Chapter 2

4 0 0
                                    

Chapter 2

Nagising ako sa kwartong ibinigay sa akin ng hari. Katamtaman lang ang laki nito at hindi katulad ng kwarto ko sa palasyo sa armand.

Hindi naman kasi ako prinsesa dito.

Ginamot na ng mga healer ang sugat ko. Hindi ko napansin na sobrang dami pala ng ginawa sa akin ni Samiro na nalapnos ang halos kalahati ng katawan ko. Hindi pa din nga magaling ang iba at babalikan pa ako ng mga healer mamaya para gamutin ako ng tuluyan.

Habang sinusuot ang uniform ng caspian academy ay hindi ko mapigilang mapangiti. Excited na akong magaral dito, syempre. Pangarap na akala ko ay hindi na matutupad.

Suot ko ang isang bracelet na hindi natatangal. Sabi ni Clover ay bino-block nito ang 80% ng kapangyarihan ko.

As a magic user, absence of my power is a suicide. Kaya dapat ay laging may matirang kapangyarihan sa katawan ko.

Sigurado, pag ginamit ko ang natitirang lakas ko ay matagpuan nalang akong bangkay sa kung saan saan dyan.

Paglabas ko ng dorm ay wala nang mga studyante. Hala, late naba ako?

Agad akong tumakbo sa claasroom ko. Pano ko nalaman? May binigay na mapa si Clover sa akin.

I have never been this eager to attend classes. Ikaw ba naman ang makapasok sa school na gustong gusto mo.

Pagbukas ko ng pintuan ay napatingin sa akin ang lahat ng studyante. Bakas ang pandidiri at pangungutya sa kanilang mga mata.

"Armand!"

"She's still alive?"

Puro bulungan. Ginantihan ko sila ng matalim na tingin. Ang guro naman ay walang emosyon lang na nakatingin sa akin.

"Sit wherever you want" malamig nitong saad na sinunod ko naman. Naglakad ako papuntang likod dahil duon nalang may pwesto. Alam ata ng mga guro na magaaral ako.

Hanggang ngayon ay palaisipan kung bakit tila magaan sa akin ang hari.

History pala ang subject ngayon. Hindi na ako masyadong nakinig dahil alam na alam ko na ang history ng dalawang panig. Nakayukom ang kamay ko nang pag-aralan namin kung pano nag umpisa ang gera nang mga armand at caspian.

Rinig ko ang galit na bulungan ng mga kaklase ko na halata namang para sa akin.

Pagkatapos magsalita ni Prof Hera ay nag break na. Mabilis lumayas ang mga kaklase ko at tingin ko ay pupunta na sila sa cafeteria.

"Hi!" napatingin ako sa babaeng katabi ko. Mukha syang nerd dahil sa kanyang salamin pero maganda pa rin ito.

Hindi ako sumagot. Kahit gusto ko syang makausap ay pinigilan ko ang sarili.

"My name is Lana . A mind reader, class B." nakangiti nyang sabi. Gumaan ang loob ko dahil ang bait nya sa akin.

"Maire." tipid akong ngumiti sa kanya.

"Sabay na tayong mag lunch." aya nya na tinaguan ko lang.

"Ang ganda mo Maire. Siguro maraming taga-armand ang nanliligaw sayo no?" napangiti ako sa paraan ng pagtatanong nya na parang wala lang sa kanya na kalaban ako ng panig nya.

"Hindi naman." pagsisinungaling ko. Ang totoo nyan ay lagi akong nakakatanggap ng mga regalo sa palasyo mula sa mga lalaki.

"Sus! Nababasa ko isip mo, Maire." natatawa nyang sabi. Namula naman ang mukha ko.

Bigla tuloy akong na-concious. Mababasa nya lahat ng nilalaman ng utak ko kasama ang mga sikreto ng kaharian ng tatay ko. Sandali! Napalayo ako sa kanya at tinignan sya.

Ngumisi ito sa akin kaya nangilabot ako. "Mali ka nang iniisip. Hindi ako pinadala para kaibiganin ka at kumuha ng impormasyo sa iyo."

Humakbang pa rin ako papalayo sa kanya. Hindi ako naniniwala sa kanya! Napansin kong pinagtitinginan na kami ng ibang studyante.

Humakbang ako para tumalikod pero may pader pala kaya napaupo ako sa sahig. Wait, hindi iyon pader! Matigas na dibdib iyon.

Tumingin ako sa nabungo ko at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Samiro pala ito. Nagsipag yukuan ang mga studyante sa bagong dating na prinsipe.

Matalim lang akong nakatingin sa kanya at hindi nagbibigay galang kahit nasa teritoryo nya ako. Tumayo ako kahit na medyo malakas ang pagkakabagsak ko.

"What's happening here?" may narinig akong boses ng babae sa likod ni Samiro.

Para akong nanlamig dahil sa babaeng nakita ko ngayon. Mukhang nagulat din sya ng makita ako.

"Mama." bulong ko na ikinasinghap ng mga studyante.

HE IS RISEN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon