MY PRETTY GHOST

19 2 0
                                    

UNANG LABAS

EXCITED si Melissa na lumabas ng building na kaniyang pinapasukan bilang isang call center agent sa isang kilalang Telecom Company. Daily routine na ng isang tulad niya ang sikatan ng araw sa kanilang kumpaniya. Ika nga, ang isang tulad niya ay parang bampira. Tulog sa umaga, at gising naman sa gabi.

Ngunit balewala sa kaniya ang puyat, dahil sulit naman ang sinusweldo niya. Nakakaipon na siya, nakapagbibigay pa ang dalaga sa mga magulang niya.

"Melissa, aren't you going with us? It's your day-off tomorrow."

"Sorry Nikki, kailangan kong magpahinga ngayon dahil may date kami ni Vince later," pagtanggi niya sa kasamahan at kaibigan. Inaaya kasi siya nito na mag-night-out, pero hindi nga siya pwede dahil may usapan na sila ng nobyo.

Hindi naman niya pwedeng tanggihan si Vince, besides, espesyal ang araw na ito para sa kanila. Huminto sa paglalakad ang dalaga nang maramdaman ang pagba-vibrate ng kaniyang telepono.

"Takecare, Nikki! See you!" paalam niya sa kaibigan bago inilabas sa blazer na suot ang aparato at nakangiti iyong sinagot.

"Good morning, sweety!" masaya niyang bati sa kabilang linya.

"Happy anniversary, sweety," malambing na bati ni Vince sa kaniya, dahilan upang umarko ang kaniyang mga labi dahil sa kilig na nadarama.

"Happy anniversary too, sweety. I love you!" ani Melissa.

"I love you too. Ingat ka sa pag-uwi. Susunduin kita exactly at 7:00 pm, okay?"

"Yes, sweety. Bye!" Ibinaba ni Melissa ang tawag at matiyagang naghintay ng masasakyan pauwi.

Almost perfect na ang relasyon nila. She's inlove with him, and he's inlove with her. Okay naman siya sa parents ni Vince at okay na okay naman ang nobyo sa family niya. Isa lang talaga ang nagpakumplikado sa 'almost perfect relationship' nila. Iyon ay ang 'TIME'.

Bakit? Dahil lihis ang oras nila sa isa't isa. Nasa trabaho siya sa oras na walang trabaho ang nobyo at ito naman ang nasa trabaho kapag siya naman ang walang trabaho.

Vince is an architech. Nagtatrabaho ito sa sarili nitong kumpaniya katulong ang ama nito, kaya naman ang oras ng trabaho nito ay sa umaga hanggang hapon. May pagkakataon pa ngang nasa out of town ito upang tingnan ang project site nito.

And yes, galing sa isang buena familia ang kaniyang nobyo. Kaya nga may pagkakataong naiilang siya sa tuwing may family gatherings ang mga ito at isinasama siya nito.

Samantalang siya, sila ng pamilya niya ay nakakaluwang lang sa buhay. Kumakain ng tatlong beses sa isang araw at napupunan naman ang mga pangangailangan. Hindi sila sobrang yaman o mayaman. Tama lang. Sapat lang.

Agad na nakipag-unahan si Melissa sa pagsakay sa humintong bus. Ngunit hindi mawari ng dalaga ang bagay na bigla niyang naramdaman.

Malamig. Hindi pangkaraniwang lamig. Oo, airconditioned ang bus na sinasakyan niya. Ngunit ang lamig na kaniyang nararamdaman ay kakaiba. Nanunuot sa kaniyang laman at tila tumatagos sa kaniyang mga buto.

Ipinilig niya ang ulo, marahil ay naipagkakamali lamang niya ang nadarama dahil sa antok at pagod.

Ngunit nakababa na siya sa bus, nakasakay ng tricycle at nakauwi ng bahay ay naroon pa rin ang kakaibang pakiramdam. Kaya naman binati lang niya ang kaniyang nanang saka dumiretso sa silid nilang magkakapatid.

"Mel, ayos ka lang ba, anak?" nag-aalalang tanong ni Aling Melva sa kaniya nang sundan siya nito sa silid at naupo sa gilid ng kama niya.

"Ayos lang ako, Nanang. Napagod lang po siguro ako."

MY PRETTY GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon