Capter 5
Hindi mapakali si Lian habang nakatingin kay Radenn. Naroon sila sa rooftop ng main building ng WU. Mabilis siyang tumingala sa langit nang mapansin niyang titingin si Radenn sa kanya. She didn't know why but she felt a sudden feeling contentment being with Radenn right now. Suddenly she missed those times they had shared together. Those times when everything had not yet become complicated because of love.
"I want the recording tape, Lian" wika ni Radenn.
Nilingon ko siya. Nakasandal ito sa chain-like fence at naka pamulsa ang mga kamay. Nililipad ng hangin ang buhok niya habang mataman siyang nakatingin sa akin.
"ayoko" simpleng sagot ko at itinaas ang aking mukha upang ipabatid dito na seryoso ako.
he took a deep sigh.
"ayokong madamay ka sa gulong ito Lian"
May kung anong humaplos sa puso ko nang marinig ang pag-aalala sa tinig niya subalit agad ko rin iyong inalis sa puso ko. Umaarte lang si Radenn. Gusto niyang palabasin na concerned siya sa akin upang ibigay ko ang recording sa kanya.
As if naman na maloloko niya ako.
Sa loob ng isang taong nakalipas ay hindi niya ako nilapitan. We treated each other like strangers. Alam kung kaya lang ito nag pakita ng concern ay dahil sa alam ko ang lihim niya.
Peri bakit may kirot sa puso ko sa kaalamang lumapit lang siya sa akin dahil sa sekreto niya? Bakit nasasaktan ako sa kaalamang hindi ako lalapitan niya kung hindi pa sa lintik na tape recorder na ito.
Umiling ako at napa buga ng hangin.
"Hindi ko naman talaga isusulat ang mga narinig ko. I don't know but I believe there's a reason behind what you're planning to do. Call it instinct pero naniniwala akong may dahilan kung bakit mo'to ginagawa."
hindi ko alam kung pagkabigla o hindi pagkapaniwala ang dumaan sa mukha ni radenn. Pero mayamaya ay sumilay ang mga ngiti sa mga labi niya. Iyong ngiting palagi nitong ibinibigay sa akin noon. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ko siya na-miss.
"I missed you, Lian" sabi niya sa akin at hinatak niya ako at niyakap. Isunubsob niya ang mukha niya sa buhok ko.
Isinubsub ko ang mukha ko sa dibdib niya habang namumuo ang mga luha sa aking mga mata. I breathed in his scent. I missed being wrapped in his arms. Pero hindi ito tama. Masyado ng matagal ang isang taon para maibalik pa namin ang dating pagkakaibigan namin.
pero bakit may bahagi sa puso ko na umaasang magkakalapit uli kaming dalawa?
kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at lumayo ng bahagya.
"Hindi mo naman kailangang magsinungaling radenn. Promise, hindi ko ipagkakalat ang nalaman ko".
Huminga siya ng malalim at saka pumikit.Pagkalipas ng ilang segundo ay dumilat siya at tumingin sa akin.
"I want our friendship back, Lian"
Ngumiti lang ako ng mapait at umiling.
"It is too late Radennn. Isang taon na ang lumipas at mahirap ng mag-patch up sa mga nawalang araw. Mas mabuti kung bumalik nalang tayo sa ginagawa natin bago ko narinig iyong hindi ko dapat marinig" sabi ko at tumalikod na.
"I want you back in my life, Lian" sigaw niya nang nasa pinto na ako ng rooftop.
Dere-deretso na akong umalis sa rooftop habang tila may pumipiga sa puso ko ng mariin.
"Chase! Pwede na ba kitang interviewhin? " bungad ko kay chase na lumabas ng university gym. Hinintay kung matapos ang practice game niya at makapagbihis siya bago ko siya nilapitan. Ito ang plano kong unang kausapin dahil sa tingin ko ito ang pinaka mabait sa lima na i-interviewhin ko.
BINABASA MO ANG
The one That Got Away
FanfictionLakas loob na nagtapat si Lian ng pag-ibig sa kaibigan niya na si Radenn pero halos madurog ang puso niya sa ibayong sakit nang deretsahang sabihin nito na kapatid lamang ang tingin nito sa kanya. Upag makalimut ay iniwasan at nilayuan niya ito. Isa...