Chapter 1

33 1 0
                                    

"Hoy Trisha nagiimagination ka na naman wala ka na talagang ibang gawin kong hindi managinip ng gising, wala kang mapapala dyan sa kakaimagination mo walang mangyayari sayo nyan" Mahabang lintanya ng kanyang ina.

"Mama naman eh andon na eh konti na lang eh, ang epal mo talaga mama". Sabi nya sa mama nya habang naka pout. Eh pano ba naman kasi konti na lang maghahalikan na sila nong boyfriend nya sa isip nya. Boyfriend nya na hindi naman totoo kasi fiction character naman. Mahilig kasi syang magbasa ng mga story kaya nagiimagination na lang sya na yung boyfriend nyang fictional character ay naghahalikan sila.

"Nako Trisha tigil tigil mo ko sa kakanguso mo baka ingud-ingud ko yan sa pader o di kaya sa sahig ng matauhan ka". Hayyy nako kahit kailan ang harsh talaga ng mama nya, sa isip isip nya. Di na lang sya sumagot sa mama nya kasi alam nya naman na hindi sya mananalo dito. Pumasok na lang sya sa kwarto nya kinuha ang cellphone at pinagpatuloy basahin ang kwentong binabasa nya sa wattpad. Ayun habang nagbabasa sya ibat ibang emosyon ang nararamdaman nya andon ang takot, saya, tawa, iyak at higit sa lahat, syempre di mawawala ang kilig. Yan lang ang routine nya araw araw gigising ng umaga kukunin ang cellphone tas magbabasa halos di na makakain. Kong di lang sya pinapagalitan ng mama nya at pinipingot sa tainga hindi sya kakain para lang tuloy tuloy ang pagbabasa nya doon. Tas titigil lang pag na lowbat ang cellphone, pagnalowbat naiyon ichacharge nya yun at don lang sya makakakilos don lang sya makakaligo. Inienjoy nya pa kasi ang mga araw na nalalabi nya kasi sa susunod na linggo pasukan na. Pagpasukan na kasi sa school hindi na sya masyadong makakabasa ng wattpad kasi andaming gagawin sa school nya kaya sinusulit nya habang may panahon pa sya.

___

"Trisha halika samahan mo ko sa mall maggrogrocery tayo ubos na ang mga stocks natin". Tawag sa kanya ng mama nya.

"Mama si ate na lang ang isama mo mama may ginagawa ako". Sabay tingin pabalik sa cellphone nya.

"At ano naman aber? Nagbabasa ka na naman dyan? Yan ba ang ginagawa mo? Laking tulong ba nyan sa kinabukasan mo? Anong nakuha mong aral dyan? Makakain mo ba yan ha?". Mahabang linya ng kanyang mama.

"Mama chill ka lang mahina ang kalaban isa isa lang ang tanong,  ito na sasagutin ko na ang mga tanong mo ha mama una mong tanong ang ginagawa ko ay  nagbabasa ako ng new story sa wattpad kasi may bagong story ang favorite kong author pangalawa naman po, opo nagbabasa po ako, pangatlo opo ito ang ginagawa ko, pangapat opo laking tulong po nito sa kinabukasan ko kasi mamumulat po ako kong ano ang dapat gawin, at panghuli naman po hindi ko po sya makakain tingin mo mama ang cellphone ba nakakain?". Mabilis na sinabi nya sa kanyang ina.

"At aba hoyyyy!!! Trisha may nakalimutan ka pang ipaliwanag?".

"At ano naman yun mama aber?".

"Anong nakuha mong aral dyan? Oh ano akala mo nakalimutan ko ha? At panglima yun". Gatong ng kanyang mama.

"Ahhh andami mo kasing sinabi ma kaya nakalimutan ko eh, yun nga ang nakukuha ko namang aral ay madami ma ayaw kong isa isahin andami ma eh nakakapagod". At natawa sya kasi sinakyan ng mama nya ang kalokohan nya. Kahit bungangera yang mama nya mapagbiro naman ito.

"Aba't aba! Bilisan mong kumilos dyan at ng makaalis na tayo samahan moko at kong sasabihin mo na wag na, at ang ate mo na ang isama ko may ginagawa sya. Pinaglaba ko para naman kahit papano may kwenta naman kayo dito sa bahay".

"Eh ma ang yaman yaman mo naman mama bat ayaw mong kumuha ng katulong mama?".

" Eh sa gusto ko eh para matuto kayo sa gawaing bahay di porket mayaman tayo eh kukuha na tayo ng katulong wag ganon, wag kayo gagaya sa iba na may katulong wala kayong mapapala nyan, kasi di natin alam kong hanggang kailan tayo mayaman kasi ang pera madaling mahanap at  madali ring mawala. Trisha kaya habang maaga pa, pagmaghirap man tayo may alam na kayo sa gawaing bahay at di na kayo mahihirapan".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reading And ImaginationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon