Chapter 6

2 0 0
                                    

Chapter 6

"wala kang dalang kotse?" nagtataka kong tanong kay radenn habang nasa flatform kami ng MRT station na malapit sa WU at hinihintay ang padating na tren.

"Nasa pagawaan pa" simpleng sagot niya.

nag salubong ang mga kilay ko.

"Bakit? Ano'ng nangyari?"

"Nabangga" simpleng sagot niya ulit.

Biglang lumukob ang pag-aalala sa sistema ko dahil sa sinagot niya. Agad ko siyang pinasadahan ng tingin baka may natamo siyang sugat.

At concern ka? tanong ng malditang bahagi ng isip ko.

Kaibigan niya ako.

Kaibigan NOON. Hindi na ngayon.

Fine!

Napansin siguro ni radenn ang pagkabalisa ko dahil agad niyang kinuha ang kamay ko. Hinaplos ng kabilang kamay niya ang aking pisngi. Ang lahat ng takot at pangambang naramdaman ko ay biglang naglahong parang bola dahil sa haplos niya.

"I'm okay. Minor accident lang ' yon. But thanks for caring Lian". sabi niya sa malamyos na tinig. Kung umaarye lang siya ay napakagaling niyang artista dahil kahit ang mga mata niya ay puno ng pagsuyo habang nakatingin sa akin.

Hindi ko na binigyang pansin ang sinabi niya dahil totoong concerened ako sa kalagayan niya. Binalingan ko ang mag kahawak naming kamay. I Felt different sa pagkakadaop ng kamay namin. it felt nice.

Naramdaman ko ang pag pisil niya sa kamay ko. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nakita kong nakatingin din siya sa akin.

"I've missed holding your hand." sabi niya tas nakibit-balikat.

Yumoko ako upang itago ang ngiti sa mga labi ko. Kahit anong pigil ko sa sarili na maging manhid sa mga sinasabi at ginagawa ni radenn ay hindi ko naman mapigilang kiligin at matuwa.

I've missed holding your hand, too.

"Nandiyan na ang tren."

Ang akala ko ay bibitiwan na ni radenn ang kamay ko nang pasakay na kami sa tren pero nanatiling hawak parin niya ang kamay ko. Hindi nalang ako kumibo pa dahil gusto ko rin naman ang pakiramdam na bumabalot sa puso ko dahil magkahawak ang mga kamay namin.

Siksikan sa loob ng tren at muntik pang mapalayo at mapahiwalay si Lian kay Radenn kung hindi sa maagap na pagpalibot nito ng isang braso nito sa bewang niya. Nagitgit sila at napunta sa dulong bahagi ng tren. Nakasandal siya sa pino ng tren habang nakaharang si Radenn sa harap niya at tila pinoprotektahan siya nna maipit ng ibang tao.

Nang bitawan ni Radenn ang kamay niya ay bumalot ang pagkadismaya sa sistema niya. Pero agad din iyong na palis ng itukod nito ang mga palad sa pinto sa magkabilang gilid niya. Ramdam na ramdam niya ang init na nagmula sa mula sa katawan nito. Nalanghap niya ang amoy ni Radenn na talaga namang nakakahalina.

"Are you okay? Nagitgit ka ba? Shit! Hindi ko inakala namaraming tao ngayon dito. Dam! "

Napahagikgik nalang ako sa magkasalubong na kilay ni Radenn. Mataman siyang nakatingin sa akin. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko at isang kilos ko lang ay maari ko nang manakawan siya ng halik.

"I'm okay. Hindi ako nagigitgit dahil may Great Wall of China ako sa katauhan mo."

Nang ngumiti siya sa akin ngumiti rin ang mga mata niya.

"That's good."

Pilit kong kinakalma ang mabilis na tibok ng puso ko habang nakatingin sa payapang mukha niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The one That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon