"Uy! Tulala ka na naman" nagulat ako sa pag dating ng kaibigan ko.
Kasalukuyang nasa library kami ngayon. Gumagawa ng project para bukas. Kailangan na namin to matapos para wala ng problema.
"Tsk tsk iniisip mo na naman siya panigurado"
Tinignan ko lang siya at saka napa iling-iling nalang. Tama siya. Bigla ko kasi naalala si June, yung kababata ko. Halos araw-araw nalang. Ganun din kaya siya sa akin?
Yan ang problema natin eh. Yung iniisip mo siya pero ang tanong... ganun din kaya siya? Ang unfair diba? Kailan pa ba siya babalik?
Napabuntong hininga nalang ako. Well, its already 8 years and nasa college na ako.
"Alam mo Seven, may iba naman dyan eh. Yung kapatid ko, si Kid. Gustong gusto ka non." Hagikhik niya. "At syempre ikaw nalang ang kulang" Patuloy niya naman.
Hindi na ako magtataka kung bakit madaldal to. Kahit nasa library kami at may ginagawa. Salita pa rin ng salita. Simula siguro nagkakilala kami noong simulang umalis si June, ay madaldal na yan.
Napa iling-iling na lang ako.
"Uy! Ano na? Doon ka pa rin ba sa first love mong kababata?" Pasigaw niyang bulong.
"Shh. Tumahimik ka nga" Sumimangot lang siya at saka tumahimik nalang. Buti naman.
***
"Seven..."
"Seven!"
"SEVEN SAVENDRA!"
Napatigil ako sa paglalakad. Lakas non ah. Lumingon ako sa pinang-gagalingan ko. Si Kid pala. Kapatid nang kaibigan kong si Yen.
Ngumisi siya.
"Sabay na tayo" Humihingal pa siya dahil sa pagkakatakbo. "Umuwi na si Yen eh. Tumawag si mommy"
Tumatango lang ako.
"Ikaw bahala..." Tukoy ko sa una niyang sinabi.
Tumawa siya. Saka niya pinitik ang noo ko. May naalala ako bigla... Siya nanaman. Pumikit ako. Pilit kong hindi siya maalala.
Ganyan kasi ang ginagawa niya sa akin noon, pag kinukulit niya ako. God knows how I really missed him.
"Ikaw talaga. Gusto mo kumain muna tayo?" Tanong niya. Hinintay niya ang sagot ko. Pero nang hindi ako sumagot. "Hmm. Since maaga pa naman hehe" Napakamot nalang siya sa kanyang ulo. Awkward na ngumisi.
Gusto kong matawa. I nodded as a responsed. Wala namang masama. Well, kaibigan ko rin naman siya. Mas naging close ko lang talaga si Yen. Lagi kasi kami magkaklase. Si Kid naman ay hindi. Nang tumuntong kami nang college ay saka ko lang siya naging kaklase, sa ibang subject nga lang.
Medyo na a-awkward lang siguro ako sa kanya. Alam ko naman kasi na may gusto siya sa akin. Halata naman. Hindi sa napaka assuming ko ah. Nakikita ko naman. Hindi dahil sa sinabi nang kapatid niya o sa mga nakakilala sa amin. Kundi ako mismo. Hindi naman ako manhid.
Kumain na kami sa labas. Nagtatawanan kami habang palabas na. Grabe tong si Kid. Hindi ka pwedeng hindi matatawa habang kasama siya. Corny ng jokes niya.
"Hahaha! Oo nga! Mas mabigat ang piso kaysa barko" natatawa niyang sabi.
Tinutukoy niyang mabigat ang piso dahil lumubog ito at ang barko naman ay hindi. Lol.
Saktong paglabas namin sa kainan ay may naaninag ako. Halos mabali yung leeg ko sa tinitigan ko... Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit 8 years nah... Siya talaga iyon. Tumatawa habang may kasama siyang babae.

BINABASA MO ANG
HINTAYIN KITA
Short Story--- Sometimes I feel like I'm waiting for someone that will never comeback. But still... I'LL WAIT. ---