Prologue

2 0 0
                                    

Prologue 



Evangeline: 11 years old

7 years ago. 

Napapikit ako nang marinig na naman ang sigawan ni Mama at ni Papa. Hindi ko alam kung ano na naman ba ang pinag-aawayan nila. Bagong babae na naman kaya ni Papa? Tungkol sa pera? droga, or maybe something worse? Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ito parati ang pambungad sa amin ng kapatid ko sa umaga.

"T*ngina mo! Sino ba may sabi sayong galawin mo cellphone ko? Eh kung 'di ka ba naman kalahating tanga e dapat 'di mo na pinapakialaman mga gamit ko?!" Rinig kong sigaw ni Papa. Tinakpan ko agad ang tenga ng kapatid kong lalaki. Dalawa lang kami magkapatid pero kung mag away si Mama at Papa tungkol sa pera minsan, akala mo naman sampu kaming magkakapatid. 


"Sira ba ulo mong hayup ka? Sa malamang bubuksan ko cellphone mo kapag may tumatawag sayong 8080?!" Ah, babae nanaman. "Kilala na kita, Gabriel. Akala mo ba, hindi ko alam na pinapalitan mo ang  pangalan ng mga babae mo sa phonebook mo?!" Iyak at palahaw ni Mama. Sunod-sunod na kalabog ang narinig ko. Sigurado akong si Papa  na naman ang nagwawala. Ganyan siya, siya na ang may kasalanan, siya pa ang may ganang magalit. 


"Bobita! Pinapalayas na kita diba? Eh ikaw tong ayaw umalis. Lumayas ka! At wag mong isasama ang mga bata." Rinig ko ang malakas na kalabog ng pintuan. Siguradong lumabas na naman yun at makikipag-inuman sa mga tambay sa labas. 7am ng umaga ganito agad. 

Alam ko kung bakit ayaw niya kaming pasamahin kay Mama. Kasi mawawalan daw siya ng utusan at mapag didiskitahan kapag natatalo siya sa sugalan. 

"Evan, dito ka lang. Puntahan ko muna si Mama. Nakaligo ka naman na kagabi diba?" Um-oo naman siya. Nilagay ko sa kama ang tinupi kong mga damit niya kagabi pa. "Mag-bihis ka na. Yung backpack mo, wag mong kakalimutan mamaya. Nandoon mga gadgets mo." Tinabi ko lahat ang mga maleta sa ilalim ng kama ko saka inayos ang sarili. Sisiguraduhin kong makakatakas kami ngayong araw na toh. 

Lumabas ako sa kwarto ko para puntahan si Mama sa labas. Nakaupo na siya sa sofa at pinupunasan ang mga luha niya. Nung nakita niya ako ay agad siyang ngumiti. 

Tumabi ako sakanya siya inalo sa likod. Kailangan na naming umalis dito. Baka kung mapaano na kami dito kapag hindi pa kami umalis agad.

"Ma, umalis na tayo. Nasa labas na si Papa. Diba naka impake ka naman na? Napag impake ko na din si Evan." Lumuhod ako sa harapan niya saka siya tinignan sa mata. "Ma? Tara na please. Pagod na pagod na ako dito. Araw-araw ganito nalang si Papa. Ma, hindi na magbabago yun. Ginagawa na niya tayong punching bag sa bahay na toh." Pinakita ko sakanya ang mga pasa ko sa binti at braso. Malalaki at violet-blue ito. 

"Kita mo toh? Ako nanaman nakita niya kagabi kasi tinapon ko daw yung laman ng pantalon niya. Ma naman, malapit na akong masiraan ng bait dito. Gusto ko pa matupad mga pangarap ko." Ayoko pang mamatay.  I want to live. I want to pursue my dreams.  

Saka palang tumingin saakin si Mama. Ang lumuluha niyang mga mata ay napalitan ng gigil at simpatya. Agad naman itong nanlambot saka hinawakan ang kamay ko. 

"Pasensya na anak kung nag-tiis ka. Alam kong galit ka din sakin dahil nagtitiis pa din ako sa tatay mo kahit itinuturing niya na tayong mga hayup dito. Katangahan ko toh dahil akala ko magbabago na siya. Nangako siya saakin ng paulit-ulit na magbabago na siya pero wala." Tumayo siya at hinawakan ang mga kamay ko. 

Masinsinan niya akong tinignan sa mga mata.

 As i looked into her eyes, i can finally see the woman who had faced challenges to keep our family together. The determination to leave this hell hole. "Makinig ka sakin, una akong lalabas mamaya dala ang mga gamit ko. Magtetext lang ako sayo pag nasa sakayan na ako ha?" 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When the Walls FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon