko naman siya kayang mahalin pabalik. Pero wala naman akong makitang rason para hindi siya mahalin so why not?

Mutual Feelings // h.jsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon