Salamat, paalam...

776 16 27
  • Dedicated kay Lord God
                                    

           

          Madilim na ang kalangitan nang ako’y makarating sa aming tahanan. Tulad nang mga nakaraang araw, bigo na naman sa paghahanap ng trabaho palibhasa’y Highschool lang ang aking natapos bunga ng aming kahirapan.

            Bata pa lamang ako nang magsimula ako magtrabaho. Naging kasambahay ako noong ako’y dose anyos pa lamang. Naging masalimuot ang aking buhay sa kamay ng amo ko. Lahat ng karahasan ay natikman ko na. Sampal, sabunot, tadyak, suntok, mga masasakit na salita, gutom, pagod, lahat na. Ngunit ang pinaka masakit at ‘di ko matanggap na nangyari sa akin ay noong ako’y sapilitang halayin ng aking amo. Gusto ko nang magpakamatay. Naghangad lang naman akong makatulong sa aking ina ngunit bakit? Bakit nangyari ang lahat ng ito? Hirap na hirap na ako nang mga panahong iyon ngunit nagkaroon ako ng lakas upang tumakas at lumayo. Mula noon, ‘di ko na ginustong alipinin at alipustahin ang aking pagkatao. Nangarap ako ng mataas. Ngunit hanggang ngayon, wala paring pagbabago sa aming buhay. Hanggang pangarap na lang ba? O, Panginoon, tulungan niyo po ako. Hirap na hirap na po kasi ako e.

 

     Papasikat na ang araw nang ako’y gisingin ni Paulo, ang ikaapat sa aming makakapatid.

Anim kaming magkakapatid at ako ang panganay. Ako, dalawamput-dalawang taong gulang, si Angela, labing-pitong taong gulang, si Maria, labing-apat na taong gulang, Paulo, sampung taong gulang, si Sarah, walong taong gulang at ang aming bunso na si Christian, anim na taong gulang.

Iniwan na kami ng itay simula noong naipanganak ang aming bunsong kapatid. Sumama siya sa ibang babae at nagkaroon ng panibagong pamilya. Masakit man, ngunit tinanggap na naming wala na si itay, wala na ang aming haligi ng tahanan.

Lalo kong hinangaan ang aking ina sapagkat kahit nawalan siya ng kabiyak, tinataglay niya parin ang kabutihan sa kanyang puso at lakas ng loob. Naging mabuting modelo namin siyang magkakapatid. Lahat na ng trabaho ay pinasukan niya mairaos lamang kami.

     “Ate, bakit namumugto ang mga mata mo? May nanakit ba sa iyo?” tanong ni Paulo.

     “Wala ito. Nag-eensayo kasi akong umiyak, malay mo diba maging artista ang ate mo.” pabiro kong sabi. Nagtawanan kaming dalawa.

Panibagong araw, panibagong pagsubok. Bago ako tumayo sa aking higaang kahoy, nanalangin ako. “Panginoon, ipinapaubaya ko na po sa inyo kung ano mang mangyayari ngayong araw na ito. Bigyan niyo po ako ng lakas upang harapin ang pagsubok ng aking buhay. Amen.”

Tulad ng dati, wala pading pagbabago ang aming lugar. Maingay, matao, masikip, at madumi. Kaliwa’t-kanan ang mga nag-iinuman, walang pag-asenso. Ito ang kinalakhan kong lugar. Ngunit naniniwala akong magbabago ang lahat kasabay ng aming buhay.

Nakita ko ang aking ina na noo’y naghahanda ng almusal.

“O, grace anak, heto at kumain ka na bago ka umalis. ‘wag kang magpapalipas ng gutom ha.” bilin ni inay.

Salamat, paalam...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon