Chapter 3

19 0 0
                                    

Chapter 3

"Maaa! Huhuhu." Naiiyak ako kasi ngayon na ako aalis papunta sa school ando'n daw kasi yung service namin. Hindi naman ako maihahatid ni Mama kasi may pasok pa s'ya. Nagtatampo pa nga ako kasi pinirmahan n'ya yung consent form na pinapayagan n'ya akong sumama para dito.

"Saglit lang 'yon, anak. Para din sa'yo 'yon. Don't worry I'll cook your favorite food once you got home." Sabi n'ya.

"Mamaaaa, ayokong umalis!" Huhuhu mamimiss ko si mama.

"Limang buwan lang 'yon. Mabilis lang ang panahon. Nung college nga ako nag-dorm ako..." At nagkwento na naman po s'ya ng kanyang nakaraan. "...do'n ko nga nakilala ang tatay mo..." Alam ko na yung kwento na 'yan kung paano sila nagkakilala ni Papa, kung saan at kailan naging sila. Pa'no kasi laging bukambibig ni mama si papa. Si papa din gano'n kapag nandito s'ya sa bahay. "...kaya mabilis at masaya yung mga taon ng college life ko dahil sa kanya."

"Opo na." Sabi ko habang tinatapos yung breakfast ko. Binabagalan ko talaga kasi ito na yung last na food na kakainin ko na luto ni mama. After five months ko pa ulit matitikman yung luto n'ya huhu.

After ko kumain, kinuha ko na yung mga gamit ko sa kwarto saka lumabas. Isang medium size na maleta at isang malaking backpack yung dadalin ko. Hindi naman gano'n karami yung gamit ko ano? Saka may i-po-provide din naman yung school na papasukan ko.

"Mamaaaaa!" Sigaw ko.

"Oh, bakit?" Tanong n'ya mula sa kusina. S'ya kasi yung naghuhugas ng pinagkainan namin.

"'Di mo ba ako pipigilan sa paglayas ko?"

"Hindi. Kaya shooo! Alis na!" Pagtataboy pa n'ya sa'kin. Ang bait ng nanay ko diba?

*bzzzt* *bzzzt*

Nag-vibrate yung phone ko at nakita ko na nag-text si Warren sa'kin. Tinatanong kung na sa'n na daw ba ako. Nag-reply muna ako sa kanya na 'otw na' bago ko ulit kinausap si Mama.

"Ay, Ma! Alis na ako ah! Nag-text na si Warren sa'kin. Babye!" Sigaw ko tapos dinala ko na yung mga gamit ko sa labas. Mag-aabang ako ng tricycle. Hindi ko kayang maglakad papunta sa school dahil medyo mabigat yung dala ko.

"Sige! Ingat ka do'n ah! I'll miss you, anak!" Sigaw n'ya. Mukhang nasa kwarto s'ya at nag-aayos papasok. Ayos din yung nanay ko eh. 'Di na nga ako ihahatid, hindi pa magpaalam sa'kin ng maayos. Parang field trip lang yung pupuntahan ko.

Pinara ko yung isang tricycle na dumaan saka sumakay. Sinabi ko sa driver yung school and after 3 minutes nakarating na ako. Tinulungan naman ako ni Warren na buhatin yung gamit ko at nilagay sa likod ng service van.

"Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya habang pasakay kami sa loob ng sasakyan.

"Hindi naman. Kararating ko lang nung nag-text ako sa'yo." Sagot n'ya.

"Ahh."

Dumating din yung principal saka kami kinausap ulit.

"Sino pa yung kulang?" Tanong n'ya.

"Wala na po, Sir." Sagot naman namin. Halos sabay lang kami dumating nung isa pa naming kaklase at kami na lang pala yung kulang.

"Good. Mag-iingat kayo do'n at huwag n'yong ipapahiya ang school natin, maliwanag?"

"Opo." We answered in unison.

"Sige, umalis na kayo at baka gabihin kayo sa byahe." Tumango kami sa kanya at nag-goodbye na. Sinara na din n'ya ang pinto ng van at pinaandar na ito ng driver.

Huminga ako ng malalim habang papalayo kami sa school. Nalulungkot ako at medyo na-eexcite din. Ano kayang hitsura ng lilipatan naming school? Tinignan ko naman yung katabi ko kung anong ginagawa at ang loko, naglalaro pa din ng ML.

World War III: Protecting People Around YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon