Chapter 1: The Post War

5 0 0
                                    

Maire

"Front liners are down!" sigaw sa akin ng kanang kamay kong si Leaf. Isa ito sa maituturing kong matalik na kaibigan.

Halos mangiyak ako ng makita ko ang kasintahan na wala nang buhay na nakahiga sa lapag. Puno rin ito ng dugo.

"D-Dave." naglabas ng espadang gawa sa ginto ang kalaban ko at lalong naging marahas sa akin.

He smirked when he saw my tears flowing because of hatred and sadness.

Napalingon ako kay Leaf na hirap na hirap na habang nakikipaglaban sa mga white magic users o caspian.

Same as me. Hindi namin sila kaya. Pumunta kami rito ng mas marami pero halos maubos na kami.

Ubos na ang mga front liners at kami nalang ni Leaf ang natitira. Iilan nalang din sa aking kasamahan ang pinipilit lumaban. Ang mga healers ay hindi ginagalaw ng mga caspian pero may mga nakabantay dito. Ang mga healers ng Armand ay hindi kayang lumaban. Talagang pinasama lamang sila ng amang hari para gamutin ang sinong magkagalos sa amin.

"Argh!" napatalsik ang katawan ko dahil sa isang caspian user na hindi mawari kung ano na kinakalaban ko ngayon. Kahit masakit ang katawan ay pinilit kong tumayo pero huli na ang lahat dahil tinutukan ako niyo ng isang gold blade sa leeg.

"Are you the leader?" malamig na tanong niyo. Malalim ang boses nya, kagaya ng mata nyang kulay ginto rin.

Nakaramdam ako ng takot dahil duon. Pilit kong pinatapang ang itsura bago gumawa ng desisyon.

"Armand! Stop fighting!" buong lakas kong sigaw.

Kita ko ang mga kasamahan kong tumigil na sa pakikipag laban at humihingal pa dahil sa pagod.

Pinigilan kong umiyak dahil hindi pwedeng makita ng mga caspian na ang anak ng isang leader ng mga black magic user o armand ay mahinang babae lang.

Napatingin ako sa duguang kasintahan. Parang dinudurog ang puso ko dahil sa awa.

"Let my disciple go and I'll surrender" pikit mata kong sabi sa user na kalaban ko at parang tumatayong leader ng mga caspian ngayon.

He smirked at me. "Tie her" agad pumunta sa akin ang mga armand pero itinaas ko ang kamay ko para sabihing okay lang ako.

"Are you f*cking crazy, Maire?!" sigaw sa akin ni Leaf. Her eyes are full of tears. Iniwas ko ang tingin ko bago ako lagyan ng posas ng mga caspian.

"Go home, Leaf. I can handle myself!" sabi ko kasabay ng panghihina ng katawan ko dahil sa posas.

"Babalikan ka namin!" humahagulgol na sabi niya bago tumakbo palayo.

"Alagaan mo sya" nanghihinang sabi ko kay Leaf. Nakita kong lumingon muna sya at tumango bago sya nawala sa paningin ko. Napangiti ako ng mapait.

Tumakbo ako papalapit kay Dave at niyakap iyo ng mahigpit. Napahagulgol ako habang tinitignan ang napaka gwapo nitong mukha. Hinalikan ko ito ng mariin. Ramdam kong wala na talaga. Patay na sya.

Ramdam ko ang sama ng tingin ng mga caspian sa akin. Hinila ako ng caspian na may berdeng mata at dinala sa harap ng leader nila.

Parang bigla akong nawalan ng lakas. Muntik na akong mapahiga sa sahig. Buti at may sumalo sa akin.

"The handcuffs will seal your power." paliwanag ng lalaking leader.

"B-Bastard" paos kong sabi.

Marahas nila akong kinaladkad papunta sa school nila na sya ring tirahan ng mga caspian na studyante. Ang posas kasing nasa kamay ko ay may nakaduktong na kadenang hawak naman ng leader nila kaya wala akong takas.

HE IS RISEN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon