Tears from Heaven

31 1 0
                                    

 

2:00 am na nang makauwi si Kerby sa kanilang bahay galing sa gimikan. Simula ng maghiwalay sila ni  Julia  ay lagi nalang siyang ganito.

 Dumeretso na siya sa kanyang kwarto. Pagkatapos niyang  maghilamos at magbihis ay kaagad siyang humiga sa kanyang kama.

“ Arrrrgggggggggggh! Hindi pa din ako makatulog. Iniisip ko pa rin ba siya? Alam ko okay na ako eh. Pero bakit ganito.”

Sa kanyang pagmumuni muni hindi niya namalayan na nakatulog na siya...

“Kriiiinggggg! Kriiinnngggggg!” hayyyyyyyyy.. Sino ba itong tumatawag. Ay si mama pala.  Aga aga nambubulabog. Badtrip naman. 

“Hello?!” – kerby

“Oh anak kakagisng mo palang? Di ba may pasok ka?” 

“ Ahh opo meron Ma. Bakit ka tumawag?” 

“ Gusto lang kita kumustahin anak.”

“ Okay lang po ako Ma. Miss ko na po kayo.”

“Sige na. Bye na. Bangon kana diyan. Mag ayos ka na. Mag iingat ka lagi nak. Miss na miss at mahal ka namin ng Papa mo.”

Magsasalita pa sana si Kerby gunit pinatay na ng mama niya ang telepono. Bumangon na siya at naligo.  Pagkatapos niya magbihis bumaba na siya at kumain. Tanging kasama niya lang sa bahay ay ang kanilang mga katulong. Only child lang kase siya. Busing busy ang kanyang magulang sa kanilang trabaho sa ibang bansa.

Dumeretso na sa skwelahan si Kerby.  Habang naglalakad siya sa hallway ay may nakabungguan siya na babae.

“ Ano ba?! Bat hindi ka kase tumitingin sa dinadaanan mo!” 

Bago pa makapagsalita yung babae ay dumeretso na sa paglalakad si Kerby. Siya ay Sikat sa  kanilang school. Lahat ng atensyon nasa kanya na ngunit may ka isa isang taong hindi siya pinapansin.

Pagkapasok niya sa room ay umupo na siya. Tinitingnan na naman siya ng mga kaklase  niya.

 “ Ang gwapo talaga ni Kerby”

“ Yes. Nandiyan na ang inspiration ko.”

“ Hey sa akin lang siya.”

“ Hoy mag si tigil nga kayo. Kayo ba si Julia?”

Yan ang karaniwang mga sinasabi ng mga kaklase niya sa tuwing pumapasok siya. Naiirita na din si Kerby ngunit pinapabayaan na lang niya ang mga ito. Katabi ni kerby ay ang kanyang dalawang kaibigan na si MJ at James.  

“Hay nako Pare. Yan na naman mga fans mo! Hahah” sabi ni MJ 

“ Oo nga pre, mga Mark Kerby Deinsdale Asuncion Fans Club! Bwahaha” - James

“ Tumigil nga kayo mga tol. Hahaha” – Kerby

“ yuun. Lunch break na. Gutom na ako. Tara na.” – Mj

Lumabas na sila sa classroom at dumeretso na sa Canteen. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ni Kerby si Julia na may kasamang lalake.

“ Uy Pre, Sino ung kasama ni Julia? – James

“Ewan ko. Umorder na kayo . Mag CCR lang ako.” – Kerby

Pumunta sa CR si kerby. Hindi siya mapakali. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Ang alam lang niya. Nasaktan siya sa kanyang nakita. Nagstay munta siya sa Cr upang kumalma. Dahil hindi niya alam ang gagawin niya sa lalakeng kasama ni Julia pag bumalik siya sa canteen na ganon ang kanyang pakiramdam. Bumalik na siya sa canteen ngunit wala siyang Julia na nakita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tears from HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon