Dissociative

14 1 0
                                    

5babae may 12 lalake =17 person

Hapon ng ika 27 ng pebrero ng
makadating kami  sa distinasyon namin. Ipinakita ko ang 17 ticket namin para sa barko para makalabas na kami. Nang makalabas na kmi ay bumyahe kmi papunta sa matutuloyan naming lahat. Para syang hotel o mansyon ang itsyura. Dalawang palapag lang ang meron at pahaba ang bahay. Nakakapagtaka na bukas ang gate pero walang ka tao-tao tanging kami lang ang andito. Hindi manlang napansin ng mga kasamahan ko kaya diko narin din pinansin kung bakit at pumasok  na kami sa loob ng kanya kanya naming kwarto. Magkahiwalay ang kwarto ng babae at lalake. Magkasama ang mga babae sa isang silid tas ang mga lalake din ay magkasama din sa kabilang silid na kung saan ay may pinto sa loob ng banyo na kumokunekta sa kwarto namin at sa mga lalake.

Habang nagbibihis kami ay may pumasok sa silid namin gamit ang lagosan sa banyo, isa sa mga kasama naming lalake.  Nagkainitan sa loob ng kwarto at nagsimula nang pagpilahan ng lalakeng un ang mga kasama kong babae. Sasalo sana ako kaso tinatamad pa ako at mas gusto ko muna mapag isa at libotin tong lugar kaya tinuloy ko ang pagbibihis at nag ayos bago lumabas ng silid.

Nasa unang palapag ako ngayon havang nakatayo ako sa pinaka centro at tumingala, nakita ko ang isang grandeng chandeler na may mga mala hugis luha na dyamante ang nakalambitin na nakakadagdag ng dating sa centro o sala. Ang mga upoan ay kulay pula at magarbo ito, maayos na maayos ang pagkakapwesto na para bang sa sobrang ayos eh hindi pa nagagalaw o nagagamit nino man. Ang sofa ay pinapalibotan ang isang mahabang coffee table na gawa sa salamin.

Nakabukas ang double victorian door na kulay puti dahilan ng pagkakaroon ng liwanag sa loob. Naglakad ako papalabas ng pintoan at ilang segundong nasilaw sa liwanag ng araw, kinusot ko ang aking mga mata hanggang masanay na ito sa liwanag.

Halatang alagang-alaga ang lugar na ito sapagkat ang mga halaman sa lupa ay parang minimaintain ang haba ng mga damo. Nang tuloyan na akong nakalabas sa bahay o hotel na un eh naglakad lakad ako ng dahan-dahan para pag matyagan ang katahimikan at kapayapaan ng lugar, walang ka kotse-kotse ang makikita sa daan at wala rin akong nakikitang pakalat kalat na tao sa mga oras na un. Sa tingin ko ay alas 4 palang ng hapon, siguro kaya walang lumalabas ngayon kasi medyo mainit pa kaya ayaw nila palabasin ung mga bata o sadyang di talaga nila ito pinapalabas. Ngayon ko lang napansin na mala praybeyt subdivision ito, nasa kaliwang bahagi ako ng kalsada(nasa sidewalk) habang ang bahay na tinutuloyan namin ay sa kabilang kanto pa. Ang tahimik talaga, maski ibon ay di mo maririnig at makikita. Diko namalayan na napadpad ako sa tapat ng isang malaking puting gate na may pa tusok tusok sa itaas bilang disenyo nito at ang gitna ay parang may hugis na malaking puso. Hinila ko ang gate para mabuksan, dun ko napansin na ang gate na un ay patungo sa isang mala hardin na tambayan. Sa dikalayuan ay may naririnig akong bulongan ng mga lalake at babae at ang iba naman ay mga tawa na parang kinikilig. Naglakad ako papalamit doon at nagulat ako kasi andun ang mga kasamahan ko.

Bakas ang gulat at pagtataka sa aking mukha nang makita ko silang nagtatawanan habang kanya kanya silang babaeng pinalilibotan. Tinanong ko sila kung kanina paba sila dito at tumango ang isang lalake sabay naglakad papalapit sa pwesto kona may matamis na ngiti sa labi na nagpapatibok ng puso ko, tinitigan ko sya ng mabuti sa mata na may halong pananabik at pag hanga sa kanyang tindig.

Kamukha sya ng bidang lalake sa palabas na city hunter pero ang buhok nya sa gilid sa kanang bahagi ay medyo shaved na hanggang tuktok lang ng tenga nya. tas biglang lumalabo ang kanyang itsyura at nagiging isang misteryosong lalake na may maamong mukha , hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o hindi pero alam kong iisa lang sila, nararamdaman kong iisa lang sila.

Itong lalakeng ito ay isa sa mga kasamahan ko. Sa tingin ko ay sya na yata ang pinaka gwapong lalake na kasama namin at sya ay napakamakisig na lalake sa lahat ng nakilala ko kaya naman baliw na baliw kmi ng mga kasama kong babae nong unang beses namin syang makita. Sa totoo lang eh hindi ko na maalala kung pano kmi nagkakila ng mga lalakeng ito nakasama namin basta ang alam ko eh nag usap kmi na magkita nalang sa loob ng barkonh sinasakyan namin papunta dito sa islang ito.
Napako ako sa tinatayoan ko at mala pigil hininga ko syang hinantay na tumayo sa harap ko at isang minuto kming nagtitigan, ang kanyang mga mata nagsisipagkislapan at pakiramdam ko ay ligtas ako sa kanyang tabi lalo na pag ako'y kanyang tinititigan ng ganyan.

DREAM COLLECTIONWhere stories live. Discover now