nag balik ako sa business na pinalalakad ko ngaun. hindi ko maintindihan si mama kung bakit ayaw nyang tumira dito sa pinas eh mukhang maganda naman dito, un nga lng maraming polusyon.
hindi din biro maging C.E.O lalo nat nag tratraining palang ako. nakakatanga ang mga ginagawa, at nakakabaliw ang mga pormalidad ng mga tao.
Mr. Gustamante, dapat na po kayong kumuha ng magiging secretarya nyo, incase na kaya nyo ng patakbuhin ang kumpanyang to. nagising ako sa mahinang boses na narinig ko. nakaka-antok naman kasi yung ganito.
mr. gawaran, wala pa akong balak na kumuha ng secretary. saka ko na lamang ito pag iisipan. sa ngaun naman po kasi kaya kong gawin ang mga bagay bagay. paliwanag ko sakanya.
mabait syang tao, parang tatay kung mag payo sa akin. somehow, namiss ko ang papa. . . kamusta na kaya sya ngayon. hindi ko na na uupdate si mama, dapat ko na syang tawagan ngayon.
ah sir jake, may meeting po kayo ngaung 1pm sa golden bay. may investors po kasing gustong kumausap sainyo. i sisingit ko po ba ito sa schedule nyo? tanong ng isa sa mga admin namin.
ok. tipid kong sagot at kaagad naman syang umalis ng kwarto. kinuha ko ang cellphone sa aking inside pocket at dinaial ang number nya. . . .
(hello anak? buti naman at napatawag ka! kamusta ka na? akala ko nakalimutan mo na ako. nakakatampo kana ah. ok ka lang ba jan sa opisina? inaapi ka ba nila? tell me!)
natatawa na lang ako sa mga pinag sasasabi ni mama. namiss ko tong pag gaganito nya sa akin.
ok naman ako ma. maayos din ang pakikitungo nila sa akin dito. no need to worry. ikaw ang kamusta? ok lang ba kayo jan ni papa? busy din kasi ako nitong mga nakaraang araw eh.
(ganun ba, ok lang naman kami ni papa dito. busy pa din ang peg namin but we're doing good naman. medjo miss ka lang namin. kelan ka ba uuwe dito? are you staying na ba jan for good?)
bigla akong napatigil sa sinabi ni mama. namimiss ko sila pero ayokong umalis dito sa pinas kahit pa na medjo loner ang drama ko dito. bakit nga ba ayokong umalis?
(o baka naman may nagugustuhan ka na jan kaya ayaw mo namang umalis. umamin ka sakin! ang daya mo di kana nag sasabi kay mama.)pag mamaktol nya sa kabilang linya.
wala ma, ano ka ba! di ko pa masasagot kung hangang kailan ako dito. but, ill try my best na madaw kayo jan.
(ok baby, sige na may meeting kami ni papa ngayon sa mga land owners. gotta go na, we love you baby)
dapat na ba akong mag worry kasi hindi ko alam kung bakit ba sinisiksik ko sarili ko dito sa pilipinas?
BINABASA MO ANG
S.A: Lustful, Serenade ONGOING
General Fictionsecond series ng invisible thread of destiny. kwento ito about sa isang matapang na babae at malamyang lalake. paano kung itong dalawa nag sama? at matale sa isat isa??? as in literal na matale? anong gagawin nila??? mag kakasundo ba sila??? para ka...