SANA

2 0 0
                                    

Kathang isip lamang ito, pagpapantasya tungkol sayo

Ikaw lang
Lagi nalang ikaw
Bakit ba sa mata mo pa
Ako ay naligaw?
bakit ba ikaw Puso ko'y tanging sinisigaw
Mula pa man Ikaw ay unang masilayan

Oo alam kong wala na kong pagasa
Sa akin ikaw ay magkagusto pa
Sapagkat alam kong
Mula palang sa aking itsura
Tiyak na wala na ngang pagasa

Ang sakit lang
Palagi na lang
Aasa
Masasaktan
Ito ba ang itinakda sakin?
Masaktan at umasa nalang?
Talaga bang one sided lang
Sa akin ay nararapat?

Pero alam ko sa sarili ko
Mabuti ang kalooban ko
Sa iba at sa iyo
Pero di pa sapat toh
Para ako ay magustuhan mo
Sapagkat nasa itsura ang tingin mo Pati sa ugali nito
Ngunit ugali lang ang taglay ko
Kaya ito namay kinalulungkot ko

Halos lahat naman ng lalaki
Di ka nila magugustuhan
Kung itsura ay wala ka
Di ba nila alam ang salita Na "panloobang ganda"?
Na di baling walang itsura Basta't ugali nito ay maganda?
Yan ang nakikita ko ngayon Sa twing nakikita kita
Bakit kaya hanap mo'y ganon na lamang
Mga gusto mo'y pangkaraniwan lang

Narito ako
Nagdadrama sa kama ko
Nakikinig sa tugtuging kaylungkot
O kay dami ng nasa isipan ko
Sana ikaw ay makita ko
Makausap ko
Maging kaibigan ko
Maging kalapit ko
Sana ako imbes na siya

ngunit hanggang sana lang pala
Lagi lang akong SANA
dahil alam kong di naman ito magkakatotoo
Kathang isip lamang ito
Pagpapantasya tungkol sayo

Oo hanggang sa isipan na lang kita
Wala nang mashihigit pa
Sapagkat alam kong ito'y imposible na
Na mangyare pa
Sa panaginip ko nalang
Tayo ay magsisiyahan
Sa panaginip ko
Lahat ng SANA ko nagkakatotoo

Sa panaginip ko magkasama tayo
Magiging masaya tayo
Ngunit gigising rin pala ako
At maya maya ito'y malilimutan ko

Diba angsaya?
Masaya ka sakanya
Ako nakatunganga
Parang tanga lang
Naiwan sa ere doon

Ako naman
Nandito lang
Umaasa pa rin
Na baka sakali
Tayo'y may pagasa parin
Diba Katangahan lang

Sino nga ba ako sa buhay mo
Para umasa na may pag asa tayo?
Puso ka yata'y nagloloko
Ngunit walang ibang makakaayos nito Kundi ikaw..
ikaw na tanging sigaw nito

Parang litrato lang itong nararamdaman ko sayo
Na sa bawat tingin ko sayo
Tuwa't saya ang maaalala ko
Memories raw tawag dito
Pwede ko idelete ito
Pero hindi pa pala kumpleto
May "recently deleted" pa ito
Pwede pang bumalik ang nararamdaman ko sayo
Depende sa kung anong sasabihin ng puso ko

Sana may amnesia ako
Ammesia na malilimutan ko
Lahat ng bagay na tungkol sayo
Kung sa ganon
Di na ko masasaktan

Akoy magtatapos na
Patuloy na lang na magpapantasya Katungkulan sayo sinta

THANKS FOR READING
P.S LAHAT YAN TOTOO

patuloy na pagpapantasya, katungkulan sayo sintaWhere stories live. Discover now