Chapter 2: The Smile

207 3 0
                                    

May Chapter 2 na kaagad :)))) Sa tingin niyo nakukuha niyo na ang ibinibigay kong clue dito? Basta, wag muna! :DD Enjoy reading!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Katatapos palang ng last class ko ngayong araw nato at ready na akong lumabas. Ibinalik ko na ang notebook at ballpen ko sa bag ko. Chineck ko cellphone ko kung may text. Pagkasilip ko, 2 New Text Messages.

Inopen ko yung una.

From: Auntie Mariz

Denise, whole day kaming mawawala, bantayan mong maigi yung bahay ha. Yung susi nasa ibabaw ng mesa. Andito naman yung aso eh, paniguradong walang makakapasok na magnanakaw at tsaka wag kakalimutang pakainin si Nali. Kawawa naman yung aso.

From: Auntie Mariz

Wag mo ring kalimutang ilock lahat ng pinto at bintana ha. Mag-iingat ka. Isang araw lang naman eh.

Natuwa naman ako sa Tita ko. Nireplayan ko siya.

To: Auntie Mariz

Opo Tita. Ingat din po kayo sa byahe ha.

Sinend ko na. Pagkailang segundo ay may nag-prompt sa cellphone ko.

Message Sent!

Hindi parin maalis sa mga labi ko ang ngiti. Natutuwa ako sa pamilya ko. Kahit nasa probinsya si Mama at si Papa, hindi nila nakakalimutang kamustahin ako. I love my family.

Ipinasok ko na ang cellphone ko sa bag ko at isinaklay na ito. Akmang tatayo na ako na hindi parin kumukupas ang ngiti sa mga labi ng makita kong pinagmamasdan ako ni Ryan. Speaking of him, ano pang ginagawa niya dito?

Hindi ko siya pinansin at diretso akong lumabas ng room. Wala akong panahon makipagtalo sa kanya. Kung makikipagtalo man siya.

Ngunit hindi pa ako nakakaalis ng room ng bigla siyang nagsalita.

"What's with that smile?"

Napahinto ako sa paglalakad. Lumingon ako sa kanya at pansin ko sa mga mata niya ang pagtataka. Teka, ba't ba siya nagtataka? Bawal naba akong ngumiti? Hindi naman siguro ako abnormal na tao para hindi ngumiti.

"Ba't mo natanong?" tanong ko sa kanya na halata sa boses ko ang pagtataka.

"No-nothing." at tumango siya.

Nagtataka ako sa kinikilos niya. Ba't siya nagkakaganun? Umalis na ako ng room na puno parin ng pagtataka ang utak ko. Bakit ba? Anong meron?

Ryan's POV

Umalis na siya ng room. Hindi parin maalis sa sarili ko ang pagtataka. Bakit ganun siya ngumiti? Ano bang meron dun? Bakit parang may kakaiba sa mga ngiti na yun?

Kinuha ko na ang bag ko at umalis. Ano bang meron sa babaeng yun? Tssss.

Pumunta ako sa isang grocery upang mamili ng pagkain at mga panglinis ng bahay. Pagkatapos ay umuwi na ako. Nakita ko si Mama na nagluluto ng ulam. Adobong manok ang niluluto niya. Amoy palang, masarap na. Sobra akong inaalagaan ni Mama. Ayaw niya akong mapahamak. Kaya mahal na mahal ko siya. Si Papa ay nasa labas ng bansa, inaayos ang business para pagkagraduate ko ay dun na kami manirahan. Ayaw ni Papa na may mangyaring masama sakin dahil isa lang akong anak. Kaya mahal ko sila, sobra.

Luto na ang sinaing at ulam. Tiyak na tataba ako nito dahil ang sarap ng luto ni Mama.

Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko na si Mama na ayusin ang mga pinamili ko habang ang mga katulong namin ay kumakain. Siyempre lahat mahal ako at mahal ko din sila.

Pumunta na ako sa kwarto upang magpahinga at magbasa dahil may quiz kami bukas sa Accounting.

Biglang tumunog ang cellphone ko na hawak-hawak ko kanina pa.

1 New Text Message

From: Lysa

Hi Ryan. Pwede mo ba akong turuan bukas para sa Accounting natin? Nahihirapan kasi ako eh. Please? :")

Natuwa naman ako sa text niya. Kahit kailan, flirt talaga tong babaeng to.

To: Lysa

Hello Lysa. Sensya may try-out kasi kami ng basketball bukas eh. Siguro pag may vacant time ako, tsaka lang kita matuturuan.

Wala akong panahon para makipagflirt. Gusto ko munang magpahinga dahil binabagabag ako ni Denise. Ang kanyang mga ngiti. Bakit ngaba?

1 New Text Message

From: Lysa

Ahw, sayang naman Ryan. Bukas lang kasi kita pwedeng masolo eh. Pero sige, manonood ako bukas ng basketball!

Mga babae nga naman ohh. Desperado talagang makuha ang atensyon ng mga lalaki. Wala na akong magagawa.

To: Lysa

Okay sige.

Nagsimula na akong magreview. Hindi ako makapagconcentrate. Medyo lumalabo ang mata ko at sumasakit naman ang ulo ko. Kumuha ako ng pain reliever sa medicine kit ko na nakatago sa drawer ko. May water dispenser din ako sa loob ng kwarto ko.

Ilang saglit lang ay nagpahinga na ako. Unti-unting nawawala ang sakit ng ulo ko.

Naipikit ko ang mga mata ko. Minamasdan ko parin ang mga ngiting nakita ko kanina kay Denise. Bakit ba? Paulit-ulit nalang.

"Denise...." at nakatulog na ako.

[A/N: Papa Ryan, sakin ka nalang please. Nagseselos ako kay Denise eh. :)))]

Denise' POV

Nakakainis naman tong si Luce eh! Ba't ba siya nauubusan ng hope? Mahal naman siya ni Daniel eh! Mahal na mahal! Nakakainis ka Luce!

Hindi parin matapos tapos ang Torment. Hayz. Dalawang novel pa babasahin ko. Sinilip ko ang oras. 11:45PM. Nocturnal mode again. Kalahating chapter palang ako. Siguradong aabutin ako nito hanggang bukas ng tanghali.

Okay. Nagdecide akong hanggang 12AM lang ako dahil may quiz kami bukas sa Accounting kaya hindi ko muna pwedeng tapusin ang novel. </33

Sinulit ko ang natitirang 15 minutes sa pagbabasa hanggang sa mag-alas dose na ng hatinggabi. Natulog na ako. Pero bago ako nakatulog ay nagflashback ulit ang nangyari kanina. Ang pagtataka sa mukha ni Ryan. Bakit? Eto na naman.

"Bakit ba Ryan?" at unti-unting pumipikit ang mga mata ko.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bakit ngaba nagtataka si Ryan? Anong meron kay Denise? :DD matagal pa bago masagot ang kanyang mga tanong kaya sana umabot to ng ilang chapters.

P.S. mobile upload lang to. Aayusin ko siguro ang font styles nito pag gamitin ko na ang laptop ko. =)

Vote, Comment, and Become a fan!

Sa Iyong Ngiti (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon