Chapter 3

4 0 0
                                    

Chapter 3

"Mama." bulong ko na ikinasinghap ng mga studyante.

"Maire, anong ginagawa-" hindi na nya natapos ang sasabihin. Napalitan ng galit ang mata nito. Nagulat ako ng sinugod ako nito at sinampal ng malakas.

Tumagilid ang mukha ko dahil sa lakas nito. Pinigilan ko ang pagtulo ng luha sa mata ko. Walang emosyon ko syang tinignan.

Tama kayo ng naiisip. Isang caspian ang ina ko. Binihag sya ng ama ko dati pero sa kasamaang palad ay hindi nahulog si mama sa kanya. Demonyo eh. Nung ipinanganak ako ay medyo nagtiwala si mama kay papa kaya nagsama pa sila hanggang maging apat na taong gulang ako.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero isang araw nang magising ako ay wala na si mama sa palasyo. Tumakas daw ito sabi ni papa.

"Inutusan ka ba ng ama mong pumunta rito? Sinabi ko nang ayoko nang makita ni isang sa inyo!" napupuyos na sya sa galit habang ako ay pinipilit labanan ang sakit sa dibdib ko.

"Hindi mama-"

"Don't ever call me your mom! It disgusts me!" nandidiri nyang sabi sa akin.

"Prof Ava, pinatatawag ka ng headmaster." tunog ng speaker.

Tumingin muna sa akin ng masama si mama bago sya nawala ng isang iglap lang.

"Isa kang caspian!" sabi ni Lana.

Napapikit ako.

"Kawawa naman, itinatakwil ng nanay nya!" tawa ng mga nasa paligid.

Nanatili akong nakapikit hanggang sa wala na akong marinig na pagtawa sa paligid ko. Pagdilat ko ng mata ay napunta na pala ako sa isang tahimik na lugar kasama si Samiro! Mukha kaming nasa isang garden.

" Samiro, anong ginagawa natin dito?" mahina kong tanong.

Hindi ito sumagot. Humiga ito sa damuhan at tinakpan ang mukha nya gamit ang kanyang braso.

Tumabi lang ako sa kanya at humiga rin. "Samiro, alam siguro ng hari na anak ako ni mama." kwento ko sa kanya. "Mukhang hindi nya talaga ako mahal." mapait akong napangiti.

Humiga na rin ako sa damuhan. Buti may malaking puno na tumatakip para hindi kami sinagan ng araw.

"Salamat sa pagalis sa akin duon sa corridor."

Gamit ang kapangyarihan ko bilang isang armand, hinanap ko gamit ang mindlink si Leaf. Kailangan kong mag kwento sa kanya kundi ay baka mabaliw na ako.

"Leaf?" tawag ko.

"Maire? Omg! Okay ka lang ba? Sinasaktan ka ba ng mga caspian?" nagaalala ang tono nito.

"Hindi. Sa totoo nga ay pinagaral nila ako dito. Utos pa mismo ng hari!" masaya kong sabi.

"Maire, bumalik ka na rito. Balak na naman nghari na sumugod dyaan kaya baka mapahamak ka!"

"Wag mo na akong alalahanin. Kasama ko si mama dito." mapait kong sabi.

"Maire..." pinutol ko na ang koneksyon ko sa kanya at huminga ng malalim.

"Samiro" napabangon ako ng makita ko si Clover na pinagmamasdan kami ni Samiro. Umiling lang ito bago umupo sa tapat ko. Agad akong napalayo sa kanya. Alam kong naghihintay sya ng pagkakataong saktan ako.

"Don't worry babe. May tiwala na ako sa iyo. Nanay mo pala si Prof Ava?" ngumiti ako sa kanya at tumango.

Magaan talaga ang loob ko sa mga caspian dati pa.

"You look beautiful when you smile" agad akong namula sa sinabi nya.

"I said don't flirt with the Armand" naiinis na sabi ni Samiro na nakaupo na rin pala.

"She's haft Armand, haft Caspian. So I don't know what you're talking about" mapangasar na sabi ni Clover.

"Mam-mam!" bumilis bigla ang tibok ng puso ko ng amrinig ko ang boses na iyon.

Sa di kalayuan ay may nakita akong portal ng isang armand at lumabas duon ang isang bata na lalaki.

"Shit! Napasok tayo ng mga armand" sabi ni Clover at dalidaling naglabas ng water sword para saktan ang kakalabas na bata lang sa portal.

"Wag!" sigaw ko. Tumakbo ako papalapit sa bata na siyam na buwang gulang palang at kinarga ito. "Anak ko sya" mariing sabi ko kay Clover at Samito na nakahanda na para sugudin ang anak ko.

"The fuck?!" gulat nilang sabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HE IS RISEN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon