DO I KNOW YOU?

2 0 0
                                        

Nandito ako ngayon sa isang flower shop to buy daffodil flower for tita julia because it's her birthday today. Pupunta ako sa birthday niya kahit alam kong hindi padin niya ako napapatawad. Palabas na ako ng flower shop ng biglang may pumasok na lalaki, natigilan ako, i know it's him. Nilingon ko siya at nakumpirma kong siya nga yun.

Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang katawan ko at niyakap siya patalikod, gulat siyang humarap at inalis ang kamay ko sa pag kakayapos sa kanya

"Hey miss wait, baka makita tayo ng nililigawan ko bustedin ako non"

"Angelo ako to si gerlyn"

"Do i know you?"

"Ano ba angelo"

"Sorry miss, di talaga kita kilala" pag katapos niyang sabihin yun ay umalis na siya


Saktong 6pm nung makarating ako sa bahay nila tita julia, at sakto namang nasa labas ito kung kaya nakita niya ako. Dali dali niyang lumapit sa akin

"Anong ginagawa mo dito?" may galit na tanong ni tita

"Tita i just want to greet you a happy birthday and heres my gift your favorite flower" i smiled

"Umalis kana gerlyn, baka makita kapa ni angelo"

"So nakauwi na nga po siya from states tita? Nilayo niyo talaga siya sakin alam niyo naman pong mahal ko siya at mahal din niya ako" mangiyak kong wika

"Yang pag mamahal mong yan nakakasakit yan, Walang naidudulot na maganda sa anak ko, kaya sayo nayang pag mamahal mo" tinuturo pa ako ni tita habang binabanggit iya ang bawat salita

"Tita bakit hindi mo manlang ako nai pakilala kay angelo?"

"Ha? Naririnig moba yang sinasabi mo? ikaw ang may kasalanan kung bakit na aksidente ang anak ko and you're expecting me to introduce you to angelo? Hindi ako mangmang" tuluyan na akong umiyak ng maalala ko ang nangyari


F L A S H B A C K

It was our prom at nasa kalagitnaan na ng program pero wala padin si angelo, Yung mga kaibigan ko naman nakikipag sayaw na sa kanikanilang mga boyfriend kaya inis kong tinawagan si angeloa

"Ano nasan kana? Ako nalang yung walang partner dito"

"Eto na love paalis na ako sa bahay"

"Pag hindi kapa nakadating dito in 5mins makikipag sayaw nako sa ibang lalaki dito" i ended the call

20mins na ang nakalipas nung nakatanggap akong tawag hindi kona tiningnan at sinagot na iyon

"Ano napakatag--"

"Na aksidente si kuya" it was ellin angelo's sister

Pumunta akong ospital ng naka gown at pag dating ko don at nakatanggap ako ng isang malakas na sampal mula kay tita julia

"PAG MAY NANGYARENG MASAMA KAY ANGELO HINDI KITA MAPAPATAWAD!!"

END OF FLASHBACK

"Hi mom, Who is she bakit hindi mo papasukin?" nag punas ako ng muka nung marinig ang boses ni angelo

"Shes just my friends daughter, aalis na din siya dinala lang niya yung gift"

"Sige pasok napo ako sa loob" umalis na siya, hindi manlang ba niya natandaan ang muka ko kanina sa shop?

"Nag ka amnesia si angelo at hanggang ngayon hindi pa siya magaling, nanay ako gerlyn sana maintindihan mo ako kung bakit ayaw na kitang ipakilala sa kanya hindi ko kasi kayang nahihirapan pa si angelo. Kung mahal mo talaga siya hahayaan mona siyang maging masaya kahit hindi na ikaw yung kapiling niya" minsan kelangan nalang talaga natin bumitaw kahit mahal na mahal natin yung tao, kasi eto lang yung paraan eh eto yung makakabuti


F L A S H B A C K

Nag liligpit kami ng gamit at akmang aalis na nang biglang sumulpot si Angelo sa harap ko

"Hi girls, Hi love" masaya at todo ngiti niyang bati sa akin

"Excuse me? Do i know you?"

"Wait wait i like this scene, girls upo" pang aasar ni angela, alam niyang away ang magaganap kaya niya yun sinabi at sumunod naman yung dalawang luka

"Oh bakit nanaman? Ano nanaman bang kasalanan ko sayo na hindi ko alam?" tanong ni angelo sa akin

"Tatlong araw walang chat or pakita manlang angelo sinong matutuwa? Like hello may girlfriend kapa"

"Love hindi ko naman nakakalimutan"

"Ay ako nakalimutan kona kung sino ka"

"may inaayos lang kasi sa bahay eh sana naman maintindihan moko"

"Nag woworried lang naman kasi ako sayo baka kung napano kana, akala kolang kasi nakalimutan mona ako eh"

"Love kahit mag ka amnesia pa ako hindi kita makakalimutan okay?"

"Paano mo naman nasabi yon?"

"Utak lang ang nakakalimot love, hindi ang puso" napangiti ako sa sinabi niya

"What does the meaning of that smile? bati na tayo?" tumango ako

"MARUPOKPOK" sigaw ng tatlo kong kaibigan

END OF FLASHBACK

Utak lang ang nakakalimot hindi ang puso, pinang hawakan ko ng ilang taon ang mga sinabi mo nag hihintay kung ma aalala mo pero eto na siguro ang oras para bitawan ko ito. It's hurts to let go but sometimes it's hurts more to hold on.

"I do" gumuho ang mundo ko nung marinig ko ang sagot mong ito sa pari isa din ito sa dahilan kung bakit kelangan na talaga kitang bitawan, kasal kana.... sa iba.

Ang sakit lang panoodin na yung taong mahal ko nakikipag palitan na ng wedding vows sa magiging asawa niya.

Letting go means to come to the realization that some people are a part of your history, but not a a part of your destiny.

-у σ υ я ѕ т я υ ℓ у ♡

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE SHOT COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon