Kontrabida 5

18 1 0
                                    

Baby

Hindi ko alam kung anong sasabihin.Nang sinabi niya iyon mundo ko ay tumigil.Charot ang overacting na.

"Ano bang pinagsasabi mo?You're funny you know?''sabi ko nang may bahagyang tawa.

Ang seryosong mukha nito ay mas lalong sumeryoso.Oh gosh."I am not kidding around here."

"A-Ah may ice cream ka ba dito?"tanong ko para maiba ang usapan.Masyado na akong kinikilig baka mamaya bigla nalang akong humiga sa harap niya.

Kumunot man ang noo niya."Ice cream?"

Tumango ako."Meron kayang ice cream sa refrigerator namin!Mamasok ka na nga ng bahay,hindi pa kumpleto!"

"Tss.Tara bumili tayo ng ice cream mo sa ice cream house.''Napamaang ako ng lumabas ito sa kwarto.

Ibibili niya talaga ako?Hala!Seryoso ba talaga siya?Ano ba kasing nakain noon bakit ganon yun?

Agad naman akong tumayo dahil baka mainip pa siya at hindi ako ibili ng ice cream.Gusto ko talaga ng ice cream,buti nalang naisingit ko siya ng tama sa oras.

Lumabas ako at nakita ko siyang nakaupo sa sofa habang nagcecellphone.Nakangiti ito at parang kinikilig.Hmf?Sino naman kaya yun?

"Para kang tanga dyan."sabi ko kaya gulat naman siyang tumayo."Sino yan?"

"A-ah s-si mami lang..."nauutal niyang sambit dahilan para mapakunot lalo ang noo ko.

"Okay.Tara na at ibili mo na ako ng ice cream,yehey!"sabi ko at nauna na sa pintuan.

~
"Dahan-dahan lang."natatawang sambit niya dahil tuloy-tuloy akong kumain ng ice cream.Isang subo,subo ulit kaya halos mapuno na ang bibig ko.

"E ikaw kaya magcrave sa ice cream,"umirap pa ako at sumubo ulit ng sumubo.

Tumawa ito.Napakagandang pangyayari."Nagaalala lang ako kasi baka mabulunan ka."

"Hindi naman siguro."sabi ko at kumain ulit ng kumain.Strawberry ice cream ang favorite na flavor ko ng ice cream.Minsan gusto ko din ng cookies and cream pero strawberry talaga.

"Hindi ba naghihingalo yang ngipin mo?Kinakagat mo kasi yung ice cream."bahagya siyang ngumiti.

Sumubo muna ako ulit ng ice cream bago bumalinh sa kanya."Excuse me,alagang colgate to,"

Tumawa na naman ito.Tss nababaliw na siya."Ang cheap naman."

Kunot-noo ko siyang tinignan."Bakit?Hindi ka nagtu-toothbrush?"

"Nagpapadental clinic ako every week."

"Yuck!So hindi ka nga nagtu-toothbrush?Kadiri ka naman!"sabi ko at umastang nababahuan.Nilagay ko pa ang palad sa bibig ko.

"Silly.Siyempre nagtu-toothbrush pa din ako.What I mean is nagpapadental ako for safety ng ngipin ko."sabi niya at ngumiti.

Pinagmasdan ko ang ngipin niya at tama nga,sadyang napakaputi at ganda nito."Ano yan?In-danger?For safety-safety pa,mabubulok din naman."

Umirap ako at inismidan siya.He chuckled."Excuse me din pero wala pa akong bulok na ngipin."

"Talaga ba?"tanong ko at tumango naman siya.Tumayo ako at nilapit ang mukha ko sa mukha niya.Hinawakan ko ang baba niya at itiningin sa akin."Tingin.Say ahh"

Umirap din ito.Tsaka ngumanga.

Hahahahaha ang cute.

In-examine ko ang ngipin niya at wala ngang bulok doon.Then binitawan ko ang bibig nito.Kaya napatingin ako sa mata niyang nakatingin din sa mata ko.Owmay help me please...

HIS KONTRABIDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon