That Smile

2 1 0
                                    

                There was a young lady,who once thought that everything was okay.She goes to school everyday with her brows furrowed,but when she gets close to their school building,her face would clear—her mouth readying for a smile.

Tuwing papasok na siya sa kanilang classroom,some of her classmates would greet her by the door."Good morning." She would smile more and greet back."Morning."

Lalagpasan niya sila,didiretso sa designated na upuan para sa kaniya.She inhales,"It's okay." and exhales,"I'm okay."



And her day starts.

Nang umalis ang first subject teacher nila kinausap niya ang katabi niya."May quiz ngayon diba?" Sumulyap ang katabi niya sa kaniya,tipid na ngumiti bago tumango.

She pressed her lips together."Okay,thanks."She would smile,before looking at her classmate on her other side,across the small gap between them.Hindi naman ganoon kalayo,pero parang ang lawak ata ng space sa pagitan nila.Siguro dahil na rin para siyang hanging sumusubok na kumausap dito habang may kaharap itong iba.

She breaths, before turning to her back,only to see her other classmate writing."She's busy."Naisip niya,'magagalit to pagkinulit ko,wag na lang.'

Inilibot niya ang tingin niya sa buong room.Lahat busy.Lahat may kausap.Napako ang tingin niya sa isang grupo."Mukha silang masaya."Tumayo siya mula sa kaniyang inuupuan,hindi pinansin ang kaklaseng sumaway sa kaniya.

Tumayo siya sa tabi ng grupo bago nakinig sa pinagkukuwentuhan nila.Nag-uusap ito tungkol sa mga nagyari sa kanila.Maingat siyang nakinig,nakitawa sa mga kwento,pero nawalan siya ng gana sa grupo.Umalis siya at muling umikot sa room,bawat kanto at pati mga bintana ay sinilip.

Napunta siya sa mga grupo ng magbabarkada,mga chismis sa school pati ang mga scandal ng bayan ang pinag-uusapan,pero gaya ng naunang grupo,nawalan siya ng gana,at muling umalis.

Isang grupo pa ang naulinigan niya ang pinaguusapan,nagkekwentuhan ito tungkol sa kanilang problema.Naupo siya sa tabi nila.Natuwa siya sa grupo.Nagbigay siya ng payo at pakikiramay dahil sa mga pinagdadaanan nila.

At nang dumating na ang chance niyang magsalita,nakaramdam siya ng kaba,at tuwa.Naisip niya,"Sa wakas,makakapaglabas na ako ng nararamdaman."at nagsimula na siyang magkwento.Pero nakakasampong salita palang siya,kulang pa sa libo-libong nararamdaman niya,may sumigaw sa mga kaklase niya.

"Andyan na si Sir."

"O balik na sa mga upuan ninyo."

Dali-daling nagsialisan ang mga kausap niya,may natirang tatlo.Ngumiti na lamang siya.Magsisimula ulit sana siyang magsalita ng maunahan naman siya ng isa sa mga natira.Nasapawan na naman siya.

Pasimple siya nagbuga ng hangin,bago tumayo at bumalik sa upuan niya,hindi man lang nila napansin ang pag alis niya.

Nang dumating ang alas-cinco,umuwi na sila,lumabas sa pangalawang tahanang itinuturing nila.Pagod na siya ng dumating siya sa bahay nila.Masakit ang mga balikat at binti,dahil sa paglalakad ng dalawang kilometro papasok sa school at papauwi.Nananakit din ang likod niya,dahil sa walong oras na nakakuba sa upuan kakasulat.

Salubong ang mga kilay niya,pero pagpasok sa pintuan ng bahay nila agad siyang ngumiti,nagpacute sa kapatid niyang nakikipagsabayan din sa kakulitan niya.

Tumayo ito't inihabilin ang anak sa kaniya,bago umalis para bumili.Biglang umiiyak ang maliit na supling na nakahiga sa kumot sa sofa,inabutan niya ito ng tsupon pero iniluluwa lang.Kaya wala na siyang magagawa,ang natatanging alas niya na lamang any natitira,dahan-dahan niya itong inilagay sa mga braso niya,inihiga doon bago nilaro.

Her StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon