Chapter 4
CASE P.O.V
Umalis na sila tracey at nico. Tumuloy na ako sa kwarto pagkatapos naming makapag-usap sandali ni mama.
Bakit kaya wala si Ate? Asaan kaya siya?
Tsaka ko na iisipin yan dahil may mas malaki akong problema.
Paano ko sila haharapin? Paano ko siya haharapin?
Hihiga sa kama habang may tumutugog sa magkabilang tenga ko. Yan na muna ang gagawin ko.
Now Playing (Kundiman - Silent Sanctuary)
Para kang asukal
Sintamis mong magmahal
Para kang Pintura
Buhay ko ikaw ang nagpinta
Para kang Unan
Pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang Kumot
Na yumayakap sa tuwing ako'y nalulungkotAko yung nang-iwan. Ako ang may kasalanan.
Iniisip ko yung mga nangyari kanina.
Kaya't wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang mawala
Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
nandito lang ako
laging umaalalay
hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikawDi baleng maghapon pang umulan
Basta't ikaw ang sasandalan liwanag
Ng lumulubog na araw
kay sarap pagmasdan
Lalo na kapag nasisinagan ang iyong mukha
Ayoko nang magsawa
hinding hindi magsasawa sa iyoPupunta ba talaga ako doon? Parang hindi ko kaya e.
Makikita ko na siya.
Makikita ko siya kasama ng iba.
Masaya sa iba.
Ikakasal na sa iba.
Dapat ako yun diba? Dapat ako yung nandoon. Dapat ako.
Sana ako na lang, Ako na lang sana ulit.
Bahala na ayoko muna magsalita
hayaan na muna natin
ang daloy ng tadhana
Dahil ang tanging panalangin,
Dahil ang tanging panalanigin ay ikaw
Masaya naman kami noon e, parang perfect na lahat.
Moo namimiss na kita.
Mahal na mahal kita moo.I love you Moo, I love you everyday of my life Case.
Tayo ang magpapatunay na may forever Case.
Ilan lang yan sa mga salitang patuloy na pumapasok na isipan ko ngayon. Mga aalalang nagbigay kulay sa mundo ko kasama siya.
Mahahalagang araw ng buhay ko na sa isang iglap nawala.