Sabi ko sa sarili ko nuon na hindi ako magiging katulad ng iba na magpapakatanga, na magpapamasukista,na magbibigay ng pagkakataon sa taong mangloloko sakin at lalong di ako di ako hihingi nang pagkakataon sa mga taong nag-iwan. I guess those words were already buried and even eaten by me. Sabi ko noon kung magmamahal man ako eh dun sa taong mamahalin ako at di ako sasaktan. Sabi nga ni Ramon Bautista, “There’s so much more to life than love.” Eh bakit ngayon para akong baliw at hinahanap pa din pagmamahal niya? Bakit ako nagpapalimus nang pagmamahal? Bakit ako umiiyak nang dahil sa kanya? Pinipilit kong maging masaya pero parang may kulang. Iyun ang mga nasa isip ni Ar-ar habang nakaharap sa kanyang laptop.
Meron pa nga siyang exam next week at kailangan niyang mag-aral pero ni hindi niya maibigay ang buong isip nya sa pag-aaral sapagkat ang parating bumabalik sa kanya ang katagang, “bakit? “. Si Ar-ar isang college student. Dapat nga grumaduate na siya noong Abril 2014 sa kursong Architechture kaso naextend kasi nga bumagsak sa ilang subjects niya. Ang buong pangalan niya ay Ryan Rodriguez. Di naman siya pangit di lang talaga uso yung klase nang pagmumukha niya.
“Ar-ar merong naghahanap sayo”, tawag nang isang boardmate niya na sa ibaba nang kanilang boarding house. “oh! Teka lang.” sagot ni Ar-ar. Di nila alam na takot na man talagang bumaba si Ar-ar kasi baka makita niya sa ibaba ang ex niya kasama ang bagong lecheng pag-ibig niya na boardmate rin niya. Ayaw niyang saktan sarili niya kaso di niya maiwasan kasi naman mahal pa niya ex niya. Ayun! Kitang-kitang niya nag-uusap na para bang walang pwedeng makarinig sa kanila at kailangang ganun kalapit. Malapit na pati mga kuto at lisa ay parang namamasyal sa Malaysia patungong Singapore at back and forth. Gusto tumingin ni Ar-ar kaso sabi niya sa isip niya,”anong iisipin nila na naiinggit ako? Di noh!”. Pero di niya napigilan bumigay siya nang mga .5 second glance. Ayun nagkatagpo ang mga mata nila sa kanyang ex. Pero binawi ni Ar-ar, nagpatuloy siya sa paglakad hanggang makaabot sa gate. Pag bukas, “hoy!San tayo gagawa nang project mo?” , tanong nang classmate niyang si Jay na para bang ang layo nilang dalawa. Sanay na si Ar-ar kay Jay kasi magbabarkada na sila. Nung mga puntong yun hindi basta makasagot si Ar-ar sapagkat kung doon sa ibaba nang boarding house sila gagawa, ilang oras siyang magpapahypocrite sa mga tao dun na wala siyang paki-alam. Ilang oras niyang makikita ang dalawang “labirds” na naglalampungan. Eh di niya alam at ayaw niyang making obvious. Kaso ito si Jay ay parang adik diretsong pumasok sa gate at pumunta sa lugar kung saan ang labirds nakapuwesto. Andun kasi ang malaking lamesa kung saan pwede ilagay ang mga gamit. So itong si Ar-ar wala nang magawa at sinundan si Jay. Yun bang pakiramdam na para kang maiihi tapos yung hininga mo ay hindi umaabot sa puso mo at pipilitin mong lumanghap nang maraming hangin hanggang sa mastable lang yung paghinga mo. Hindi naman talaga kasi makatingin si Ar-ar sa kanila pero gusto niya ipakita na matapang ako.” Hindi ako takot sa inyu. Ang papangit niyo!” sabi sa sarili niya.
Ito yung mga panahong tinuturing ni Ar-ar na para bang niluluto siya sa isang lechon house. Isang baboy na dahan-dahang iniikot habang nakatusok sa isang kawayan. Pinipilit mabuhay at inililigtas ang sarili kaso nahihilo na sa kakaikot. Ito yung mga panahong nasabi ni Ar-ar na, “pinapamukha na nga nang ex mo oh. Tapos ikaw yung umiiyak sa harapan niya para magbalikan kayo.” Minsan itong si Ar-ar eh parang baliw. Minsan kinakausap ang sarili. Kaya nga sa tagal nang pagkakatunganga niya sa kanyang laptop eh nakatulog.