Dissociative: Chapter 2

3 0 0
                                    

Napagpasyahan naming bumuo ng 3 groupo na may tag 3 membro. Kagrupo ko ang nag bigay sa akin ng rosas at syempre ang lalakeng nakakapagpahinahon at nagpapabaliw sa puso ko.

Itong gusali na ito ang magiging tagpuan ng bawat grupo, dala dala ang mga naka assign nahahanapin nila. Nang lumipas ang 5 araw na pag aantay namin dito ng mga kagrupo ko na dala dala ang mga nahanap naming mapapakinabangang gamit tulad ng mga flashlight, baterya, pocket knife, mahabang tali, medical kit at mga pagkain na nasa can. Nakakapagtaka na limang araw nang late sa usapan ang 2 groupo. Kinukutoban na akong baka may nangyare nang masama sa iba pero kinutuban ako ng masama ng nakita ko na mag isang dumating ang babaeng un bitbit ang isang malaking pack bag sa kanyang likodan. Diko na kailangang tanongin pa kung asan ang mga kasamahan nya at di nya nadin kailangan pang sabihin pa dahil alam nyang alam na namin ang ginawa nya. Ibinuhos nya ang laman ng nasa bag nya at nagsipaglaglagan ang mga baril, nakasupot na iba't ibang klaseng bala, pagkain, sapatos, at kasuotan na pang babae at panglalake.

Nang akmang susugodin ko nang pinigilan ako ng magkaibang kamay. binuwis nanamn nya ang buhay ng mga kasamahan nya dahil lang sa SAPATOS AT DAMIT?!. Oo alam ko namang kailangan din un pero ganon ba ka importante un kaysa sa buhay ng kasamahan mo?. sabi ko sa sarili ko.

Tumango sya sa amin bago umupo. Nasisiguro ko na lahat ng praktikal na dala nya ay mula sa nakuha ng mga kasamahan nya, tanging bagay na inambag nya lang ay ung kasuotan. Ngumiti sya sa akin ng nakakairitang ngiti bago nya ibinato sa akin ang isang night gone na manipis na gawa sa silk sabay kinindatan ako. Diko mapigilan ang pag init ng pisnge ko at tenga na para bang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha.

Sinubokan naming antayin pa ng limang araw ang huling grupo pero wala maski isang dumating kaya naman kinabukasan ng alas 10 ng umaga ayon sa relo ko ay umalis na kami sa tagpuan maingat na naglakad papalayo sa lugar. Nagsimula na ang aming paglalakbay.

Makalipas ang 5 Taon.

Sa ilang taon naming 4 na magkasama ay walang araw na hindi kami nakikipaglaban sa mga halimaw na toh at walang araw na hindi nya kamuntik nanamn ibuwis ang isa sa mga kasamahan namin kapag alam nyang alanganin posisyon nya sa pakikipaglaban. Mas naging matibay na ang aming pangangatawan, mas bumilis na ang aming kilos, tumalas ang aming kaisipan dahil sa aming araw-araw karanasan ay mas tumibay ang aming pagsasamahan...maliban dun sa isa. Masaya sya kasama, makakausap mo sya ng matino lalo na pag dating sa mga araw na kailangan mo nang kapwa mo babae na makakausap, sadyang nag iiba lang talaga ugali nya pagdating sa labanan lalo nat buhay ang pinag uusapan. Hanggang ngayon ay wala parin kaming balita sa huling grupo, hanggang sa napagpasyahan nalang namin na baka wala na sila.

Sa ilang taon naming paglilibot sa maliit na islang ito ay halos kabisado na namin ang rota nito at kung saan ang mas maraming mga naglalakad na patay. Ilang araw o linggo na ata kami dito sa pinaka dulo ng islang ito, sinusubokan naming gumawa ng bangka na kakayanin ang agos ng tubig dahil kung sa kaling makaligtas man kami dito sa mga patay na halimaw na nasa lupa ay baka sa buhay na dambohalang mga pating naman ang kahahantongan namin sa dagat.

Ilang beses narin naming sinubokang gumawa nito pero laging lumulubog ang bangka pag nakasakay na kaming 4.

Kinabukasan.

Nagising nalang ako sa papag ng kubo namin nang biglang kumidlat ng malakas at bumuhos ang ulan. Agad agad akong bumangon at hinanap ang lalakeng katabi ko lang natulog kagabi, nang nakitang wala sya sa tabi ko ay agad kong pinagdadampot ang mga kagamitan ko at inilagay ang mga armas na kaya kong bitbitin tulad ng baril ay nakalagay sa make-shift na lalagyanan ng baril sa dalawnag hita ko at ang 3 uri na matatalas na dagger ay nasa tagiliran ko. Nang lumabas ako hawak ang isang flashlight at baril ay sobrang dilim ng paligid. Ayun sa relo ko ay alas 10 palang ng gabi pero sobrang ingay na nang paligid. Dali dali kong inilibot ang liwanag ng flashlight pero sadyang di sapat ang liwanag na dulot nito sa malalakas na ulan at madilim na kapaligiran. Pumikit ako sa gitna ng ulan at pinakiramdaman ang paligid ko habang nag hihintay ng isang paputok ng bala nang biglang may pumutok na baril sa kaliwang bahagi ko ay kumiripas ako ng takbo at sinundun ang sunod sunod na pagpapaputok.

DREAM COLLECTIONWhere stories live. Discover now