Little by little I am starting a new life but wait Can I start it without ending my past?
Chapter 3
CASE P.O.V
We're here!! Hayyyyy Pinas kong mahal. yan ang narinig ko kay Nico pagtapak na pagtapak nya dito sa NAIA.
at AKO? Eto hindi alam ang gagawin.
May hangover pa ata dahil sa sinabi ni Nico sa akin kanina (pero hindi naman literal na hangover)
Tama ba talaga ang narinig ko kanina galing kay Nico?
Totoo ba talaga yon? O ako lang tong ayaw tanggapin?
Hayyy ewan. GAB!!!!!!!! Ano ba? tapos na tayo e. Dapat nakamove-on na ako.
Hindi ka pa nakakamove-on Case.
Pwede ba utak manahimik, sumasabat ka nanaman. Tsk!
Hindi pwede to. Dapat maging handa ako. Kaya ko to!!
Kaya mo yan CASE!!!!!! sabay taas ng kamay ko na nakabukas ang palad.
Anong kaya mo yan Case? Dinig kong sabi ni Nico.
Hehehe Hi Nico. Sabay baba ng kamay ko
Nakakahiya, halos lahat ng tao dito sa airport nakatingin sa akin. Nga naman sino bang tao ang hindi titingin pag may nakita silang isang babae na bigla na lang sumisigaw sa airport habang nakataas pa ang kamay. Hay Case malala ka na -.-"
Tara na Case!! tama na ang pagdadaydream mo jan. Aya sa akin ni Nico palabas ng airport.
Teka, sino bang susundo sa akin? Sila mama kaya? O si ate? O baka nam- - - - - -
Natigil ako sa pag-iisip ng bigla na lang may sumigaw ng pangalan ni Nico na babae. Sino kaya yon?
NICOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!! Sigaw ng babae na nakapink lahat. As in LAHAT maliban na lang siguro sa buhok.
At naglakad papunta sa lugar kung nasaan kami ni Nico. Niyakap niya si Nico at nagkakamustahan yata sila.
Para siyang si Tracey. Ang babaeng mahilig sa pink. Nakakamiss din pala sila.
Tinitigan kong mabuti ang mukhang ng babaeng ito. At hindi nga ako nagkakamali. Siya nga si Tracey del Vega. Isa sa mga matatalik kong kaibigan.
Tekaaaa. Tinatawag niya ba ako?
Case? tawag sa akin ni Tracey na parang hindi makapaniwala.
Ahm, Hi Tracey, Ako nga ito. sabi ko
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin. Isa iyong napakahigpit na yakap na parang hindi ka na pakakawalan. Namiss ko ito. Namiss ko ang babaeng ito.
Case!! I miss you. Sabi ni tracey habang yakap niya pa rin ako.
Namiss din kita Tracey. Balik na sabi ko sa kanya.
Teka Case! Bakit andito ka? Dito ka na ba ulit ha? makulit na pagtatanong sa akin ni Tracey.
Oo tracey. Dito na ako mag-aaral. Sagot ko naman.
OOO-EMMM-GEEE! Sabi mo yan ha. Wag mo na ulit kaming iiwan dito ng walang pasabi. Hmp!
Pero teka nga Case, Pupunta ka din ba sa engagement party ng bruhildang bianca na yon at ni Gab?
Sasagot na sana ako ng bigla na lang kaming hilahin ni Nico papunta sa sasakyan.
Tama na nga yang kadadaldal niyo. Tara na at baka traffic pa. Tch. Kami na ang maghahatid sa iyo -.-" pagsusungit niya na sabi sa akin.
Hay Nico! Napakasungit mo talaga. By the way, hindi na sila nakapunta. Busy sila for the coming first day of class e. Alam mo na. sabi ni Tracey kay Nico habang umuupo kami dito sa loob ng sasakyan.
Habang nasa biyahe kami hindi ko mapigilan na hindi isipin ang mga katagang dumudurog unti-unti sa akin.
Sila na nga.
Nakahanap na siya ng iba.
Totoo na nga siguro na ikakasal na sila.
Masakit.
OLA Case. Andito na tayo sa inyo. sabi ni tracey sa akin
Salamat Nico ah. Nice seeing you again Tracey after 3 years. sabi ko sa kanila
Pero bago ako tuluyang pumasok sa may itinanong muna sa akin si Tracey.
Ang tanong na hindi ko masasagot.
Pupunta ka ba sa engagement nila Gab at Bianca, Case?
Humarap ulit ako at sinabi ko ang mga bagay na hindi ko alam kung saan ko kinuha.
Oo tracey.. Pupunta ako.
PS: Medyo sabaw. Hahahaha!
Ano kaya ang mangyayari sa muling pagkikita nila Case at Gab.
Matutuloy kaya iyon?
Abangan.