Kabanata 14

756 32 0
                                    

"There's something going on with us, Brix." iyon na lamang ang nasambit ko sa kaniya matapos kong bumangon sa pagkakahiga ko sa kaniyang kama-hinahabol ko pa rin ang aking hininga.

Madilim sa kuwarto niya, tanging ilaw lang ng buwan na tumatagos sa bintana ang nagbibigay liwanag sa amin. Nakita kong naupo ang hubad niyang katawan sa study table niya na malapit sa bintana. Hindi ko siya nilisanan ng tingin, nanatili rin siyang nakatitig sa akin.

Pilit ko mang alisin ang lahat ng alaala nang kanina sa may daan ay hindi ko iyon magawang alisin sa isip ko. Basta ng halikan niya ako-alam na naming dalawa kung ano ang nilikha no'n-kung nasaan kami ngayon.

Hinila ko ang hubad kong katawan na balot ng kumot paupo sa kama niya. Hinihintay ko lang na ibuka niya ang mga bibig niya, pero hindi siya nagsalita.

"I can't do this," sa wakas ay nagsalita na siya. Pero hindi maganda ang boses niya. Madiin ang pagkakasabi niya sa mga binitawan niyang salita.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam ang gagawin ko sa kaniya.

Pangalawang beses nang may nangyari sa amin, at alam ko sa sarili kong hindi na ito pwedeng baliwalain, dahil sa susunod na hawakan niya akong muli, kahit faint na haplos lang-alam ko sa sarili kong aatakihin ko aiya agad.

Gusto ko si Brix.

Gustong-gusto.

Alam ko iyon sa sarili ko, pero hindi ko alam kung anong narardaman niya para sa akin.

"I want you, Eli." narinig ko ang marahas niyang paghinga. Tila ba ay nahihirapan siya, but not to the point na may breathing problem siya. Nahihirapan siyang magdesisyon-tila ba napofrustrate. "I want you, believe me I do. But I can't have you."

Napalunok ako nang marinig ko ang huli niyang salita. Hindi ko alam, pero parang nabuhayan ang loob ko dahil sa sinabi niya.

Tumayo ako mula sa kama, hindi ko na ininda ang pagdadala ng kumot na nakapulupot sa akin. Naglakad ako direkta sa kaniya, iniwanan ko ang kumot sa kama.

"Then just have me." madiin kong sambit sa kaniya. Dahil sa liwanag ng buwan na tumatama sa kaniya, nakita ko ang pag-igting ng panga niya.

"I can't do that." madiin niyang sambit, at saka itinuon ang tingin sa nakasilip na buwan.

Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya, pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Hindi ako mawawalan, hangga't alam kong gusto niya din ako.

Nakita kong muli ang lungkot sa mga mata niya habang nakatitig siya sa akin. Hindi ko maiwasang hindi rin malungkot dahil nakikita kong emptiness ng mga mata niya.

It's far different from Evans' eyes. Yes, his eyes are empty as well, lacking emotions-but because he's a monster.

Brix's eyes is like a galaxy without stars, but it is breathtaking. His eyes are as mysterious as the depths of the ocean-so dark, and as if full of secrets, secrets that he doesn't want to share. It's like the sun never rises there. Full of loneliness.

I know that he needs me-the same way I need him.

I know that we both need each other.

"Just let yourself have me," wala sa sarili kong sambit sa kaniya. Tila umapoy ang mga mata niya nang dahil sa sinabi ko-hindi. Hindi apoy, tila nagmukhang nothern lights ang mga mata niya. Napakasarap titigan. Napakasarap sa mata.

Brix is beautiful-his beauty is scarred, and that just only made him so damn attractive.

"Umuwi ka na sa inyo, Eli." narinig ko ang marahas niya muling paghinga, tila ba maging ang sariling mga salita niya ay tumatraydor sa kaniya.

Drastic MeasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon