Kabanata 11

735 34 0
                                    

Ibinaba ko sa isang gilid sa loob ng elevator ang mga supot ng pinamili kong grocery sa tulong na rin ni Mang Isko na buhatin ang ilan, ilang araw matapos ang pangyayari sa labas ng Goose House.

Hindi ko pa rin nakikita si Unit 131, simula nang may mangyari sa amin noong gabi na iyon.

Napahinga na lang ako nang malalim nang maalala ko pa, at saka napatitig sa sahig ng elevator.

Siguro katulad lang rin si Unit 131 ng ibang lalaki. Gagamitin ka lang pamparaos. O, kaya naman ay kapag nakuha na nila ang gusto nila sa iyo, donr project na. Ipapasa ka na sa ibang boys. Pangdagdag koleksyon ba?

Inaamin kong some part of me regrets what happened that night-pero hindi ko alam kung bakit may parte sa akin na tila longing sa kaniya, when in fact, isang beses lang naman namin iyon ginawa.

It's a mystery to me, how he can just simply make me weak for me. Make thirst for him, just like a new born vampire na kakatikim pa lang ng dugo, naadik na agad.

He's making me a vampire-and that's toxicity he's putting in me. Nagiging kanser ako ng lipunan dahil parang nahahayok ako sa-katulad ng term ni Astatine, totnak-niya.

And I don't think I need that now-that kind of toxic relationship, kasi may anak ako na kailangan kong bantayan.

May anak ako na kailangan kong alagaan. Hindi na ako dalaga na kahit kailan ay pwedeng-pwede lumandi.

Pasara na ang metal doors ng elevator nang may kamay agad na humarang sa tiyak na pagkasara noon. Agad akong napaangat ng ulo upang makita kung sino ang nangahas.

Unit 131.

Napatikhim agad ako nang magsalubong ang mga tingin namin.

Ang lahat ng mga iniisip ko ay tila dumiretso na sa basurahan-ni wala na akong maalala sa mga iniisip ko kanina, dahilan para maging awkward sa akin ang mga sumunod na segundo.

Hindi mapakali ang isip ko, pero wala naman itong tiyak na iniisip. Tila naglalakbay lsng, humahapyaw sa bawat pahina, pero walang naiintindihan.

Pakiramdam ko ay manlulumo ako sa hiya sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ako ang may karapatang mahiya, e siya itong nang-iwan sa akin matapos nong isang gabi na iyon.

"I heard you went there." narinig kong panimula niya.

Hindi ako lumingon. Pinilit kong manatiling nakatitig sa nakasaradong metal doors.

Pero iba ang takbong isip ko, parang may humihila rin sa mga mata ko-invisible forces, pinipilit akong tignan siya.

Wala akong nagawa, tila ba awtomatiko ring lumingon ang mga paningin ko upang tignan siya.

"Saan?" tanong ko sa kaniya. Imbes na normal na boses ay umimpit ang tono ko. Gusto ko na lamang ibaon ang sarili ko sa hukay sa pagtraydor niya sa akin.

"There." sagot niya agad at may pagtip pa ng ulo.

Alam ko kung ano ang sinasabi niya, pero baka mamaya ay hindi naman talaga sa Goose House ang pinapatungkulan niya, dahil imposibleng makilala ako ng bouncer noon, dahil una, hindi naman ako nagpakilala doon.

Puwede rin kasing unit niya ang tinutukoy niya. Mamay ay may recorder ot hidden camera ang peep hole niya para makita kung sino ang dumadaan o kakatok at tatawag sa kaniya, hindi ba?

"Elaborate?" nasambit ko na lang. Laking pasalamat ko naman at nagpantay na ang boses ko.

Nagform ng thin line ang mga labi niya, pero fixed ang mga mata niya sa akin at monotonous ang tingin niya-wala pinapakawalang emosyon.

Drastic MeasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon