:Trouvaille

68 8 0
                                    

"You know it'll happen, just keep being nice, funny, beautiful and some great guy will fall in love with you in a heartbeat."


Luna Ferrer's

Luna! Nandito na ko sa labas ng gym. Nasan ka?  Text sa akin ng kaibigan ko. Nako talaga itong si Maddy!

Pasok ka na! Right side, bleachers. Sagot ko agad. Natatamad na kasi akong pumunta sa labas para sunduin sya. Itatago ko na sana yung phone ko sa bag ng bigla na naman umilaw ang LED light nito.

Ha? Sunduin mo na lang ako dito haha! Nagreply na naman pala. Parang timang kaya pinuntahan ko na lang sya sa labasan. Pagkalapit ko pa lang sa entrance ng Gym nakita ko agad sya, suot nito ang uniform namin na pang-P.E. habang kumakaway sya sa akin.

"Morning!" Bati namin sa isa't-isa saka tuluyan naman na kaming pumasok sa loob at dinala ko sya kung saan ako nakaupo kanina.

"Uy, ano nga palang page yung sasagutan sa--" Nagtatanong kasi ako eh diba? Bigla nyang pinutol.

"Nakakaasar talaga, Luna! Nakita ko na naman si Kyle kanina! And as usual panira ng umaga, Monday na Monday eh asdfghjkl." Yeah yeah. Talk about the guy who makes her good day a bad day.

"Sus! If I know kinikilig ka dyan!" Sabay naman ng pag-landing ng kamay nya sa tuktok ng ulo ko. ABA! Makabatok naman!

"Why would I?" Tanong nya saka umirap at nakita ko naman ang pamumula ng pisngi nya. Nyenyenye kinikilig ang bruhilda!

"Why not?" Tumawa ako saglit saka nagpatuloy, "Go ask yourself instead of me." Tumingin  ako sa mga lalakeng nagba-basketball. Wala pa kasing mga instructor eh wala pa naman kasing time.

"Sira ka talaga! Hmp!" Aniya habang sinusuklay ang kanyang buhok.

"Atleast hindi maayos!" Sabay kaming natawa kahit wala naman talagang nakakatawa. "Mad, kita mo ba yung lalakeng naka fitted jeans? Yung naka maroon." Tanong ko sa kanya. Wala lang, natanong ko lang. Ang sexy kasi nya eh. Lalake ba yun? HAHAHAHA.  

"Bakit?" Balik na tanong nya. Ano pa ba ang ineexpect ko?

"Nagtatanong kasi ako. Ano nakikita mo ba? Gwapo ba ha?" Sunod na tanong ko, ang galing mag-shoot plus mo pa yung tumutunog-tunog na sapatos na nagi-scratch sa floor.

"May itsura naman, bakit nga eh?"

"Talaga?" Syet ang labo kasi ng mata ko kaya hindi ko makita!

"Oo nga. Pwede na." Patuloy lang kami sa panonood ng laro nila ng bigla namang sumigaw ang isa naming classmate.

"SI MA'AM!" Kaya bigla naman kaming napaayos bigla ng upo. Grabe naman makasigaw yun akala mo naman may gyera na.

Tumingin ulit ako dun sa nagbabasketball pero wala na sya, ay ganon? Umalis naman agad!

--

Pinag-check lang kami ni ma'am ng naging result ng exam namin kaya maaga lang din kaming natapos. Inaya na akong kumain ng kaibigan ko kaya dumiretso na kami sa Canteen. Sayang pasok ng maaga, sayang P.E uniform na hindi naman nagamit or napawisan.

"May sagot ka na ba sa Math?" Natanong ko bigla. Next subject na kasi yun at wala pa akong sagot. I tried answering it last night but I ended up sleeping.

Meanderella's One shots compilation.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon