Naik's POV
Hindi ko na alam kung saan ako pupunta pero ang alam ko lang ay gusto ko ng makalayo sa pamilya ko.
Hindi na nila ako tinuturing na anak. Hindi nila napapansin ang mga tama ko, puro nalang mali.
Dumeretso nalang ako sa condominium ko. Mas mabubuhay pa yata ako dito ehh kesa sa bahay namin.
Sumakay ako ng elevator, magsasara na sana yun ng biglang may pumasok pa. Hindi ko na sya pinansin.
Bumukas na yung elavator at lumabas na ako. Sumunod sakin yung babae. Baka dito rin sya sa floor na toh.
"sinusundan mo ba ako? " nairita ako dahil kanina nya pa ako sinusundan.
"assumero pala toh" bulong nya pero narinig ko. "wag kang feeling--"
"eh bat kanina ka pa nasunod.. Kung san ang direksyon ko dun ka din-----" naputol yung sasabihin dahil natumba nalang ako sa kanya.
"hoyyy!! Ano ba!? Ang bigat mo kaya!!" sigaw nya habang pilit na nilalayo ako sa kanya.
Nahilo na ako at tuluyang nasuka.
"hoyy ba't mo ako sinukhan?" naging mahina yung boses nya dahil alam kong nandidiri na sya dahil sa suka ko.
Nasuka pa ako ng nasuka. Nagsalita ako pero hindi ko alam kung ano yung sinsabi ko.
Naglakad na yung babae habang ako ay nakaakbay sa kanya dahil lasing ako. Inalalayan nya ako at pumasok sa isang unit.
Inupo nya ako sa sofa at umupo din sya.
Nilinisan nya ako dahil may suka pala yung damit ko. Hinubad ko yon at pinunasan nya ako ng basang towel.
"magpahinga ka muna..... Lasing ka lang" sabi nya at hiniga nya ako sa sofa. Pumasok sya sa kwarto nya mag lilinis daw muna sya ng sarili nya dahil sinukahan ko sya.
Nahilo ulit ako at bumagsak nalang ang mga mata ko ng hindi ko alam.
*************
Jillian's POV
Naligo ako dahil sinukahan ako ng lalaking yun. Noong mga nakaraang araw ay lagi nalang sya naglalasing. Lagi ko syang binabantayan dahil kita ko sa mga mata nya na may malaki syang problema.
Nakakaawa tong taong toh akala mo matigas pero sa loob nan,, ang mga problema nya ang nagpapalambot sa kanya.
Lumabas ako ng CR at nagdamit na. Binalikan ko sya dala yung kumot para hindi sya masyadong lamigin.
Dumertso ako sa kanya at naabutan ko nalang syang tulog.Pagkatapos ko syang ayusin, nagluto ako ng makakain namin. Nagluto nalang ako ng adobo at ininit ko yung kanin.
Pagkatapos kong magluto dumertso ako sa kanya. Niyugyog ko sya para magising. Ilang saglit lang nagising na sya.
"gusto mo kumain?" tanong ko dahil alam kong gutom na sya.
Tumango nalang sya. Nauna na ako maglakad. Natutumba pa sya dahil lasing pa rin sya.
Pinaupo ko sya at at nilagyan ko ng kanin at adobo yung plato nya.
"kain ka na" sabi ko dahil nakatingin lang sya sa pagkain nya. Kumain na rin sya.
Hindi pa niya nauubos yung pagkain nya pero sabi nya ayaw na nya.
Tumayo sya pero natutumba parin sya. Tumayo ako sa kinauupuan ko at inalalayan syang makalakad.
"magpapahinga na muna ako.... Salamat" sabi nya habang nahiga sa sofa.
NAGISING ako dahil sa alarm clock ko. It's already 7 am. May pasok pa ako sa school. Lumabas ako ng kwarto pero hindi ko na naabutan ang yung lalaking tinulungan ko.
Nagready na ako pagpasok ko sa school. Lumabas na ako ng unit ko at naglakad na papunta sa elevator.
********************************
Naik's POV
NASA sariling unit na ako. Magkatabi lang pala kami ng unit. May hang over pa ako pero kailangan kong pumasok ng school.
Nag-ayos na ako ng sarili at lumabas sa unit. Sumakay na ako ng elevator.
Pagkadating ko sa parking lot nakita ko yung babaeng tumulong sakin kagabi.
Lumapit ako sa kanya para mag thank you. Nakita rin nya ako pero hindi nya ako pinansin.
"hey! Do you remember me?" tanong ko dahil hindi nya ako pinapansin.
"sino ba namang hindi makakalimot sayo?!! Sinukahan mo ako!! tinulungan kita tsaka pinakain tapos umalis ka agad ng hin----"
"thank you and sorry" putol ko sa sasabihin nya. "sinong hinihintay mo? " tanong ko sa kanya.
"kaklase ko sabi nya kasi susunduin nya ako" sabi nya habang natingin sa wrist watch nya.
"sabay ka na sakin" bigla ko nalang naisip.
"ah hindi na.... Ok lang ako"
"ah okay" sabi ko habang nagwave sa kanya paalis.
Sumakay na ako ng kotse ko at pinaandar. Dahan dahan lang ang patakbo ko sa sasakyan dahilan kaya nakikita ko pa sya.
Hindi na rin sya mapakali kaya naisipan kong bumalik sa kanya.
"sakay na" sabi ko. "sige na baka malate ka pa" dugtong ko.
"ah sige... Salamat" sabi nya at sumakay sa passenger seat.
Nakarating na kami sa school at pinark ko muna yung sasakyan. Bumaba na sya at hinintay nya akong makababa.
"thank you ulit" sabi nya. Hindi ko pa nga pala alam yung pangalan nya.
"Mark Naik Jellencroe" pagpapakilala ko at nilahad yung kamay ko."Jillian Szarnliea" sabi nya at nakipag shakehands.
"tara na"