***
< Blaster is calling > Hala? Ba't bigla 'tong napatawag! Omg, wait!
"Hello Eianna, Nakauwi ka na ba? Nag-enjoy ka ba sa gig kanina?" tanong ni'to na parang nag-aalala.
"Ah, oo! Salamat pala, ha? Hindi 'ko in-expect na ang "Blaster Silonga" mag-aaya sa'kin lumabas." sagot 'ko
"Sus, wala 'yon! 'Nga pala, pwede ka ba ayain bukas? Wala namang pasok eh." At, sa'n nanaman 'to mag-aaya?
"Pwede ba ako bumisita d'yan? If okay lang, ah?" Omg... Shit, hindi pa ako nakakapag-ayos ng bahay pa'no 'to!!!
"Ay, sure sige. What time ka ba makakapunta? Mas better sana if mga hapon hehe" Hapon, kasi mag lilinis pa ako.
"YES! Sure sure! See you tomorrow, Eya! Lab- este take care!" Labyu? Hmm.
***
< Blaster sent a message > Blaster : "Eya? Mga 2:30pm siguro nand'yan na ako!"
Ayan, let's do this cleaning. Ay, buksan 'ko nga 'yung radyo. (I recommend you guys to play Nobela by Join The Club while reading this part)
"At aalis mag babalik, at uuliting sabihin na mahalin ka't sambitin kahit muling masaktan ~"
***
"Tao po!" Hala, shit si Blaster!
"TEKA LANG!" Omg, teka teka!
"Uy, Nobela by Join The Club." Bulong ni'to.
"Hello, Ter!" Bati 'ko na may kasamang 'pag ngiti.
"Sabihin na mahalin ka't sambitin" Alam niya yung kanta, wow.
"Hahaha! Alam mo pala 'yan?" Hindi 'ko inakalang sasabihin niya 'yong linyang 'yon.
"Oo naman, pwede na ba ako pumasok?" Teka, ang dumi ng utak ko!
"Ah, eh... Oo, sige!"
"Namiss kita." Ha? Ako, mamimiss ng isang Blaster?
"May sinasabi ka?" Miss niya ako?
"Ah wala sabi 'ko kumusta ka na" Hmm. Ok.
"Okay lang naman, Ter." sagot 'ko, teka tatanungin 'ko muna ano ba pakay ni'to?
"Blaster, ano ba pinunta mo dito?"
"Ay! Wala gusto lang kita bisitahin. Wala din naman akong kasama sa apartment kaya ayun. Boring din dahil walang pasok" Akala ko may pupuntahan nanaman 'to at isasama ako. Hahaha!
Hala. Isama 'ko kaya 'to bumili ng libro? Hindi 'ko alam if mahilig siya du'n pero...
"Psst, Ter." sabay pag kalabit 'ko sakan'ya.
"Oh? Bakit? Miss mo agad ako? Joke, hahaha!"
Sira ulo. "Baliw, hindi! Pwede ba kita ayain bumili ng libro?" Papayag kaya 'to? Huhu. Sana!
"Ako pa ba, Leah Eianna Valencia? Matatanggihan ba kita?" OMG! G na g siya, let's go!
"Pwede mo ba ako antayin, Ter? Mag bibihis lang akesh. Wait ha?
Right now nandito ako sa kwarto, ano ba pwede 'kong suotin? Gusto 'ko naman mag mukhang disente sa itsura niya. Aha! This one, itong jumper pants na 'to plus, hmmm. Ito, this rainbow-colored-stripped shirt! Perfect!
"Blaster! Teka lang ha? Susuot lang ako sapatos!" Oks, now pwede na ako bumaba nang disente ang itsura.
"Hello! Hahahaha!" Ba't gan'to maka titig 'to? Luh.
"Wow, bagay sa'yo suot mo. You look very cute. Hahaha!" Naks, a compliment from Blaster Silonga.
"Tara na! I can't wait! Gusto 'ko na bumili ng bagong books. Salamat at sasamahan ako ng isang "Blaster Silonga" Oo, with exaggeration yung Blaster. Eh kasi, tignan mo isang sikat na gitarista magiging kaibigan 'ko?
"Mag je-jeep ba tayo?" Blaster asked. Uhh, ofc. Wala naman ako kotse tsaka as I can see hindi niya dala ang kotse niya.
"Yup, why? Hindi ka marunong mag commute?" Marunong naman siguro 'to hindi naman lahat ng sikat hindi marunong mag commute diba?
"Marunong ako, ano!" Oh, bakit ka galit? Hahaha!
Dumaan na 'yung jeep na sasakyan namin which is SM. Ini-wagayway 'ko ang kamay 'ko para mapansin ng driver na sasakay kami. Hala, wait... I just realized pa'no 'pag may fans sa loob? Teka, malayo layo pa ang jeep I'll ask him muna.
"Hey, Ter? , Paano if may fans sa loob ng jeep na sasakyan natin?" Baka mapag-iwanan ako, at baka sundan kami sa bahay. Ayokong ma-issue!
"Nah, it's okay. Siguro papayagan 'ko makipag picture sa'kin pero if they ask kung sino ka I'll tell them you're a very very special friend." Sinabayan pa niya ito ng kindat. Ayan na yung jeep, lezgo!
"Bayad po, kuya dalawang SM nga po." Inabot 'ko ang bayad sa driver ng jeep, tapos bigla ako kinalabit ni Blaster. Ba't naman kaya?
"Oh, bakit?"
"Uy, dapat ako na nag bayad ng pamasahe natin!" Hay nako, Blaster Mitchell Silonga.
"Ako na, ako nag-aya kaya ako mag babayad sa pamasahe. Pati na rin sa pagkain natin."
***
"Para po! Salamat, kuya!" sabi 'ko sa driver ng jeep. Bumaba na kami ni Blaster at pumasok sa loob ng SM hinahanap namin ngayon 'yung favorite book store 'ko. Ang onti ng tao, pero madaming magaganda na libro 'dito.
"OMG, libro ni John Green! SHET!" Minsan lang ako makahanap ng John Green books dito pero, damn!
"Hilig mo din pala novels ni John Green 'no?" Yes, and a yes, yes, yes!
"Blaster? Omg, Blaster Mitchell Medina Silonga?" Sabi nung babae, sino naman 'to?
"Uhh..."
***

YOU ARE READING
Kathang Isip
Romance"Pasensya ka na, sa mga kathang isip kong ito. Wari dala lang ng pagmamahal saiyo."